Chapter 7

100 5 0
                                    

Hannah P.O.V

Hi! ako pala si Hannah Mae Stewarts. Isang college student ako sa Westcourt Academy.
Rebonded ang aking buhok,mataas ako,slim,maputi,at maganda!....hahaha

"Guys kukuha lang ako ng mga merienda.Upo muna kayo" Agad naman silang sumunod.

"Iba ang instincts ko sa kanya" bulong ni Julianne habang tinuturo ang pinto gamit ang kanyang thumb. Parang si Dane ang kanyang tinuturo.

Sumilip ako kaunti at pilit na makikinig sa kanila.

"Joca! Amuyin mo nga" pabulong na sigaw ni Julianne.

"Parang it smells like.. ..mystic?!"
Ani ni Joca.

"Mystic? diba Imposible yun! Diba ang ordinaryong apprentice o kahit royal pa ay walang kakayahan sa pagpunta dito sa normal world" bulong ni Joca.

"Yes pero rinig ko ang prinsesa ng Solrac daw ang itinakda ng Oracle" bulong ni Julianne.

"So nasa kanya ang legendary?"

"So nandito ang prinsesa?" Tanong ni Joca.

"Guys! Kain muna kayo" pinutol ko ang kanilang conversation kasi ang weird nila pakinggan..about Mystic?

"Julianne, Joca Bakit kayo napadalaw?" Binasag ko ang katahimikan.

"Ahhh...Gusto lang namin malaman kung saan ang bahay mo, Hannah,Ang laki pala no dito?" sambit ni Joca dahil si Julianne busy yata sa kakain ng popcorn parang ngayon lang nakakain.

"Oh! Julianne dahan-dahan lang baka mabilaukan ka niyan" ani ko.

Nagkakilala kami ni Julianne noon sa park namin dito sa Greenhills Subdivision.Bagong lipat lang sila Julianne sa kabilang subdivision.Sa pagkaalam ko magkapatid sila Julianne at Joca.

Huminto si Julianne sa kakain ng popcorn at biglang nagtanong.

"Yung pinsan mo, dito siya nakatira?"

Wow! Na engganyo siyang magtanong tungkol sa bobong pagong...

"Uhmmm..oo, bakit ka napatanong?" Ako habang kumuha narin nang popcorn sa bowl.

"Wala lang...kasi akala ko kasambahay niyo dito" Ani niya.

"Dito na yun tumira simula nung namatay ang  kanyang mga magulang"ani ko.

"Sino ang kanyang mga magulang?" Sambit ni Joca.

"Teka! teka! Lang,Bakit naging interested kayo bigla kay Dane?!" Sigaw ko.

"Chill lang Hannah, Gusto namin malaman kung baka sakaling alam namin ang kanyang mga magulang ok? Chill lang.." Sambit ni Joca habang nagtetext yata.

Hannah!

May biglang pumasok,akala ko sino si mommy lang pala.

(T-T)

"Hi tita!"

"Hello po!"

Sigaw ng dalawa habang ako nagtatype sa password namin sa WiFi sa phone ni Joca na IPhone.

"Hannah pinaglutuan mo ba ang mga bisita mo?" Tanong ni mommy habang hinuhubad ang kanyang dollshoes.

"Syempre! Ako pa?!" Sigaw ko.

"Oh! Hello feel at home lang kayo ahh? Magbibihis lang ako" ani ni mommy habang pinapat ang mga balikat ng dalawa.

"Sige tita! Thank you!" Sigaw ni Julianne habang nagmamano kay mommy.

Pumunta sa itaas si mommy.

.....,....*15 minutes passed*........

Nagchit chat lang si mommy at si Julianne about Girly things.

"Saan kayo nag aaral iha?"

Nakikinig lang ako sa kanila habang nagseselfie at si Joca busy sa text.

"Noon po sa Lostern Academy pero pinag plaplanuhan na po namin ni mommy na sa Westcourt ako lilipat.Dahil nabalitaan ko maganda daw doon"

"Kung lilipat ka sa Westcourt iha magiging close na kayo ni Hannah!" Sigaw ni mommy.

Urggghhh! Mommy talaga!

.....................*DING!*....................

Biglang sumigaw si Joca.

"Hannah si mommy!"

"Bakit?!" Ani ni Julianne.

"Inatake si mommy,Julianne!"

"Huh!? Nasaan siya ngayon?!" Sigaw ni Julianne.

"Kailangan na nating umalis ngayon!"

"Nasaan nga siya Joca?!" Si Julianne habang naprapraning.

"Nasa Cementerio daw?"

Bigla nalang binatukan ni Julianne si Joca.

"Array! Chill lang dude! Sabi ni mommy uwi na daw tayo" ani ni Joca habang napakamot sa sakit ng kanyang ulo siguro.

"Ikaw talaga! Ughh!"

"Sige tita! Una na po kami,si mommy kasi ehhh" ani ni Julianne.

"Why so soon iha?" Tanong ni mommy habang naka sad face pa.

"Si mommy kasi ehh.."

"Sayang naman!" Naka sad pa si mommy.

"Sige balik lang kayo dito ahhh?" Tugon ni mommy.

Lumabas ng sabay ang dalawa habang makikita na nagbubulongan ang dalawa.

.........................................................













The Lost Princess Of Solrac AcademyWhere stories live. Discover now