Pasado alas otso y medya na ng gabi at hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatingin lamang sa napaka-garang puting suit na nakalagay padin sa malaking parihabahang kahon.
Aware ako sa tunog ng wall clock. Aware ako na kailangan kong suotin ang magarang suit sa harapan ko ano mang oras mula ngayon. What stopping me is, I'm thinking, deserve ko ba ito?
Never in my dull boring life na makakakilala ako ng taong kagaya ni Zie. Meron siyang behavioral disorder pagdating sa sex. At masasabi kong may kaunting idea na ako sa pagkatao ni Zie. Kaunti lamang kasi may mga pagkakataon padin na nagwa-wonder ako everytime na tumatahimik si Zie, kung ano kaya ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Nang sinubukan kong hawakan ang magarang tela ng suit, kinilabutan ako. Lalo ko lamang naaalala yung mga pananakit sa sakin ni Zie sa kama. Nanumbalik sa akin yung mukha niyang tuwang tuwa kapag nasasaktan niya ako physically. Natatakot ako sa kung anong mangyayari kapag pinagpatuloy ko pa ito.
Nagtungo ako sa shower at tumapat sa ilalim noon. Walang wala ang mainit na pakiramdam ng tubig sa aking balat. Habol hininga ako habang nakatayo lang sa ilalim ng hot shower.
I embraced myself. Mahigpit kong niyakap ang sarili ko habang habol hininga sa ilalim ng rumaragasang tubig mula sa shower. Dahan dahan kong dinama ang aking braso, dibdib at ang aking leeg - ang mga lugar kung saan ako madalas saktan ni Zie.
Ilang minuto lang ako sa ganoong posisyon at nagtungo sa tapat ng salamin. Inalis ko ang hamog doon. Nakita ko ang nakakatawang itsura ko sa salamin. I looked pale, normal. Below normal. Namumutla ang labi ko. Mapusyaw ang kulay ng balat ko. Kitang kita ko ang mga pasa ko lalo na sa bandang leeg at dibdib.
I try to not almost not to cry as I touch myself in those areas. Naaalala ko si Zie. Naaalala ko kung paano niya ako nilagyan ng mga ganitong pasa. My tears start to fall. I wish I could heal this scars overtime and forget this all including Zie. Pero, deep down inside, I know it's impossible..
Agad na pinunasan ko ang luha ko nang makita ko si Drei sa labas ng pinto ng banyo. Doon ko lang naalala na hindi ko pala iyon nasara.
"Hey, are you Ok? Nakabukas kasi so pumasok na ako to check on you."
"Ayos lang ako, Drei. Ano, ready ka na ba? Dapat bago mag 9 nandun na tayo." Pinilit kong ibahin ang usapan. Ayaw kong mapunta nanaman sa akin ang topic.
Drei didn't look convinced sa sinabi ko. He hands me a towel and hug me tightly.
"Ayoko na nakikita kang nagkakaganyan. Kasalanan ko ito. Dapat hindi nalang kita ininvolved sa kappa. Wala akong kwentang bestfriend dahil wala akong ginawa kundi ang ilagay ka sa kapahamakan imbes na ako ang magprotekta sayo."
I try not to weep in Drei's words, pero, hindi ko napigilan at naiyak na nga ako ng tuluyan. He has always been sensitive to what I feel inside. Siya ang klase ng kaibigan na hihilingin ninuman. Name all of those traits, Drei have it.
"Wala naman na ring kwenta pa kung mag-iiyak ako dito. From the start choice ko rin naman kung pagpapatuloy ko pa ito o hindi. Yet I chose to stay. Hinayaan ko sarili ko na maging alipin ni Zie. Wala kang kasalanan, Drei. Choice ko ito pero hindi na ako masaya."
"Ano plano mo?" Bulong ni Drei habang yakap padin niya ako.
Kinilabutan ako sa mainit na buga ng hininga niya sa aking batok.
"Gagawin ko nalang ang alam kong tama."
"You know you'll always have my back, right? Whatever your decision is, wag mong kalilimutan na andito ako para sayo." Tapos humiwalay si Drei sa pagkakayakap. Tinignan niya ako ng mataman. As if he is seeing something deep within me. Drei half smiled.
BINABASA MO ANG
Zie
Teen Fiction'ZIE' is a 2016 novel written by Mark Sato on Wattpad that traces the deepening relationship between a civil engineering student, Dom and a Fraternity Master, Zie. Highest Achievement: #3 in Teen Fiction - March 10, 2017