Naalala ko yung mga sinabi sa akin ni Drei. Eto na ba yung ultimate test? Bakit kailangan ko pa itong pagdaanan gayong hindi naman ako nakapasa bilang membro ng kappa nila Zie. Iba talaga ang paraan ng inisasyon nila Zie, Tama si Drei. Pero, paano naman niya nalaman na ganito yung paraan ng pagpili sa bagong membro? Hindi kaya nakaranas na si Drei ng ultimate test? Naranasan kaya ni Drei na lumapat sa katawan niya yung mga bagay na nandirito sa loob ng kwarto nato?
Mapanganib si Zie. Hindi siya makakabuti sa akin bilang tao kase alam ko papayag ako. Papayag ako sa gustong mangyari sa akin ni Zie na gawin niya akong submissive. Pero, ang gumugulo pa sa isip ko, nasaan na yung una? Anong nangyari sa kanya? Kalahati ng utak ko, ayaw tumuloy sa kung ano man ang mangyayari ngayong gabi. Sinasabi nito na tumakbo at katakutan yung mga kakatwang bagay na nandirito sa kwarto na ito. - alam ko na anumang minuto mula ngayon ay maaari ko nang maramdaman ang paglapat ng mga gamit na iyon sa katawan ko.
"Sasaktan mo ba ako Zie?" Tanong ko.
"Hindi kita sasaktan, Dom."
Alam ko nagsasabi ng totoo si Zie.
"I'm fully aware that this is news to you, Dom. Kaya gusto ko na pag-isipan mong maigi ito. May tanong ka ba?"
Marami. Sobrang dami. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Ganito ba talaga ang gusto mo, Zie?"
"Oo."
"Paano ka nahilig sa ganitong klaseng pakikipagtalik?"
Actually, madami talaga akong gustong itanong at linawin kay Zie. Lahat sana, gusto bigyan ng linaw.
"Basta. Heto na ang hilig ko noon pa." Sabi niya. Ayan nanaman siya, hindi ko nanaman siya maitindihan.
"Madami ka na bang nadala dito?"
"Madami na." Itim na itim yung mata ni Zie. Hustler na siya dito. Lalo ako natakot.
"Ilan na sila?"
"Bente"
Fuck.. Bente. Andame.
"Nagtatagal din ba kayo?"
"Yung iba sa kanila, Oo."
Pero, naisip ko, kung nagtatagal sila, malamang sa malamang wala ako dito ngayon. May nangyari siguro kaya naghahanap na siya ng bago niyang sub.
"Nasaktan mo na ba sila?"
"Lahat sila. Oo."
Fuck! Kinabahan ako lalo. Hindi maganda na iopen ko ang ganung usapan lalo na at nandirito kaming dalawa ni Zie sa "teritoryo" niya.
"Anong nangyari sa bente?"
"Hiniwalayan ko."
Doon ako natakot. Baka gawin din sa akin iyon ni Zie. Iiwan din niya ako kapag nagsawa na siya sa katawan ko. Hindi malabo na baka matulad din ako sa dati niyang mga submissive. Naisip ko na baka dumating na si Zie sa punto na nagsawa na siya sa mga iyon kaya hiniwalayan niya. Maaring naghahanap ng bagong katawan si Zie para muling mailapat ang kanyang mga "laruan" doon.
"Bakit? Ano nangyari?" Ayaw ko na sanang itanong pa, kaso curious ako kung ano nangyari sa dati niyang submissive.
"Yung iba sa kanila, nag demand ng relasyon. Ayaw ko nang ganun. Yung iba naman, hindi lang ako ang Dominant. May iba pa silang Dominant bukod sa akin. Ayaw ko nang ganun kase ayaw ko magkasakit."
Wow. Napalunok ako. Bigla ako nanlumo sa narinig ko ka Zie. Sinikap kong wag ipahalata na nalungkot ako sa sinabi niya. Kaya, nagtanong pa ako.
"Madali kalang bang makahanap ng bago mong submissive?"
Nagtaas ito ng isang kilay.
"Madami jan. Pero hindi lahat deserving."
"Kung ganun, bakit ako? Sa tingin mo ba deserving ako? Hindi ko maitindihan."
"Dom, diba sinabi ko na sayo, there is something about you. At hindi ko kayang iwan ka." Ngumiti siya ng mapait. "Para akong gamo-gamo na naakit sa liwanag mo."
