Dahil ayaw ko munang umuwi sa bahay, pumunta muna ako sa bahay ni Mitch. Yung kaibigan ko na miss na miss ko na! Ano na kayang ganap dun sa babaitang yun? Hahaha!
Habang naglalakad ako papunta sa bahay nila Mitch, nagriring yung phone ko. Hayys, sila Kuya lang yan. Pero pagkatingin ko sa cellphone ko, unknown number.
Unknown number calling...
"Hello? Who's this?" -Ako
"Kiana..." Pamilyar na sagot ng nasa linya.
"Sino po ito? At bakit mo ako kilala?" Takhang tanong ko.
"Si Owen ito, nasaan ka ba Kiana?" Pagkatapos niyang banggitin kung sino siya ay nagulat ako. Papaano niya nalaman number ko? Ay, baka kay Kuya niya nakuha.
"Ahh okay.." Trying to ignore his question.
"Nasaan ka na, Kiana?" Natatarantang tanong niya.
"Somewhere down the road." -Ako
"Seryoso Kiana, nasaan ka na?" Mahinahong tanong niya pero naiirita na.
"Somewhere over the rainbow." Yun nalang sinabi ko para maiba.
"Nasaan ka na kasi eh?!" -Owen
"At bakit ko naman sasabihin?" Sabi ko.
"Please tell me where you are, Kiana." Nagmamakaawang sabi niya.
"Nasa daan ako! Oh yan? Happy!?" -Ako
"Nasaan ka ba talaga, Kiana? Yung seryoso please! I need to talk to you." Nagmamakaawang sabi niya.
Sa tingin niya, pagkatapos ng pagpapaasa niya sa akin makakausap niya ako? Aba! Ayoko nga! Ayy, mali pala yung "pagpapaasa niya sa akin" kasi ako lang naman yung "umaasa" Ang saklap lang mga bes.
"Sa bahay ng kaibigan ko. Yan, okay na? And please, sa ibang araw nalang tayo mag-usap. Wala ako sa mood." -Ako
"Hmmm...." -Siya
"Bahala ka jan, bye." Then I ended the call.
Bakit naman ako hahanapin ng lalaking yun? Psh. Aasa nanaman ako. 'Hayss, wag ka nang mag-expect na hahanapin ka nun. Baka may kailangan lang sayo yun. Kaya wag ka nang umasa.' Sabi sa akin ng konsensya ko. Oo na po, alam ko na man iyon eh.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Mitch, kumatok ako sa gate nila.
"Tao po? Mitchhh?!" Tawag ko sakanya.
Nang bumukas ang gate, ay nagulat si Mitch sa nakita niya.
"Kiana?!" Gulat na tanong niya sa akin.
"Oo, ako nga." Nakangiti kong sambit.
"Buti nalang at napadalaw ka!" Masaya niyang sabi.
"Oo, pero pwede bang pumasok muna?" Baka hinahanap talaga ako ng lalaking yun, tapos mahanap niya ako kasi nasa daan ako.
"Sige, pasok ka na." -Mitch
Nang makapasok kami sa bahay ay nagkuwentuhan kami. Hindi ko pa pala napapakilala si Mitch sainyo. Siya yung kaibigan ko, bestfriend kumbaga. Mabait, maaalalahanin, masipag, maganda at mapagkakatiwalaan. Kaya yung mga sikreto ko nga sakanya, nasasabi ko eh.
"Balita ko, maraming pogi sa university niyo?" Kilig na sambit niya.
"Ahh, oo." Biglang pumasok sa isipan ko si Owen.
"Sinu-sino?" Curious niyang tanong.
"Basta marami, dapat kasi nagtransfer ka din eh! Yan tuloy." Wika ko.
"Ayaw nga ni mommy eh. Sorry Kiana. So, sino nga yung pinakapogi na nakilala mo dun sa university niyo?" Tanong niya.
"Si---" naputol yung sinasabi ko nung magring yung phone ko.
Unknown number calling...
"Hello?" -Ako
"Meet me at the coffee shop near the university, now." Sabi ng pamilyar na boses na nasa kabilang linya.
At binaba na niya ang tawag.
Sino naman yun? Eh kung ayaw ko? Baka kailangan eh. Sige na nga, pupuntahan ko kung 'sino' man yun.
BINABASA MO ANG
My Forever (On- hold)
Teen FictionOnce upon a time, i've met a guy who named Owen Clinton. He is my classmate since I transferred at my former school. Sabi nga nila, so near yet so far. Ganun kami, papaano naman kaya ako mapapansin kung isa lang akong nobody sa school at siya ay isa...