Chapter 13

6 0 0
                                    

KINABUKASAN..

Kiana's POV

Hindi muna ako pumasok nang umaga, abala pa akong magkulong at umiyak dito sa kwarto.

Nasa malalim pa ako ng pag-iisip nang may kumatok sa kwarto.

"Kiana?" Ah, si kuya pala.

"Yes kuya?" Tanong ko.

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya.

"Sige po kuya, pasok na kayo." At bumukas na ang pinto at pumasok na si kuya sa kwarto.

"Kiana, tell me. May problema ka ba? Bakit hindi ka pumasok? Wala ka bang pasok?" Tsk, ang dami namang tanong ni kuya.

"Dami mo namang tanong kuya. First of all, wala akong problema. Second, mamaya nalang ako papasok, wala ako sa mood. Third, gaya ng sabi ko kanina mamayang afternoon class nalang ako papasok." Sagot ko sa mga tanong ni kuya.

"Sure ka bang walang problema ang lil sis ko?" Tanong niya pa.

"Wala nga kuya."

"Sige, siguraduhin mo lang. Kasi kapag may problema ka, palaging nasa tabi mo lang si kuya at makikinig sa problema mo ha? At siguraduhin mo din na hindi yan tungkol sa lalake na sinasaktan ka. Naiintindihan mo ba?" Sabi niya.

"Opo kuya." Lumapit pa lalo siya sakin at ginulo yung buhok ko.

"Tara na, kain na tayo." Lumabas na kami ng kwarto ni kuya at pumunta sa kusina para kumain.

"Oh, Kiana. Bakit hindi ka pumasok?" Nakakunot pa ang noo ni mama habang tinatanong ito.

"Mamayang afternoon class nalang po ako papasok, wala po ako sa mood eh." Umupo na ako at sinimulan nang kumain.

"Ah ganon ba? Sige sumabay ka nalang sa kuya mo papuntang school." Napatingin ako kay kuya nung sinabi ito ni mama.

"May pasok ka, kuya?" Tanong ko.

"Half day lang, excuse kami sa klase. Magpapractice kami ng basketball eh." Ah, kaya pala.

"Ah sige po, sabay nalang ako sayo ha?" Tumango nalang siya.

"MAG-IINGAT kayo ha?" Sabay halik ni mama sa pisngi namin.

"Opo ma, bye na po!" Sagot ko at sumakay na sa kotse ni kuya.

"Hay nako, Kiana." Ano nanamang problema ni kuya?

"Bakit, kuya?" Nagtataka kong tanong.

"Hinahanap ka sa'kin ni Owen kanina. Tinatanong ka niya kung bakit wala ka daw sa klase." Owen nanaman, 'di ba pwedeng stop muna?

"Anong sabi mo kuya?"

"Sabi ko, nasa bahay yata. Tas tinanong pa niya kung bakit pero di ko na nasagot kasi tinawag na ako ng mga kateam ko at tinangay na eh." Buti naman.

"Kiana, sinasabi ko sayo. Bawal ka pang magboyfriend! Bata ka palang!" Tss, alam ko naman eh.

"Opo, alam ko yun kahit di mo na paalala."

"Mabuti nang sigurado." Hays. Kung alam mo lang, kuya.

"Oh nandito na pala tayo." Tumingin ako sa bintana at. Oh no, nandito na nga sa school.

Wag na sana kita makita ulit, Owen.

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon