Usap usapan sa buong UP ang biglaang pagsali at pagtiwalag ko sa frat habang ginagawa ang initiation noong isang linggo sa bahay ni Zie.
Halos araw araw ako ang laman ng tsismisan ng mga estudyante sa buong campus lalo na sa engineering department, kulang nalang malusaw ako sa kinatatayuan ko sa mga naririnig ko, na karamihan naman ay gawa gawa lang. Ako ang laman ng bulong bulungan ng mga prof at classmates ko sa lahat ng subjects ko. Hindi ko alam kung sinong nagkalat ng initiation ko. Anim lang naman kami sa kwarto nun, so I assume isa sa kanilang lima ang nagkalat. Ang isa pang pinagtataka ko, ano naman ang mapapala ng kumalat nito? At malamang may motibo ito kaya niya iyon kinalat.
Ang isa pang nagpapahirap sa lagay ko ngayon yung makirot kong pwetan gawa nang nabitin na initiation. Kahit anong ointment ang ilagay ko, hot compress, lahat balewala. The pain is physical, methaphysical. Bewildering. Something na hindi ko inaakalang mararanasan ko.
Hindi ko nakita si Drei ng buong linggo, sa bahay man o sa campus. Hindi ko alam kung iniwasan niya ba ako o talagang ayaw niya munang magpakita dahil sa pagtatangka niyang halikan ako. Dapat sa mga ganitong pagkakataon, si Drei ang karamay ko. I miss him..
Ito ang downside kapag lumaki kang introvert. Kapag wala na yung nakasanayan mong kasakasama, malulungkot ka, pakiramdam mo mag isa ka lang. Minsan napapaisip ako kung ano bang mali sa akin? Siguro dahil inubos ko ang kalahati ng buhay ko sa pag aaral at sa pagsunod sa mga utos ni Tita, sa pakikisama.
Drei and I are very good friends. We are the best of friends, but I know deep inside he wants more. Drei is cute, attractive, head turner and funny, siya yung tipo ng tao na literal na maasahan ko anumang oras. Tested and proven ko na iyon for 6 years, kahit kailan hindi pa niya ako binigo. Pero alam ko hindi siya ang taong nakalaan para sa akin. He's more like the brother I never had. Minsan inaasar kami ng mga tropa ni Drei sa architecture department, ako daw ay kulang lang sa lambing ng boyfriend. Bagay daw kasi kami. Madalas sa madalas nakikita daw nila kami na madalas na magkasama. Halos may sarili na kaming mundo sa turingan at bonding namin ni Drei. Hindi naman sa hindi ko siya gusto. I like him. A lot. But I don't think Drei Banchero in that level.
Never pa akong nagka boyfriend, Kahit na fling. But the truth is - hindi ko pa nakikilala ang taong para sa akin - well.. Na attracted ako. Curious ako sa pakiramdam ng mga taong nagpupuyat gabi gabi kapag kausap ang taong mahal nila, yung feeling na kaba o "kilig" na sinasabi. Yung "butterflies in your stomach" feeling... Until very recently... The unwelcome thought suddenly comes out involuntary in my mind.. Baka si Zie na yun.. No! Syempre, hindi siya. I am not going there, not after the painful initiation. Aware ako na attracted ako sa kanya physically. Pero siya sa akin? I don't think so. Hindi ako yung mga tipo ni Zie. Kaya, binura ko na sa isipan ko yun.
----
"Maga pa rin ba Dom?" Tanong sa akin ni Alvin.
Madalas na kaming nag uusap kapag parehas bakante ang schedule namin sa school. Dati naka upo ako dito mag isa kapag may klase si Drei, dito ko siya laging hinihintay pero ngayon naging tambayan na namin ni Alvin itong dulong lamesa sa canteen.
"Tolerable naman." Sagot ko.
Tumingin si Alvin sa akin. "You're lucky Dom." He looks mesmerize over something. Dahil ba sa akin? Di ako sigurado.
Gwapo si Alvin. Matangkad, maputi, imposibleng walang babae ang humahabol sa kanya. And for the second time, I felt pity on myself. But I did try to ignore my pang of unwelcome symphaty.
"Ayaw ko nang magpakita sa kanya Alvin. Yung maging trending ako sa buong UP sapat na." Sabi ko. Hindi ko na yata kakayanin kapag nakita ko pa siya ng personal.
BINABASA MO ANG
Zie
Teen Fiction'ZIE' is a 2016 novel written by Mark Sato on Wattpad that traces the deepening relationship between a civil engineering student, Dom and a Fraternity Master, Zie. Highest Achievement: #3 in Teen Fiction - March 10, 2017