"I want you so badly, lalo na ngayon, you are biting your lip again." Huminga siya ng malalim at ako naman ay napalunok.
Parang umikot yung sikmura ko, kailangan niya ako.. Weird pakinggan, pero totoo. This beautiful, strange, kinky fraternity master wants me.
Baliktad yata yung pagkakasabi ni Zie. Ako ang gamo-gamo at siya naman yung apoy. At alam ko na masusunog ako. I know.
"Alam ko gusto mo rin 'to." Sabi ni Zie. Hinawakan niya ako sa mukha. He gently caress my face, napapikit ako. Nagbibigay kilabot sa pakiramdam yung ginagawang paggalaw ng hinlalaki niya sa pisngi ko. He smells so good. Erotically, Nakakaramdam na ako ng excitement at the same time, takot. Takot na baka saktan ako ni Zie.
"Sasaktan mo ba ako, Zie?" Muli kong tanong sa kanya.
Matagal bago nakasagot si Zie. "Anong ibig mong sabihin doon?"
Napalunok ako. Mabilis ang tibok ng puso ko. "Physically, sasaktan mo ba ako?"
Kinabahan ako sa maaring isagot ni Zie kahit na obvious naman ang kanyang isasagot.
Malamang Dom, wag kang tanga. Sabi ng konsensya ko.
"Kung sinusuway mo ako, sasaktan kita."
Aray! Mas masakit lalo kasi nanggaling na sa kanya.
This is so hard to process. Mukha na pala akong tanga na umaasa na baka sakali magkaron kami ng oras ni Zie. Pero, malabo talaga ang gusto kong mangyari.
"Promise, mag-eenjoy ka dito.." Bulong niya. "Take off your clothes." Agad naman akong sumunod. Dahan dahan kong hinubad ang damit ko. Sinimulan ko sa tshirt ko tapos pantalon at tinira ang boxers ko.
Napangiti si Zie at kita ko sa mga mata niya ang excitement.
Excited na ba siyang saktan ako?
Sasaktan ba ako ni Zie?
Dinala ako ni Zie sa doorway. Habang sinusundan ko siya, hindi mawala wala sa dibdib ko yung kaba at matinding takot habang ginagala ko ang paningin ko sa mga nakakatakot na bagay sa kwartong ito. Malamig ang buong kwarto nangingibabaw ang amoy ng leather at citrus scent.
Inutusan ako ni Zie na lumuhod sa harap ng kama niya. Pinagdikit ko ang pulso ko ayon sa kagustuhan niya. Tinali niya iyon gamit ang electrical tape. Habang iniikot niya yung tape sa pulso ko, titig na titig ito sa mga mata ko. Itim na itim ang bilog sa mata ni Zie. Hinigpitan niya yung huling ikot. Pitong ikot iyon kaya wala akong palag.
"Isa kang matapang na tao Dom." Bulong niya matapos ako gapusan ng electrical tape. Hawak niya ako sa baba. "Hanga ako sayo."
This is it. Gagawin ko na ang kagustuhan ni Zie na gawin akong submissive. Payag na akong makipag sex sa halimaw na ito. Tama. Isa siyang halimaw. Hindi gawain 'to ng isang matinong tao. Unlike nalang kung may disorder si Zie. Di kaya may problema siya sa pag-iisip? Hindi naman siguro.
Hinahabol ko hininga ko. Hindi ko maalis yung titig ko sa kanya at sa pulso ko na nakatali. Zie is heart stoppingly beautiful. Ang gwapo. Sobrang gwapo.
Pero.. ibang iba si Zie ngayon. Nakakatakot siya. Parang sinapian siya ng masama at malibog na espirito ng demonyo.
Habang nakaluhod ako at nakagapos ang kamay, yung mga mata ni Zie, itim na itim. Parang binabantayan yung kilos at galaw ko. Na parang anytime, tatakbo ako palayo at hahabulin niya ako tapos biglang sasakmalin.
"Handa ka na ba Dom?" Tanong niya bago ko siya nakita na may hawak hawak nang mahabang latigo.
Para sa kabayo lang yun ah? Sabi ng konsensya ko. Napalunok ako.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Zie
Teen Fiction'ZIE' is a 2016 novel written by Mark Sato on Wattpad that traces the deepening relationship between a civil engineering student, Dom and a Fraternity Master, Zie. Highest Achievement: #3 in Teen Fiction - March 10, 2017