Malamig ang simoy ng hangin. Tanging paghampas lang ng tubig sa buhangin ang maririnig mong ingay. Madilim, at liwanag lang sa buwan ang nagsisilbing liwanag. Walang ibang tao kundi ang mga taong involved lang sa initiation ang nandirito ngayon.
Sumunod ako kay Zie nagpunta ito sa harapan. Pakiramdam ko lahat ng mata ng mga taong gagawa ng inisasyon ay nakatuon sa akin. Naka yuko lang ako at iniiwasang magtama ang paningin ko sa mga mata nila.
"Anong ginagawa mo dito, Dom?" Bulong sa akin ni Alvin sa may likuran ni Zie. Katabi niya si Zie.
"Sinama lang ako ni Zie." Pabulong ding sagot ko.
Pinagmasdan ko ang limang naka piring na kalalakihan. Lahat naman sila, magaganda at muscular ang hubog ng pangangatawan kaya malamang sisiw lang sa kanila ang inisasyong ito. Yung iba ay nangangatog na sa sobrang lamig ng paligid. Halatang lahat sila ay kabado. Wala man lang isa sa kanila ang gumagalaw. May layo silang 5 dangkal sa isa't isa.
"Kayong lima ngayon ay masusuwerte," sabi nung lalaki na nakilala ko ang boses. Siya yung lalaki na nag paddle sa akin noon sa bahay nila Zie.
"Dahil isa sa inyo ay mapalad na mapapabilang sa aming samahan. Ngayon, uulitin ko sa huling pagkakataon, sigurado na ba kayo? Buo na ba ang loob ninyo? Dahil kapag nasimulan na ang inisasyong ito. Wala nang atrasan. Kayanin mo man o hindi, bawal umatras. Titiisin mo hanggang sa kadulo-duluhan. Ngayon," napatingin ito sa direksyon ko. Kinabahan ako at agad na nag iwas ng mata. "Buo na ba talaga ang loob ninyo?""Yes DA!" Sabay sabay nilang sagot. Bilib ako sa tapang nilang lima.
Naalala ko nanaman yung naging inisasyon ko sa bahay nila Zie. Pitong hampas lang ang kinaya ng katawan ko. So, technically, hindi pa ako membro sa samahan nila Zie.
Iniabot ni Alvin ang isang baso na may lamang dilaw na likido na may lamang tinadtad na siling labuyo kay Zie. Naamoy ko kung gaano katapang iyon gawa ng hangin sa direksyon namin.
Pinapanood ko lang kung paano nila dinuraan isa isa yung baso na may lamang dilaw na likido. Matapos nilang duraan iyon ay iniabot ni Alvin sa lalaking nagsalita kanina yung baso.
"Brad!" Tawag ni Alvin sa lalaki. Kinuha nito ang baso mula kay Alvin sabay dumura sa baso.
Kung nakikita lang ng mga lalaking naka piring kung ano ang laman ng iinumin nila, baka masuka sila. Buti nalang ako, medyo malakas ang sikmura kaya natiis ko yun.
Inikutan ni Alvin yung limang lalaki sabay isa isa silang dinibdiban. Shit!
Malakas yung pagkakasuntok ni Alvin sa dibdib ng bawat isa. Halos lahat sila ay napasigaw at yung iba naman ay napaatras. Lahat sila kinakaya yung sakit sa pangdidibdib sa kanila ni Alvin.
Kasama ba talaga ito? Is this the proper way of initiating a new neophyte? Nagulat ako sa ginawang iyon ni Alvin.
Tumigil si Alvin sa lalaking nasa dulo, tinanong ni Alvin sa lalaki kung bakit siya sumali sa frat. Mataas ang boses ni Alvin at halos pasigaw na ito kung magsalita.
"Kaya po ako sumali sa frat kase ayaw ko na pong mabully." Sagot nung lalaki. May tattoo ito sa kaliwang dibdib. Nakakaakit ang katawan nito lalo na yung dibdib. Halatang alaga sa gym.
"Yan lang ba rason mo? Ano tingin mo sa samahan na ito, Tanggapan ng mga taong nabubuly? Eh duwag ka naman pala eh!" Sigaw ni Alvin sa lalaki. Sabay dinibdiban nanaman ito ng dalawang beses. Napahiyaw yung lalaki sa sobrang lakas ng pagdibdib sa kanya ni Alvin. Naawa ako sa kanya kase napaluhod na ito. Halatang pigil ang iyak nito. Medyo pawisan na siya at namumula.
Isa isang pinainom ni Alvin yung mga lalaki ng laman ng hawak niyang baso. "Inom!" Sigaw nito sa limang lalaki. Tapos may sinunod pang apat na baso si Alvin.
BINABASA MO ANG
Zie
Teen Fiction'ZIE' is a 2016 novel written by Mark Sato on Wattpad that traces the deepening relationship between a civil engineering student, Dom and a Fraternity Master, Zie. Highest Achievement: #3 in Teen Fiction - March 10, 2017