Chapter 8

17 1 0
                                    

"Owen?"

Siya ba 'yun? Eh bakit nakatingin siyang masama sa amin? Napano siya?

"Huh? Nasaan si Owen?" Narinig pala ni Lewis! Ang lakas yata ng pagkakasabi ko sa utak ko!

"A-ahh, w-wala! Imagination mo lang yun!" Sabi ko naman. Sana maniwala siya!

"Okay." At tinuloy ang pagdadrive.

Nang makarating sa university ay pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas na. Bakit naman ganito makatingin yung mga tao saakin? Ay, oo nga pala. Campus heartthrob lang naman kasi kasama ko eh--kasabay pala.

"Huwag mo nalang sila pansinin Kiana." Sabi niya sa akin.

"Eh? Nakakailang kaya!"

"Oo nga pero hayaan mo nalang sila." Pilit niya pa sa akin.

"Sige, sabi mo eh."

Gaya nga ng sabi niya, hindi ko sila pinansin at tuluy-tuloy lang sa paglakad.

"Oh pre!" Sabi nang lalaking nakasalubong namin kay Lewis.

"Oh, Tristan! May practice ba tayo ngayon?" Tanong ni Lewis kay Tristan daw.

"Oo eh, sabay ka na ba sakin?" Sabay tingin ni Tristan sa akin.

"Ah, pre oo nga pala. Si Kiana, kaibigan ko." Pagpapakilala niya sa akin.

"Kaibigan lang ba?" Nakangising sabi niya.

"Loko ka pre! Kaibigan lang. Sige, sabay na ako sayo."

Bumaling muna si Lewis sa'kin at sinabing "Kiana, sorry hindi na kita masasabayan kasi magpapractice kami ng basketball eh. Sorry talaga, bawi nalang ako next time." Malungkot niyang saad.

"No, it's okay. Sige bye!" Then I started walking away.

Nang medyo makalayo na ako ay may narinig akong nagsalita mula sa likod ko.

"So, enjoying with Lewis huh?" Sabi ng lalaking pamilyar na boses sa malamig na boses.

Pagkaharap ko ay nakita ko si Owen.

"Owen? Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko.

"Bakit ako nandito? Siyempre, mag-aaral ako. Nag-aaral ako dito. Ikaw, bakit di mo sinagot tanong ko?" Naiinip niya akong sinagot.

"B-bakit naman?"

Mas lalong malamig na version ni Owen ang nakikita ko ngayon.

"Malamang kasama mo siya." Mas lalong bored niyang sagot na may halong pagkairita.

"Eh ano naman ngayon? Bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala. Bwisit!" At umalis na.

Anong problema nun? Bakit agad umalis? Tss. Wag na nga isipin.

Pumasok na ako sa room namin nang makita ko ang prof namin. Nakinig nalang ako sa mga tinuturo ng prof.

Agad natapos yung klase kasi may meeting pa daw yung prof.

Dumiretso muna ako sa locker ko para maiwan yung iba kong gamit bago pumuntang canteen.

Pagkabukas ko ng locker ay nagulat ako sa nakita kong sticky note na naka dikit sa gilid

"Meet me at the music room later, after classes. Whether you like it or not. We need to talk. Understand?!   -OC"

Sino naman 'to? Music room? Anong meron dun?

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon