Chapter 7

23 4 0
                                    




Maaga pa nang magising ako, pero bumangon na ako. Ginawa ko muna yung mga morning rituals ko bago ako bumaba sa kwarto.

Pagkababa ko ng kwarto ay dumiretso agad ako sa kusina at nakita ko si mommy na nagpeprepare ng favorite breakfast ko. Agad naman akong lumapit sa kanya kasi amoy palang, nakakagutom na!

"Good morning mommy!" Sabay halik sa pisngi.

"Good morning 'nak, ang aga mo namang magising ah?"

"Ayos na po yun kaysa malate akong gising."

"Sige, kain ka muna ah."

"Okay po." At sinimulan ko nang kumain.

15 minutes lang ata ako kumain. Pagkatapos, naligo at naghanda sa pagpasok sa school.

Nang matapos na ako, umakyat ulit ako sa room at nagcellphone muna. Hindi pa naman kasi oras eh, masyado pang maaga.

Makalipas ang sampung minuto, bigla akong tinawag ni mommy sa ibaba.

"Anak! May naghihintay sayo sa labas!" Huh? Naghihintay? Sino yun?

"Okay po, wait lang!" At nagmamadaling bumaba.

Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kay mommy na aalis na at lumabas na ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko ang isang figure ng lalaking nakatalikod sa akin at nakaharap sa isang itim na kotse.

Sino ito? Eto ba yung naghahanap sakin? Hmm, parang familiar.

"Sino po kayo?" Nag-aalangang tanong ko sakanya.

Aba, parang walang narinig ah? Ni hindi man humarap!

"Kuya, sino po ba kayo?" May pagkahalong inis at irita ang boses ko.

Nang humarap siya, ay di ako nagkamali. Familiar nga siya! Siya si--

"Lewis?!"

"Oh hi, Kiana!"

"Bakit ka nandito?!"

"Nakakalimutan mo na ba? 'Diba, sabay tayo ngayon?" Sabay pout.

"Wag ka na ngang magpout! 'Di mo bagay! Hahaha" sabay tawa

"Tara na nga!" At pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Sakaniya pala ito? At akalain mo, gentleman din pala siya?

"Sayo 'tong kotse?"

"Oo. Binigay sakin ni dad nung birthday ko."

"Ahh."

Pinaandar na niya na ang kotse. Sa hindi kalayuan, ay may natanaw akong tao na masama ang tingin samin.

"Owen?"

My Forever (On- hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon