chapter55/Pain.

1.2K 17 9
                                    

(jonel's pov)

Dalawang araw na yung lumilipas pero hindi pa rin gumigising si fey. Dalawang araw na rin akong hindi naliligo, natutulog, kumakain ng matino, umuuwi, Argh. Dalawang araw na kong balisa. Ano ba?? Bakit hindi pa sya gumigising?? Ano bang problema niya?? Ano? Matutulog na lang ba sya jan??? Tss. 

-Hoy.. Gumising ka na. Nababadtrip na ko sayo. Tss. Sasakalin na kita pag hindi ka pa mumulat jan. Bangon na Fey.. Please, Bumangon ka na naman oh..

Lumipas ang isa pang araw na hindi gumigising si fey. Nababaliw na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na ko dito sa tabi ni fey pero ayaw pa rin niyang gumising. Pwede ba yun? Kanina ko pa sya tinititigan at pinipilit bumangon pero ayaw niya gumising. Sige na naman fey oh, Promise hindi na ko aalis sa tabi mo, hindi na kita iiwan.. Gumising ka na naman oh?

-Kumain ka na muna jonel, Kami na munang bahala sa kanya..

Paglingon ko sa may pinto, nandun yung mama ni fey. Okay na kami. Ayaw daw nilang dagdagan pa yung pinagdadaanan namin ni fey tsaka nalaman nga kasi  nila na wala naman talagang nangyari samin ni mery kaya kung tutuusin okay na ang lahat.. Si fey na lang ang kulang..

-hindi po tita.. Dito na lang po ako..

-No. hindi pwede na pinapabayaan mo yang sarili mo.. Sige na, Lumabas ka na.. Kumain ka na at bumalik ka na lang dito agad..

-Sige po tita. Please po tawagin niyo ko agad kapag nagising na sya ha?

Habang naglalakad ako sa may corridor ng hospital para kong wala sa sarili... Pagkabili ko rin ng pagkain, dumiretso ako sa may rooftop.. Hah.. Napangiti ako nung nakita ko yung rooftop.. Dito rin yun, Dito ko sya unang nakausap.. 

"die? Life is too unfair"

Naalala ko yung unang sinabi niya sakin... Nung una badtrip ako sa kanya, Nakakabwiset kasi sya. Ang ingay na nga ang daldal pa, Tapos pakielamera pa.. Basta nakakainis. Sabi ko sa sarili ko ayoko ng ganung babae. Ang daming alam. Ang daming sinasabi. hindi ko akalain na yung babaeng kinainisan ko eh mamahalin ko ng ganito. Dati kasi nung una ko syang nakilala, naawa ako sa kanya pero wala naman talaga akong pakielam kung mamatay man sya o hindi tapos eto ko ngayon, nagmamakaawa para hindi sya mawala. Dati kaya ko  na wala sya, dati okay lang sa akin na hindi ko sya nakikita o nakakasama, dati naiinis ako pag nakikita ko sya pero ngayon.... hindi ko na kaya. hindi ko kayang lumipas ang isang araw ng hindi sya nakakasama at nakikita. Hndi ko kayang hindi nakikita yung ngiti niya. yung mga ngiti niya na kayang tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman ko. yung mga ngiti niya na kayang pabilisin ng sobra sobra yung tibok ng puso ko.. yung mga ngiting minahal ko... Bakit ba ganito??? Bakit sya pa???

Flashback:

-Tell me everything...

Nagulat si kuya lance  nung sinabi ko yun sa kanya at tinitigan akong mabuti..

In Sickness and in Health, Till Death do us part.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon