Chapter 10

26 2 1
                                    

"Hoy Kiana! Tumigil ka nga! Eh ano naman ngayon kung may girlfriend na si Owen? Gusto mo lang naman siya diba-gusto lang ba o mahal na?" Sabay ngisi. Kausap ko ngayon si Mitch. Siya lang naman yung matatakbuhan ko sa mga oras na ito eh.

"Siyempre, gusto lang!"

"Yun naman pala eh, gusto lang. So, bakit ka masyadong affected aber?!" Naiirita na siya sakin dahil sa sobrang kakulitan ko.

"Yun nga eh, 'di ko maintindihan Mitch. Bakit ba ako nagkakaganito?" Sabay hikbi.

"Baka nga...." Putol niya.

"Huh? Anong baka nga?" Ano namang pinagsasabi nito?

"Hmm, baka nga more than gusto mo na siya!"

"Hala? Anong pinagsasabi mo jan! Siyempre hindi noh!"

"Eh, bakit ka naman magiging affected kung hindi?"

"Oo nga, basta aalamin ko. Ni sarili ko, di ko maintindihan eh."

"Tara sa kusina, magbake nalang tayo para mabawasan 'yang pag-iisip mo." At pumunta na kami dun.

[Owen's POV]

"Hello baby, kumusta ka na?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Miss na kita! Bakit di ka pa kasi umuwi?!" Halata namang miss na talaga niya ako.

"Shey, hindi pa pwede eh. Busy eh, pero babawi ako pag-uwi ko. Sorry baby." Hayss, miss ko na rin siya.

"Ihhh! Bahala ka sa buhay mo!" Sabay pagputol ng tawag namin. Miss ko na talaga si Sheyre. Hayys.

"Kiana, sor-- Nasaan na 'yun?" May kinausap lang ako sandali, tas bigla siyang naglaho na parang bula?

Hindi ko tuloy nasabi yung isa ko pang sasabihin na importante. Sayang yung pagkakataon, hayss.

[Mitch's POV]

"Kiana, paki kuha yung plate please." Pero parang hindi niya ako narinig.

"Kiana? Pakiabot please!" Wala parin!

"KIANA PEREZ!" Sigaw ko.

Nagulat ata siya sa pagsigaw ko kaya napansin na niya ako. Tulala siya ha?

"Ano yun ulit Mitch?"

"Sabi ko, pakikuha yung plate kasi tapos na tayo magbake pero tulala ka jan. Napano ka ba?"

"Napagdesisyunan ko na.."

"Na?"

"Lalayuan ko na si Owen. Para malayo sa sakit, malayo sa gulo, malayo sa away, malayong maging close kami at higit sa lahat malayong mahulog ako sakanya." Sabay patak ng luha niya.

"Tama yan bestfriend, pero wag ka ng umiyak ah? Papangit ka niyan!"

"Ahh, oo. Hahaha sige."

"Kainin na natin yung binake natin?"

"Sige, tara!"

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon