Chapter 3

41 6 3
                                    

"Oh? Magkakilala na kayong tatlo?!" Gulat na tanong ni kuya.

"Oo bro, kakakilala ko lang sakanya kanina sa hallway. Atsaka kaklase ko si Kiana, bro." Sabi ni Owen.

"Ako din bro, yung daan papunta sa canteen. Nabangga ko eh. Hahaha" sabi ni Lewis.

"Ahh! Kaya naman pala eh!" Sabi ni kuya.

Habang nagkukwentuhan sila kuya ay dumating si mommy na may dalang pagkain.

"Oh, kain muna kayo." Nakangiti na sabi ni mommy.

"Thank you po." -Owen

"You're welcome! Kamusta na pala kayo?" Tanong ni mommy sakanila.

"Okay lang po kami." Sabi ni Lewis.

"Hmm, b-bakit pala kayo andito?" Nauutal kong tanong.

"Kakausapin kasi namin yung kuya mo." Sabi ni Owen.

'Ayan tuloy, Kiana! Masyado kang assuming! Sa tingin mo, kakausapin ka nila? Lalo na si Owen, na ultimate crush mo? Yan tuloy napala mo, napahiya ka pa tuloy.' Leshe! Oo na ako na assuming!

"Ahh ganun ba, sige aakyat muna ako sa taas. Gagawa muna ako ng assignment." Palusot ko para makaalis na doon.

'Ihh! Ano ka ngayon? Napahiya ka dahil masyado kang assumera!' Sabi sa akin ng konsensya ko. Bwisit talaga!

So yun nga, lumabas na agad akong garden. At hindi pumunta sa kwarto ko, ano namang gagawin ko dun? Natapos ko na yung school works ko. Pupunta na nga lang akong park para kahit papaano mabawasan yung pagkapahiya ko.

Nang makarating ako sa park, umupo ako sa bench at pinapanuod yung mga tao. Buti pa sila ang saya-saya nila. Hayss. Kiana kasi eh!

Habang nagmumuni-muni ako sa paligid, nakakita ako ng ice cream shop. Agad akong natuwa kasi nakakita ako ng pagbabawas sa sama ng loob ko. At pumunta ako dun sa shop.

Pagkapasok ko palang ng shop ay bumungad na agad sa akin yung cookies and cream na flavor! Yes! Available yung favorite ko! Bago pa ako maunahan, pumunta na ako sa counter para bumili.

"Good afternoon miss, what's your order?" Nakangiting tanong sa akin ng nasa counter.

"Hmm, 2 ice cream po yung cookies and cream." Sagot ko sakanya. Wag na kayong magtakha kung para kanino yung isa! Syempre, para sa akin. Heartbroken eh! T_T

"Okay po." At nagbayad ako.

Umupo muna ako sa upuan habang hinihintay yung ice cream ko, malamang. Try mo kaya umupo sa mesa? Dejoke hahaha.

After 5 minutes...
"Heto na po yung order niyo" at inabot yung ice cream ko *U*

"Thanks po!"

Sinimulan ko ng kainin yung ice cream ko. Iniiwasan kong maisip yung pangyayari kanina, masyadong masakit. The more you assume pala, the more you will hurt. Ouch TT_TT

After 5 minutes, natapos na ako kumain at lumabas na ng shop. Ayoko muna umuwi sa bahay baka nandun parin yung 'mga bisita' kaya pupunta muna ako sa bahay ng kaibigan ko dati. Namimiss ko na si Mitch!

Papunta na sana ako ng bahay ng kaibigan ko ng biglang nagring yung phone ko. Nung una, pangalawa hindi ko sinagot. Pero nung pangatlo na, sinagot ko na.

"Hello? Kuya?" Sabi ko

"Nasaan kana Kiana?! Kanina pa namin ikaw hinahanap!" Naiinis na sabi ni kuya sa akin.

"OA niyo naman, 20 minutes palang akong wala sa bahay. Ganyan na kayo makareact!" Buti pa si Kuya, naalala ako at hinahanap. Si Owen hindi. Hayys.

"Nasaan ka na ba Kiana? May naghahanap sayo dito." Sabi ni kuya sa mahinahong boses.

Psh, may naghahanap. Tapos ano? Mag a-assume naman ako na sana siya yung naghahanap sa akin. Tapos masasaktan nanaman ako, hayss.

"Pupunta muna ako sa bahay nila Mitch, kuya. Wala ako sa mood umuwi jan." Sabi ko.

Oo, OA na kung OA pero masakit parin umasa. Hayss.

"Hindi ka pa uuwi?!" -Kuya

"Hindi, ayaw." -Ako

"Tigas ng ulo mo! Aissh! Sasabihin ko nalang sa kanya na hanapin ka nalang para makapag-usap kayo." -Kuya

"K, whatever." -Ako

Pagkatapos ay binaba ko na yung tawag. Oo ayoko na sanang umasa na siya yung naghahanap sa akin. Pero mahirap paring hindi umasa. Hindi ko mapigilan.

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon