Chapter 37

4.4K 129 11
                                    

"Please have a seat, Mr. Desilva." Sabi sa akin ng dean pagkadating ko sa office niya.

Eto ang unang beses na napatawag ako sa opisina ng dean ngayong sem kaya ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Umupo ako ayon sa utos sa akin ng dean. Naghintay ako sa susunod na mangyayari.

May kinuha siyang puting sobre sa file ko sa kanyang likuran. Kinabahan ako dahil baka iyon ay  tungkol sa suspension. Nanginig ang kamay ko at bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

Kahit na malamig and kwarto ng opisina ng dean, may pawis na tumutulo sa sentido at pinagpapawisan din ang kamay ko na parang pasmado.

Umupo ang dean. Hindi mo ito makikitaan ng kaunting ngiti sa mukha. Di tulad kapag pinapatawag niya ako dati, sa pintuan palang ngiti na niya ang sumasalubong sa akin. Mukha siyang nakakatakot ngayon.

Tumingin siya sa akin. Inayos niya ang kanyang salamin at huminga ng malalim.

"I've heard a lot about you this past weeks Mr. Desilva. Akala ko, isa ka sa ipagmamalaki ng UP. But, upon hearing negative words about you sa buong campus, I instantly become disappointed sayo."

Tumigil ang dean at umiling. Halata  ngang na-disappoint ko siya ng sobra.

"P-pero--" Pinahinto ako ng dean sa pagsasalita. He held up his right hand. Ipapaliwanag ko sana yung side ko.

"No more from that issue. Ayoko nang pag-usapan pa. Nakaka stress. Mag moved on na tayo."

Wala ako nagawa kundi sundin nalang ang kagustuhan ng dean.

"But, that's not the reason why I called you in my office." Biglang sabi ng dean na pinagtaka ko.

I remain speechless. Inaantay ko talaga ang rason ng dean kung bakit niya ako pinatawag ngayon dito.

"This letter is the reason why I called you in my office Mr. Desilva. And I must say, congratulations!"

Biglang nag-iba ang mood ng dean. Tumayo siya at lumapit siya sa akin at nakipag-kamay.

"Congratulations! Dahil Ikaw ang napiling representative ng engineering department para ipadala sa seminar na gaganapin sa Japan." Masayang anunsyo ng dean. Masaya talaga ito. "Congratulations!"

"Paanong nangyari po?" Ang tanong ko. Kahit ako nagulat. Totoo ba talaga ito?

"Sabihin na nating good things comes to those people whose deserving. You deserved it Mr. Desilva. We are proud of you. Ang buong civil engineering department ay naka support sayo. You all have our backs."

Naging palaisipan sa akin ang sinabi sa akin ng dean kanina. Paano nangyari na ako ang napili para maging representative ng engineering?

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway para sa huling subject ko ngayong araw nang makasalubong ko si Alvin.

"Dom." alangan si Alvin habang sinasabi niya yun. Tumango siya sa harapan ko.

"Okay lang, Alvin. Wala ka namang ginawang masama. Si Sanji talaga ang puno't dulo nito."

"Patawarin mo sana ako, Dom. Nagkamali ako. Natakot ako dahil baka ipahamak ni Sanji ang kappa. Mahal ko ang samahan. Handa kong ibuwis ang buhay ko sa kappa. Isa pa, Tapat ako kay Master."

Ngumiti ako ng tipid. Walang kasalanan si Alvin dito. Alam ko na sumusunod lang din siya kay Sanji.

"Naiitindihan ko." Naalala ko bigla si Zie.

Matagal na din pala simula nang huli ko siyang nakita. kamusta na kaya siya? di man lang siya nagpaparamdam. ano bang inaasahan ko? i-uupdate niya ako?

Dom, wala naman kayong relasyon.. paalala ng isip ko. Medyo nalungkot ako sa isiping iyon. Tama nga naman, sino ba naman ako sa buhay ni Zie?

"Dom, natahimik ka, okay ka lang ba? kung iniisip mo yung nangyari, pasensya na talaga. Yan lang ang makakaya ko."

Nginitian ko si Alvin. Hinawakan ko siya sa kanang balikat para sa assurance.

"Okay lang ako. Gusto ko lang magpahinga."

"Oo nga pala, Dom. Bilang pambawi, may gusto palang kumausap sayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Alvin.

Nakita ko si Zie nakatayo sa may hallway di kalayuan sa kinatatayuan namin ni Alvin.

"Kanina ka pa niya inaantay, Dom."

Nagtanguan lang kami ni Alvin at hinawakan niya ako sa balikat bago ako lumapit kay Zie.

Bigla ako natuwa nang makita ko si Zie. Pakiramdam ko ligtas na ako at wala nang makakasakit sa akin dahil anjan na siya.

"I missed you, Dom. I'm sorry wala ako sa tabi mo."

Bigla niya ako niyakap. Hindi ko na napigilan at tumulo nalang ang luha ko.

itutuloy..

ZieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon