Chapter 33

4.8K 159 10
                                    

Hindi ko alam kung gaano kalayo yung tinakbo ko. Basta nalamang ako naupo sa isang bakante at makipot na kalye. Punong puno ng hinagpis yung kalooban ko. Ano bang malaking kasalanan ko at bakit ako tinatrato ng Tyahin at pinsan ko ng ganito? Lahat naman ng kagustuhan nila sinusunod ko. Pero bakit ganito?

Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko. Marahil tama si Drei na sana dapat noon pa ako nagkaron ng boses para ipagtanggol ang karapatan ko. Alam ng Diyos na wala akong kinukuhang pera. Alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko yun magagawa. Napaka laki ng utang na loob ko kay Tito sa pagsagot ng pag-aaral ko, hindi ko kayang gawin ang binibintang ni Tita sa akin.

Kasing lakas ng ulan ang pag-agos ng luha ko. Ang sakit. Ang sakit. Pakiramdam ko nag-iisa ako. Pinapanood ko lang ang sarili ko na gawin nang paulit ulit yung mga pagkakamali sa buhay ko.

Anong bang nangyayari? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam ang tamang gawin. Lahat ng kilos ko, may nagmamatyag na mata na tila binabantayan ang galaw ko at naghihintay ng pagkakamali tapos irereport nila kay Tito sa Dubai. Ako ang masama. Si Dom ang mali sa paningin ng Tyahin at dalawang pinsan ko.

Eto ba yung kapalit ng lahat ng pagsisikap ko? Masisira lamang iyon dahil sa isang kasalanang hindi ko ginawa? Ilang taon akong naghirap at nagtyaga sa ugali ng Tyahin at pinsan ko pagkatapos lahat ng pinaghirapan ko, mababalewala lang dahil sa isang maling bintang?

Iniyak at iniyak ko lahat ng sama ng loob sa dibdib ko. Sana nandito si Drei. Kailangan ko ang bestfriend ko. Palagi siyang nanjan kapag kailangan ko siya. Asan ka ngayon Drei? Kailangan na kailangan kita!

May narinig akong yabag ng mga paa. Palapit ito ng palapit sa akin. Hindi ako tumungo para tignan kung sino yun. Mas nangingibabaw yung bigat sa dibdib ko.

Tumigil yung yabag ng paa sa harapan ko. Tinignan ko kung sino ang nagmamay-ari ng mga paang yun. Nagulat ako at biglang napatayo kase may hawak itong patalim at nakatutuok iyon sa akin.

"Walang mangyayaring masama kung ibibigay mo sa akin ang gusto ko."

Pulang pula yung mata nung lalaking sa tingin ko ay kaedaran ko lang. Punit punit ang damit niya at marumi siyang tignan. Marahil lulong ito sa droga. At ang pinagtataka ko pa, kamukhang kamukha ko siya!

Agad na binalot ng takot ang sistema ko. Bumilis yung tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Tinaas ko yung dalawa kong kamay..

"P-pakiusap. Wag mo akong sasaktan." Pakiusap ko sa lalaki. Nakatutok padin sa akin yung hawak niyang balisong.

Kinabahan ako pero sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Katapusan ko na yata to...

"Amina pera at cellphone mo! Dali! Kung hindi, sasaksakin kita!"

Mas nilapit niya lalo yung balisong sa leeg ko. Sinandal niya ako sa dingding. Gusto kong manlaban kaso walang katao tao sa paligid. Saan ako hihingi ng tulong?

Dinikit nung adik na lalaki sa leeg ko yung balisong. Ramdam ko ang talim nun. Kinabahan ako lalo.

"Amina sabe! Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!"

"Pakiusap! Wag mo akong papatayin. Wala akong perang dala. Wala akong cellphone. Wala akong kahit na ano."

Masakit man sa loob ko yung sinabi ko sa adik, pero yun ang totoo. Walang wala na ako ngayon. I'm a broke man.

"Sinungaling! Bibigay mo o itatarak ko tong balisong jan sa leeg mo!?"

"W-wag! Pa-pakiusap! Nagsasabi ako ng totoo. W-wala akong kapera pera dito."

Tinaas ko yung bulsa ng suot kong pantalon para maniwala siya na nagsasabi ako ng katotohanan.

"Matigas ka ha! Magpaalam ka na!"

ZieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon