Hindi ko inakala na legal ang ganitong aktibidad ng Kappa. Hindi ba dapat ang inisasyon dapat ginagawa sa pribadong lugar? Naawa ako para sa mga lalaking nasa harapan ko ngayon. Ano kaya ang gusto nilang patunayan at naisipan nilang sumali sa Kappa ni Zie?
Hindi naman sa agaisnt ako sa Kappa pero kasi yung pamamaraan nila ng pagsasagawa ng inisasyon rights ay mali.'Eto na siguro yung sinabi sa akin ni Alvin tungkol sa tibayan ko ang sikmura ko. Makaka witness ba ako ngayon ng live na inisasyon?
"Dom, halika na. Maupo na tayo." Bumalik ako sa kasalukuyan nang akbayan ako ni Drei sa balikat. "Ayos ka lang ba?"
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
Lumingon pa ako sa mga lalaking naka piring sa huling pagkakataon bago kami makarating ni Drei sa isang mahabang mesa. May nagiya sa amin doon na sa tingin ko ay membro din ng Kappa. Sumunod lang ako kay Drei.
"Pang ilang attend mo na ba ito?" Bulong ko kay Drei patungkol sa ilang beses na ba siyang nakaka witness ng live na inisasyon. Gusto ko rin sanang idagdag kung tama ba ang maka witness ng live na inisasyon kaso hindi ko nalang tinanong.
"Pangalawa palang Dom. Okay ka lang ba talaga?" Bulong niya sa tainga ko.
Tumango naman ako bilang sagot. "Ayos lang ako. Wag mo akong alalahanin."
Pasimple akong tumingin sa paligid at nag obserba.
May lumapit na kasapi ng Kappa kay Drei at inaya siya na sumama sa kanya habang ako naiwan na nagmamasid.
Ilang sandali pa at hindi pa din bumabalik si Drei. Kinabahan ako. Kinabahan ako kase baka may ginawa na sila sa bestfriend ko. Kinakabahan din naman ako kase baka ma out of place ako ngayon lalo na at wala naman si Drei na taga pagpalakas ng loob ko kapag napanghihinaan ako. Tulad ngayon.
Unti unti nang nagsipagdatingan ang ibang membro ng Kappa. Yung iba kilala ko sa mukha. Pero karamihan ngayon ko lang nakita. Lahat sila binati ang isa't-isa sa pamamamagitan ng kamayan. Sagrado siguro sa Kappa ang kamayan na iyon?
Inaasahan ko na makikita ko ngayon talaga dito si Zie dahil siya naman ang leader ng Kappa. Pero, kanina ko pa siya hindi nakikita. Asan kaya siya? Bakit ba lagi akong naiiwan na mag isa tapos makakaramdam ng out of place na feeling? Ganun ba kababa ang aking self esteem? Aminado naman ako na hindi ako sanay na napapansin ng ibang tao pero sa pagkakataong ito, literal na na-ooutofplace ako.
Tahimik lang akong nakaupo hanggang sa nakita ko si Alvin. Kumaway siya nang makita ako. Lumapit siya sa tabi ko at doon na naupo. At least may kakilala na ako na pwedeng kausapin.
"Nakita mo yung lima kanina?" Tinutukoy ni Alvin yung limang lalaki na naka topless at naka piring ang mga mata.
Tumango ako pero hindi na ako nagtanong kase pakiramdam ko kusang ipapaliwanag naman sa akin yun ni Alvin.
"Bagong sapi sila ng Kappa. Ngayon ang huling pagsubok o test nila kung karapat dapat ba silang makapasok sa grupo." Sabi ni Alvin na parang ako lang dapat na makaaalam ng sinasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Bulong ko pabalik sa kanya. Bumulong siya kaya bumulong nalang din ako.
Biglang tumahimik ang lahat. Hindi na ako nasagot ni Alvin. Lahat nakatutok sa limang lalaki na naka gapos ang kamay habang nakapiring. Lahat sila nakasuot na lamang ngayon ng boxers.
May kutob akong masama ang ipapagawa sa kanila. Pinili ko na lamang na manood at mag obserba. Malamang alam ni Zie ang gagawin sa limang lalaki. Asan na kaya siya?
"Maligayang pagdating sa mga membro ng Alpha Kappa Pro." Nagsimulang pumailanglang yung boses sa paligid. Para siyang emcee sa radyo kase maganda ang quality ng boses niya. Lihim akong napangiti kase boses iyon ni Zie. Kinilabutan ako na ewan.
BINABASA MO ANG
Zie
Teen Fiction'ZIE' is a 2016 novel written by Mark Sato on Wattpad that traces the deepening relationship between a civil engineering student, Dom and a Fraternity Master, Zie. Highest Achievement: #3 in Teen Fiction - March 10, 2017