* rinnnnnnnngggggg ringgggggggg ringgggggggg*
Gaya nga ng sabi 'dun sa sulat, after dismissal ay pupunta ako sa music room.
Papunta na ako sa music room ng may madaanan akong mga babaeng nagtitipon-tipon at tilang seryosong mag-usap.
Hindi ko naman sinasadyang makinig ng dumaan ako pero narinig ko ang pangalan ko kaya ako napahinto.
"Girls, kilala niyo ba si Kiana Perez? The girl who transferred at our school?" Sabi nung isa.
Bakit ako nasali sa usapan nila?
"Yup! I know her so much!" Sabi nung pangalawa. Wow?! So much talaga? Ano ko sila, stalker?!
"Yung babaeng palaging kasa-kasama sina Owen at Lewis?"
"Oo, siya nga girls! Nakakabanas siya! Palagi niyang kasama!" Saad ng girl 1.
"Oo nga, so anong plano?" Plano? Plano para sa akin? Nang marinig ko yun ay nagtago muna ako at nakinig sa usapan. Bahala na kung malate sa pakikipagkita, mas importante ito.
"Hindi dapat natin siya hahayaang makasama, ni makita o malapitan sila!" sabi nung pangalawa.
"Yeah girls. Binalaan ko na siya dati, pero hindi niya binigyang halaga yung babala ko sakanya. Kaya sa ayaw at sa gusto niya, gagawin natin ang dapat gawin." sabi ng isa. Teka, parang kilala ko ito ah?! Si Jamerize!
"Hindi talaga nagtatanda tsk. Ngayon, imposibleng matatandaan na niya yung mga dapat niyang tandaan!"
"Selyne, Aubrey. Ganito yung plano......" Hindi ko na narinig yung mga sinasabi nila dahil may nagtakpan sa mata at tenga ko.
"Who the hell are you!?" Mahina kong sabi kung kanino man dahil baka marinig nila ako.
"Hmm, bakit ka nandito? Nakikinig ka sakanila noh?" Sabi niya.
"Pwede bang alisin mo muna yung kamay mo, stranger?" Inalis nga niya pagkatapos ay humarap ako sakanya. Nagulat ako sa nakita ko.
"Owen? Bakit ka nandito?"
"Ikaw dapat ang tanungin ko miss, bakit ka nandito?" Ouch, miss tawag niya. Nobody lang naman kasi talaga ako sakanya eh.
"Kiana. Hindi miss."
"Okay Kiana, bakit ka nandito?"
"Eh ano bang pakialam mo?" Ikaw nga walang pakialam sa akin, kailan ba kaya magkakaroon?
"Tss, sungit mo masyado." Iritadong sabi niya
"Sige, una na ako ahh. Ge bye." Tinatry kong maging cold sakanya kahit pulang-pula na ako sa kilig, paano ba naman? Kinakausap ka ng isang tulad niya!
Napatigil ako sa paglalakad ng hinablot niya yung braso ko at hinawakan ng mahigpit. "Huwag muna please."
"Bakit naman?" Pulang-pula na talaga ako!
"Mag-uusap tayo diba? Hindi ka nga pumunta sa music room eh."
"I-ikaw 'yun? I-ikaw si O-OC?!" Halos lumuwa yung mata ko sa sobrang gulat.
"Oo, initials ko."
"Oo nga pala. Tungkol ba saan yung pag-uusapan natin?"
"Basta. Dun tayo sa may music room mag-usap para walang makarinig."
"Wala bang tumutugtog doon ngayon?"
"Wala. Tara na" At nagpunta na kami dun.
Pagkarating namin ay pumwesto siya dun sa may piano at ako naman ay kumuha ng upuan sa tabi niya.
"So, anong pag-uusapan natin?"
"Layuan mo ang mga taong dapat layuan, Kiana. Mapapahamak ka." Anong sinasabi nito?
"Huh? 'Di kita maintindihan, Owen."
"Hindi mo talaga ako maiintindihan pero kapag hindi mo nilayuan ang mga taong yun, mapapahamak ka talaga. "
"Sino yung mga taong yun?"
"Basta, kapag kailangan mo ako. Tawagin mo lang ako sa tuwing kailangan mo ako." Tila may humaplos sa puso ko ng sinabi niya yun.
"Sige. Salamat"
"Atsaka pala, aminin mo na ang dapat mong aminin sa akin." ANO?!
"Ano?!"
"Wala, sabi ko. Gusto mo ba akong marinig magpiano?" Wow! For the first time palang ito kaya wag na dapat mag-aksaya!
"Sige!" Pagkatapos sinimulan na niyang magpiano.
"Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta.
Bakit di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo.Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Bakit di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... ohhh...
Lalalala.. "Ang ganda ng boses niya! Hindi ko akalain yun at ang galing niya magpiano!
"Maganda ba boses ko?" Nahihiyang sabi niya.
"Oo naman! Ang galing kaya, parang professional kang kumanta!"
May sasabihin pa sana siya pero nagring ang cellphone niya at nag-excuse siya. Bago siya makalayo sakin ay narinig ko ang una niyang sinabi. "Hello baby? Kumusta ka?" Ouch. Ang sakit.
Sa sobrang sakit, hindi na ako nagpaalam sakanya. Umalis na ako sa music room, tumakbo palayo nang umiiyak.
BINABASA MO ANG
My Forever (On- hold)
Teen FictionOnce upon a time, i've met a guy who named Owen Clinton. He is my classmate since I transferred at my former school. Sabi nga nila, so near yet so far. Ganun kami, papaano naman kaya ako mapapansin kung isa lang akong nobody sa school at siya ay isa...