Umuwi na ako sa bahay. Baka wala na rin yung mga bisita eh. Kaso palakad na ako sa street namin nung may tumawag sa akin...
"Kiana!" Boses ni Owen.
Lumingon ako sakanya at ngumiti. "Oh, Hi Owen!" Patay malisya lang ako sa nangyari kanina.
Lumapit siya sa akin at nagtanong. "Can we talk?"
"Eh, nag-uusap na tayo eh?" Sabi ko naman.
"Ayy oo nga noh? Hahaha. Tara, dun tayo sa park." Yaya niya sa akin.
"Okay." Pagkatapos pumunta na kami sa park.
"Hmmm, ano nga pala yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sakanya.
"Tungkol kay Lewis." Sabi niya
"Oh napano siya?" Tanong ko
"Close ba kayo?" Sabi niya sa akin.
"Medyo. Kakakilala lang namin eh." Sabi ko naman
"Okay." -Siya
"Bakit?" Tanong ko.
"Stay away from him." Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
Huh? Bakit ko naman siya lalayuan?
"Owen! Bakit?!" Pero tuluy-tuloy lang siya sa paglakad hanggang hindi ko na siya nakita.
Umuwi na ako kasi baka gabihin na ako sa daan.
"Kiana, saan ka galing?" Tanong ni Kuya.
"Sa park lang po." Sagot ko.
"Okay."
Umakyat na ako sa kwarto ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip kung bakit niya ako pinapalayo kay Lewis.
Habang paakyat na ako sa kwarto ko ay nadapa ako sa hagdanan.
"Ouch! Ang sakit naman!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang paa ko.
Pero parang wala silang narinig, ni hindi man lang ako pinansin. Kaya kahit masakit, pumunta nalang akong kwarto.
Hmmm, makapagfacebook nga muna para mabawasan yung pag-iisip ko!
Kinuha ko yung laptop ko tapos nilog-in yung facebook.
Nang pagkabukas ko ng facebook ay bumungad sa akin ang friend request ni Lewis.
Bago ko kinonfirm yung friend request niya, tinignan ko yung timeline niya. At may nakita akong bagong post niya.
Lewis: "Hmmm, tignan lang natin kung hindi siya mafafall sa akin gaya ng ibang babae."
Ang hangin naman! Pero sino kaya yun?
Inaccept ko nalang yung friend request niya sa akin.
Pagkatapos, tinignan ko yung account ni Owen sa facebook.
Katulad nang kay Lewis, may bago din siyang post at hindi nagkakalayo ang oras nito.
Owen: "Hindi ko hahayaan na mahulog siya sayo, dapat sa akin lang. Masasaktan lang siya sayo."
Whoa! Sino naman itong maswerteng babaeng 'to? Pinag-aagawan ata siya nang dalawang lalaki! Ay mali, dalawang pogi, heartthrob na lalaki! Ang swerte-swerte naman niya!
Nang wala na akong ginagawa sa facebook, naglog-out na ako at natulog. May pasok pa bukas.
Kinaumagahan...
Maaga akong nagising, maaga kasi yung klase eh! Kaya may oras pa naman para magprepare sa klase.
Ginawa ko yung morning rituals ko tapos bumaba na sa kwarto at pumunta sa kusina.
Nadatnan ko sa kusina si mommy na nagluluto. Napansin din niya ako kaya ngumiti siya sa akin.
"Good morning Kiana! Ang aga mo nagising ah?" Nakangiting sambit ni mommy sa akin habang hinahaplos yung buhok ko.
"Good morning din mommy! Maaga po kasi yung klase namin eh."
"Okay, kain ka na anak." Sabi ni mommy sa akin.
"Okay po." Umupo na ako sa upuan at sinimulan nang kumain.
Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay mommy na aalis na ako. Hindi ko na hinintay si Kuya kasi matagal yun gumalaw. Kaya nagtaxi nalang ako papuntang university.
Pagkarating ko nang university ay pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng kagaya ko. Bakit naman kaya?
Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakasalubong akong mga babae at sinadyang bungguin ako ng isa. Leader ata nila.
"Ooops! Sorry!" Sabi nang parang leader nila. Nagpapasorry pero sinasadya naman.
"Uhh-- okay." Tinuloy ko ang paglalakad ng parang walang nangyari.
"Hey girl!" Tawag sa akin ng leader nila.
"Uhmm?" -Ako
"Umayos ka, layuan mo sila Owen at Lewis kung ayaw mong malagot." Pagkasabi niya ay umalis na sila.
Huh? 'Di naman ako yung lumalapit sa kanila ahh?
Nang nakarating na ako sa harap ng room ay pumasok na ako. At sakto, kasunod ko ang professor. Buti nalang hindi ako nalate.
Nagdiscuss yung professor at nakinig nalang ako. Buti nalang nakinig ako kasi nagpa long quiz yung prof.
BINABASA MO ANG
My Forever (On- hold)
Teen FictionOnce upon a time, i've met a guy who named Owen Clinton. He is my classmate since I transferred at my former school. Sabi nga nila, so near yet so far. Ganun kami, papaano naman kaya ako mapapansin kung isa lang akong nobody sa school at siya ay isa...