Chapter 14

12 0 1
                                    

Kiana's POV

"OH, tara na." Sabi ni kuya at nauna nang bumaba ng kotse. Kahit kailan, ang gentleman niya, tss.

Kinuha ko yung bag ko at lumabas na sa kotse.

Habang naglalakad papasok ng school ay nakita ko si Lewis sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Hi Lewis!" Bati ko sakanya.

"Hello Kiana! Tara sabay na tayo?" Tumakbo siya palapit sa'kin at tumabi sa kanan ko. "Osige." Sabi ko.

Naglalakad kami na magkasama pero parang hindi dahil sobrang tahimik.

Siya yung unang bumasag ng katahimikan. "Bakit pala ngayon ka lang pumasok? Absent ka ba kanina?"

"Ah, oo. Wala kasi ako sa mood pumasok kanina e, kaya ngayon nalang." Pagkatingin ko sakanya ay nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Wala sa mood? May sakit ka ba?" At bigla niyang kinapa ang noo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat ah? Eh bakkt pala wala ka sa moo--" Naputol ang sinasabi niya nang may biglang tumikhim sa harapan namin.

Sabay kaming napatingin sa tumikhim na iyon at iyon ang dahilan nang pagkagulat ko.

"Hey Owen, musta dude?" Sabi ni Lewis kay Owen na madilim ang mukha na nakatingin kay Lewis at sa'kin.

Anong problema 'nun?

"K lang." Tipid niyang sagot. Pagkatapos nun ay namayani ang katahimikan.

"Tara na, baka malate pa tayo sa klase natin." Sabi ko at nauna nang maglakad.

Binilisan ko ang lakad ko para makalayo sakanila lalo na nandun si Owen.

Nakarating na ako sa room at mabuti nalang 'di nila ako naabutan.

Pumwesto ako sa bandang tanaw ang bintana at tumanaw muna sa bintana habang hinihintay ang teacher.

NAGSIMULA na ang klase pero natigil yun nang pumasok si Owen.

"Sorry, I'm late." At dumiretso sa bakanteng upuan sa tabi ko. What the? Bakit dito pa?!

Hindi ako nagpahalata na naapektuhan ako dahil doon sapagkat nagfocus nalang sa itinuturo ng teacher sa harapan.

NATAPOS na ang klase at dismissal na. Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng room.

Halos tumakbo na ako sa pagmamadali nang biglang may humawak sa braso ko. Ramdam ko na parang may kuryente na dumaloy doon.

"Kiana!? Iniiwasan mo ba ako?" Hindi ako lumingon kay Owen.

"Bakit naman kita iiwasan?" Sabi ko nalang ngunit di parin nakaharap sakanya.

"Bakit daw pero--" Naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa.

Kinuha ko iyon at sinagot. "Hello?"

"Hey Kiana."

"Oh Lewis, napatawag ka?" Sabi ko nang ngiting-ngiti.

"Hmm, pwede bang magkita tayo sa park?"

"Okay sige, pero bakit?"

"Basta, please? May sasabihin lang ako."

"Osige, anong oras?"

"Ngayon na sana, pwede ba?"

"Oo naman, hintayin mo ako. Magtatricycle nalang ako pag-uwi."

"Sige, ingat. Bye." At pinutol na niya ang linya.

Tumakbo na ako palabas ng school para makapunta agad sa paradahan ng tricycle, baka maubusan pa ako.

Hindi ko namalayan na naiwan ko pala si Owen kung hindi siya sumigaw.

Hay, naku.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon