Hayy! Sa wakas, natapos na din yung klase. Nakakaboring talaga!
Paalis na ako ng room ng narinig akong tinawag ni Lewis.
"Kiana!" tawag niya."Oh?" Ano nanaman kayang gagawin nito at bakit ako tinawag?
"Uuwi ka na ba?" Malamang.
"Oo, bakit?"
"Sabay na tayo! Or kaya, ihahatid nalang kita." Whaaat?! Ayaw ko!
"Hmm, hindi na. Thanks but no thanks, Lewis." Pagtanggi ko.
"Bakit naman? Sige na Kiana, sabay na tayo oh!" Pagpupumilit niya.
"Kaya ko namang umuwi mag-isa eh."
"Please?" sabay puppy eyes. Nagmumukha tuloy siyang aso. Hahaha!
"Oo na, tara na." Pumayag na lang ako kasi sobrang kulit niya eh.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mailang sa mga taong nakatingin sa amin na masama at malagkit. Paano kaya? Hawak-hawak niya yung kamay ko! Kaya yun, binitawan ko yung kamay naming magkadikit.
"Bakit ka bumitaw?" Tanong niya.
"Tignan mo kaya yung mga tao oh! Ang sama makatingin! At bakit mo ba hinawakan kamay ko?"
"Wala lang. Ano bang masama dun?"
"Mauna ka na nga maglakad!" Utos ko na agad naman niyang sinunod.
Nauuna siyang maglakad sa akin, binagalan ko yung lakad ko. Habang naglalakad ako, may padaan na grupo ng mga babae sa side ko. Nung una, hindi ko pinansin kasi malayo palang at dadaan lang naman. Pero nang palapit na sila ng palapit sa akin, binunggo ako ng malakas ng mga babae.
"Ouch!" Napaupo ako sa sahig at napahawak sa puwetan ko. Ang sakit!
"Good for you. Hahaha!" Sabi ng isa sa mga babae.
Hindi ko nalang siya pinatulan kasi wala namang patutunguhan ito eh. Kaya tumayo nalang ako at nagsimulang maglakad ulit.
"Wow ha?!" Pahabol nila.
"Bakit po?" Tanong ko naman.
Nilapitan nila ako at tinulak ng malakas kaya nahampas ako sa pader. Ang sakit talaga! "Pagkatapos ng mga pinanggagawa mo sa amin, gaganyan ka lang?!" Asar na siya.
"Bakit po ba? Sino po ba kayo at ano namang nagawa ko sainyo? Eh hindi ko nga kayo kilala eh!" Hindi ko na mapigilan ang pagsagot sa kanila. Ni hindi ko nga sila kakilala eh! Eh kung makaasta, parang magkakilala kami.
"I'm Jamerize. At oo, hindi mo nga kami kilala pero kami kilala ka namin. Kaya ayusin mo yung mga kinikilos mo kung ayaw mo kaming makalaban." Mataray na sagot niya sabay flip ng hair. Akala naman niya kung sinong maganda.
"Okay, can I go now?"
"Aissh! Basta ayusin mo lang talaga Kiana, kung ayaw mong makasama ka sa list namin. Inaasahan ko na hindi ito yung last na pagkikita natin. So bye. See you soon, Kiana." Sabi niya at umalis kasama yung mga alagad niya.
Okaaay? Ano yung mga pinagsasabi nila?
Hindi pa ako makakilos ng maayos kasi sobrang sakit talaga ng likod at puwetan ko! Buti nalang at lumingon si Lewis sa akin, napansin siguro niya na hindi na ako nakasunod sa likod niya. Nagulat siya nang makita ako. Kaya agad siyang lumapit sa akin.
"Kiana?! Napano ka? Okay ka lang?" Nag-aalala na tanong niya.
"Uhh! Ang sakit!"
"Gusto mong dalhin kita sa clinic?"
"H-huwag na, iuwi mo nalang ako sa bahay namin please." Pati pagsasalita ko, naapektuhan!
"Sige." Pagkasabi niya nun ay naramdaman kong umangat ako sa sahig. Binuhat pala niya ako na parang pangkasal.
Nang nakarating na kami sa tapat ng kotse niya ay agad niyang binuksan yung pinto at ipinasok ako sa loob ng buong ingat para hindi malaglag.
"Jan ka muna ah? Matulog ka muna kung gusto mo." Sabi niya
"Okay, thank you."
Pinikit ko ang aking mata at ilang saglit lang ay nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay nakita kong nasa kwarto na ako. Huh? Paano ako nakapunta dito? Kasama ko palang naman si Lewis kanina ah?
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at nakita ko si mommy.
"Mommy? Bakit ako nandito? Alam ko nasa kotse pa ako ni Lewis eh."
"Ahh, oo. Hinatid ka ni Lewis dito kanina. Gusto pa nga sanang magstay para mabantayan ka at malaman yung kalagayan mo pero gabi na kasi eh." Ahh kaya pala.
"Okay po."
"Gusto mo na bang kumain anak?" Tanong ni mommy.
"Hmm, sige po. Nagugutom na rin po ako."
"Okay, baba ka nalang sa kusina pag tinawag kita. Ipagpe-prepare muna kita 'nak."
"Okay po mommy."
Habang hinihintay ko yung foods, kinuha ko muna yung cellphone ko at pagbukas ko ay maraming nagtext sa akin.
10 message received.
Unknown Number: Kiana, si Lewis ito. Kamusta ka na?
Unknown Number: Magpagaling ka ah?
Unknown Number: Kiana? Are you awake?
Unknown Number: Magreply ka nalang pag gising ka na ah.
Unknown Number: Kumain ka na ba? Wag magpapalipas ng gutom.
Unknown Number: Sabi ko nga, tulog ka pa. Halata naman eh.
Unknown Number: Sige, kakain muna ako. Kain ka na rin.
Unknown Number: Ay? Wala pa rin? Okay. Text me nalang.
Unknown Number: Okay. Isang oras na nakalipas....
Unknown Number: Text me if you're awake na ah. Kain ka na rin. Take care, Kiana.
Hala! Ang daming text sa akin ni Lewis, di ko pa narereplyan. Sinave ko muna yung number niya at nireplyan.
Ako: Jwu. Sorry Lewis, kakagising ko lang. Okay na ako. =)
At ilang seconds palang ay nagreply na siya agad.
Lewis: Good to know that. Kumain ka na ba?
Ako: Not yet. Hinihintay ko pa eh. Ikaw ba?
Lewis: Yup.
Narinig kong tinawag na ako ni mommy, sign na nakaprepare na yung pagkain.
Ako: I'll just eat first ah.
Lewis: Okay. Eat well!
Bumaba na ako at sinimulan na kumain. After kong kumain, umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ko.
Ako: Hey! Tapos na ako.
Lewis: Okay! Sleep na tayo ah? Baka mapuyat ka pa eh.
Ako: Thanks sa time! Goodnight!
Lewis: Oh wait!
Ako: Ano yun?
Lewis: Pwede ba kitang makasabay bukas papuntang university? Please? If you don't want, okay lang naman.
'Wow, nangonsenya pa kapag hindi ako pumayag.'
Ako: Sige. Pero ayoko kasing pinagtitinginan tayo eh.
Lewis: Sure, akong bahala.
Ako: Okay, goodnight.
Lewis: Goodnight Kiana, sweet dreams.
Hays! Ang haba naman ata nang araw ko ngayon? Makatulog na nga. Goodnight!
BINABASA MO ANG
My Forever (On- hold)
Dla nastolatkówOnce upon a time, i've met a guy who named Owen Clinton. He is my classmate since I transferred at my former school. Sabi nga nila, so near yet so far. Ganun kami, papaano naman kaya ako mapapansin kung isa lang akong nobody sa school at siya ay isa...