Chapter 2

35 5 2
                                    

"Okay class, that's all for today. Class dismiss, you may go now." Sabi ni ma'am sa amin at umalis.

Most of them are packing their things, and ready to go. Pero ako, nakasubsob lang ako sa chair habang hinihintay ang mga taong lumabas. I feel so sleepy, I want to sleep. Aish! Papapikit na ako nung nagvibrate ang cellphone ko, di ko sana papansinin pero hindi tumitigil.

Kuya Darryle calling.....

Oh! I almost forgot na he will pick me up pala.

"Hello, Kuya?" Sagot ko.

"Kiana, where are you? I'm waiting here at parking lot for almost 30 minutes!" Oh, galit na ata si Kuya!

"Opo opo, papunta na po."

"Bilisan mo, may darating pala tayong bisita ngayon. Kaya bilisan mo!"

"Kuya, sino pong bisi---?" Naputol yung sasabihin ko nung sumabat si kuya.

"Malalaman mo din mamaya, wala nang maraming tanong. Kung gusto mong makilala sila, bilis bilisan mo jan." Sabi ni Kuya.

"Papunta na po, bye!" At binaba ang tawag.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi magtaka at magtanong sa sarili. Bisita? Sino naman yun? Tapos 'sila'? Hmmm... Ayy ewan!

At parking lot...
"Kuya Darryle!" Pagkatapos ay binuksan ko yung pintuan ng kotse niya, masyado kasing gentleman si Kuya para pagbuksan ako -_-

"Kiana, bilisan mo. Kakatawag lang ni mommy, nasa bahay na daw yung mga bisita." -Kuya

"Hmmm, okay.." Curious na talaga ako dun sa 'mga' bisita sa bahay namin.

Habang nagdadrive kami, hindi ko talaga maiwasan na macurious kung sino yung mga bisita namin. But, makikilala ko din naman sila eh.

At house...

Nandito na kami ni kuya sa labas ng gate, bumusina siya at binuksan ng maid namin ang gate. Pagkatapos ay pinark niya ang kotse niya sa garage.

"Baba ka na Kiana." Sabi ni Kuya. Tss, napaka gentleman talaga ng kuya ko!

"Oo nalang tss." -Ako

Nang pumasok na kami sa bahay ay sinalubong kami ni mommy.

"Darryle! Kiana! Mabuti naman at nandito na kayo." Masayang sabi ni mommy. At nagbeso siya sa amin ni kuya.

"Hmm, mommy. Sabi po ni kuya may mga bisita po daw tayo? Nasaan na po sila?" Tanong ko kay mommy dahil hindi ko makita yung mga bisita sa living room.

"Ahh oo Kiana, nasa garden siya nagmemeryenda. Dalawa yung bisita natin, yung isa umalis muna pero babalik agad. Yung isa naman ay nasa garden." -Mommy

"Okay po" -Ako

"Mommy, puntahan ko na yung mga bisita." -Kuya

"Mabuti pa nga anak. Ikaw,  Kiana?" -Mommy

"Magbibihis muna po ako, mommy." -Ako

"Okay bilisan mo." -Mommy

Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng simpleng white t-shirt at shorts. Ganun naman kasi pambahay ko eh.

Nang bumaba na ako ay hinanap ko muna si mommy dahil nagugutom na ako. Pero nang hindi ko siya nakita ay nagtungo na ako sa garden para tanungin si kuya.

"Kuya, nasaan si mom---?" Naputol yung tinatanong ko nung biglang tinawag ako ng isang bisita namin.

"Kiana!" pamilyar yung boses na yun ah? Pagkatingin ko ay nakita ko si....

"Lewis?!" Gulat kong tanong

"Hmm hi!" -Lewis

"Hello! Nasaan yung kasama mo?" Tanong ko sakanya.

"Umalis lang sagl-- Ayy! Nandito na pala siya!" Tinuro niya ang nasa likod ko.

Pagkatingin ko sa likuran ko ay nagulat ako sa nakita ko.

"Owen?!" "Kiana?!" Sabay naming sabi na gulat.

So, sila pala yung mga bisita namin. Hmmm, not bad. Pero omg! Kinakabahan ako na excited kasi nandito siyaaaaaa!

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon