Chapter 35

5.6K 151 31
                                    

TWO MONTHS LATER..

"Dom! Dom! Dom!!!!"

Nagising ako sa sunod sunod na katok ni Tita. Napabangon ako bigla. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Ano ka ba, Dom! Tanghali nang bata ka! Ilang beses ko bang ipapasok jan sa kukote mo na dapat mauuna ka lageng magigising sa amin ng mga anak ko!" Nakapamewang si Tita habang pinandidilatan niya ako.

"Sorry, Po tita. Napuyat po kase ako. Binantayan ko pa po si Drei kahapon."

"Eh ano naman kung napuyat ka? Aba! Baka nakakalimutan mo," dinuro ako ni Tita habang yung isa niyang kamay ay nasa bewang niya. "Kaya kita tinanggap muli sa pamamamahay ko dahil nakiusap sa akin si Jin! Pasalamat ka dahil inaalala ka pa din ng anak kong yun! at kahit na nagdespalko ka sa akin ng pera ay mabait pa rin ang puso ko sayo para tanggapin ka pa!"

Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas simula ng pinabalik ako dito ni Tita. At sa dalawang buwang iyon, walang araw na hindi pinaparamdam sa akin ni Tita at ng kanyang mga anak na si Jin at Sanji ang "utang na loob" ko daw sa kanila dahil sa muling pagpapatuloy niya sa akin dito.

Kung dati, basahan ang turing nila sa akin, ngayon mas lumala na. Dahil isa na akong tagapagsilbi sa kanilang tatlo ng anak niya.

"Hindi pa sinabi-sabi ko sayo na huwag mo na akong matatawag tawag na Tita! Wala akong kadugong magnanakaw! Ma'am ang itawag mo sa aken!"

Napayuko ako. Umagang umaga down na agad ako. Huminga ako ng malalim. Konting tiis nalang, isang buwan mahigit bago ang graduation ko. Kaya talagang napakalaking pasensya at pag unawa ang ginagawa ko.

Kapag sa umaga, wala ako ibang ginagawa kundi ang linisan ang buong bahay ni Tita. Araw araw simula nang bumalik ako yun na ang naging daily routine ko.

Gigising ako ng napaka-aga para magluto ng almusal nila. Tapos kung ano matira, yun ang kakainin ko. Minsan wala pa akong agahan dahil sinasadya talaga ni Sanji na ubusin lahat ang pagkain.

Mahigpit na pinagbabawal sa akin ni Tita na sumabay sa kanila tuwing oras ng kainan. Nasa kusina lamang ako nun at naghihintay ng pagtawag para sila ay pagsilbihan. Habang nasa kusina ako, sinasamantala ko na mag review ng paunti unti tapos yung iba naman na hindi ko natatapos, sa gabi naman ang tuloy kong mag review bago ako matulog.

Para akong naninirahan sa impyerno dahil sa pagtrato sa akin nila Tita at Sanji. Nanliliit ako sa sarili ko. Pero, tinitiis ko nalang. Pinangako ko sa sarili ko na kapag ako naka graduate, aalis agad ako dito sa pamamahay ni Tita.

.
.
.
.

Isang araw dumating si Tita galing sa casino.

"Dom, dalhan mo ako ng tsaa sa kwarto ko."

"Opo, Ma'am."

"Natapos mo na ba gawain mo?"

"Tapos na po."

"Nag floor wax ka ba? Naglinis ka ba ng banyo? Yang mga salamin ba napunasan mo na?"

"Opo Ma'am."

"Yung mga labahin tapos na ba?"

"Naka sampay na po Ma'am."

Umakyat si Tita sa hagdan. May napansin si Tita na hindi pantay ang tunog ng isang baitang. Mukhang may naka uwang na kahoy doon.

"Hindi ba sinabi ko sayo trabaho mong alamin ang mga sira sa pamamahay ko?"

"Hindi ko pa alam--"

"Trabaho mo yan, Dom! Tinanggap kita sa bahay ko tapos eto ang igaganti mo? Hindi maganda ang serbisyo mo, Dom!"

"Aayusin ko nalang po, Ma'am."

Wala nanaman ako nagawa kundi sundin nalang si Tita.

.
.
.
.

Biyernes ng umaga, and so, my routine starts. Agad akong nagluto sa kusina. Kahit na pipikit pikit pa ang mata ko ay tinuloy ko pa din ang pagluluto. Nagmadali ako kase nakita ko sa washing machine ang kabundok na labahin ko.

Sinasadya talaga ni Sanji na dumihan ang kanyang damit na bagong laba ko palang at sinasama sa maruruming damit. Si Tita, magmula sa kurtina, beddings, basahan at kung ano ano pa, lahat pinapalaba sa akin. Wala ako magawa kase may "utang na loob" ako sa kanya.

May lakad ang mag-anak ngayon kaya na focus ang gawain ko sa paglalaba.

Kapag kasi andito sila sa bahay kanya kanya silang utos kaya hindi ako matapos tapos sa gawain ko. Lalo na si Sanji. Palautos. Pero feeling ko, nananadya lang siya. Ultimong tubig na nasa harapan na niya, tatawagin pa ako para iabot sa kanya. Ramdam na ramdam ko talaga na pinapahirapan nila ako to make my life more miserable. Pinagdudusahan ko ang kasalanang hindi ko ginawa.

Habang nagbababad ako ng damit, naisipan ko na tawagin si Drei. Oras na kasi ng pag-inom niya ng antibiotics.

"Drei, kamusta na? Uminom ka na ba ng gamot?"

"Katatapos lang po, Doc Dom.."

"Drei naman. Nag-aalala lang ako sayo. Bat ba kase humarang ka pa nun."

"Dom, kapag hindi ako humarang nun, edi sana hindi mo mapapakinabangan yung surprise ko sayo."

"Ha? Umayos ka Drei ha. Nakukuha mo pang magbiro. Buti nalang at daplis lang ang natamo mo nun."

"Syempre, best friend mo ako. Matagal pa ako mamatay. Di pa nga tayo nakaka graduate eh."

"Drei. Nagaalala kasi ako sayo tsaka nangongonsenya."

"Huy ikaw jan, may pilay ka pa diba? Hinay hinay lang baka mamaga yan lalo."

"Okay lang. At least nagagalaw ang muscle ko at na-eexcercise."

"Kamusta naman ang trato sayo ngayon? Ano naman pinapagawa nila sayo this time?"

Huminga ako ng malalim. Nagulat ako dahil biglang may umagaw ng telepono ko.

Pag angat ko ng tingin, nakita ko si Jin na naka topless at naka boxers lang. Naka ngiting nakakaloko siya.

"Sino kausap mo?"

Umiwas ako ng tingin. Agad na kinabahan ako. Akala ko sumama siya kela Tita at Sanji.

"Wala si Drei lang Jin." Kabado kong sagot. "Amina na yang telepono ko."

Ngumising aso si Jin.

"Kung gusto mo talagang mabalik tong telepono mo, may gagawin muna tayo sa kwarto ko."

Napa angat ako ng tingin kay Jin. Sinasabi ko na nga ba.

"After all, you still owe me big time dahil kung hindi ko pinakiusapan si mama na tanggapin ka, baka this time, sa kalye ka nalang natutulog."

"Jin, kung ano man yang balak mo. Pakiusap. Tama na."

Pero bago pa ako makapagsalita, sinakal ako ni Jin at sinikmuraan ako. Sinandal niya ako sa dingding tapos hinalikan yung leeg ko.

"J-jin... waag...."



Itutuloy...

ZieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon