Chapter 1

9.1K 231 27
                                    


Bzzzt..bzzt..bzztt..

Pagvibrate ng phone ni Lierra dali dali naman niya etong dinukot sa kanyang malalim na bulsa sa kanyang palda..
Nung nakuha na niya eto excited siyang buksan ang mensaheng natanggap kahit may bakas sa kanyang mukha ang pagtataka dahil isang unregistered number ito..

From:09666666666

1 new message received

Open Back

Bakas sa mukha ni Lierra ang pagtataka hindi dahil sa hindi niya eto kilala kundi ang numero nito..At dahil curious siya
Kinlick ni Lierra ang open at binasa eto..

R.I.P

Sa

Iyo.

Pagkatapos niya etong mabasa bigla na lamang siyang namutla at nanginginig hindi niya malaman kung anung gagawin niya..

Paatras lang siya ng paatras
Hanggang sa........

Aahhhhhhhhhhhhhhhhhh...

Nahulog ito mula sa rooftop ng kanilang eskwelahan..

Yuri's pov

Nag eexam kami ngayon ng may bigla kaming narinig na sigaw..isang sigaw na nakakakilabot mula sa labas..

Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Napalingon agad ako sa bintana hindi lang ako gayundin ang aking mga kaklase..

Biglang lumamig ang aming paligid kahit hindi naman nakabukas ang aming aircon..
Isang babaeng estudyanteng nahulog at sumabit sa isang puno na malapit sa bintana ng aming classroom ang aming nasaksihan kaya agad kaming nagpanic..ang ibay natatakot ang iba naman ay gusto nang lumabas para silipin kung sinu ito ang iba naman ay naduduwal sa nakikita nilang nakatusok na sanga sa dibdib ng babae..

Nakita kong gulat na gulat din si sir sa kanyang nakikita ngayon...dali dali siyang lumabas at lahat naman ng kaklase koy sumunod sa kanya..

Naiwan akong nakatulalang nakatingin sa babaeng nahulog nang biglang umihip ang hangin..bigla akong kinilabutan sa pagihip ng hangin..kaya naman lumabas na rin ako sa classroom at pumunta dun sa lugar kung saan nangyari ang insidente..

Pagkarating ko dun..kumpol kumpol ang mga edtudyante may isang grupo ng mga babaeng umiiyak siguro kaibigan nila etong namatay..

1 Message ReceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon