Doc!! Bat hindi pa nagigising yung anak ko ang sabi niyo okay na siya pero mag iisang buwan na pero hindi pa siya nagigising !
Rinig Kong sigaw ni mommy
Dahan dahan Kong minulat ang aking mga mata
Puti lahat ang bumungad sa akin
Patay na ba ako? Ito na ba ang tinatawag nilang langit?bat naririnig ko ang boses ng mommy ko ?tanong ko sa sarili
Dahan dahan Kong nilibot ang aking mga mata at nakita ko si mom kausap ang doktor napaiyak ako sa nakikita ko
I'm alive ! Nakaligtas ako mom mahinang sambit ko pero sakto lang para marinig Nina mommy
Napalingon sa akin ang mommy ko at ang doktor
Dali daling lumapit si mommy at ang doktor sa akin
Salamat sa diyos Anak at nagising ka na mangiyak ngiyak na sambit sa akin ni mommy saka hinawakan ako sa kamay
Chineck ng doctor ang kalagayan ko
Wala na po kayong pedeng ikabahala ms.Hernandez sapagkat okay na ang Anak niyo at pwede na kayong umuwi bukas na bukas masiglang sambit ng doktor sa amin ni mommy
Muliy sumilay sa aking mga labi ang mga ngiti
Kinabukasan
Naka uwi na kami sa aming bahay ni mommy
Naka wheelchair pa din ako sapagkat hindi ko masyadong maikilos ang kabilang paa ko dahil mahina pa ito
Anak Gusto mo bang lumabas? Para naman maarawan ka sambit ni mommy sa akin
Tumango ako sa kanya at itinulak ni mommy ang wheelchair pero pinahinto ko siya sa isang malaking salamin sa aming sala
Simula kasi nung nasa hospital ako hindi ko alam ang hitsura ko na
Itinapat ako ni mommy sa malaking salamin malungkot akong nakatingin sa repleksyon ko,dahan dahan kong hinawakan ang mukha ko na ngayon ay hindi ko na makilala tumingin ako sa ibang bahagi ng katawan nasunog lahat ng katawan ko pero ito ako binuhay pa ng diyos napaiyak ako sa kinahantungan ko at ng iba ko pang kaklase bakit ako lang ang nabuhay!?bakit? Mangiyak ngiyak na tanong ko Kay mommy
Shhh Anak ,Tama na okay huwag mo nang sisihin ang iyong sarili pagtahan ni mom sa akin
10 months later
Mabilis akong nakarecover at nakakalakad na din ako ngayon
Andito ako sa rooftop ng school namin ang seika high pinilit ko si mommy na dumalaw ako dito sa school na to buti na lang pumayag siya
Hindi na nagpapakita si ate yurika ko at si Christine pero Alam Kong may laging nakamasid sa akin
Sabi ni mommy nakita na daw ang katawan ni yurika kaya siguro hindi na siya nagpapakita sa akin
Nagmuni muni na lang ako dito ,napaiyak ako nang maalala ko ang nakakatakot na nakaraan na naranasan namin
Rest in peace sa inyong lahat
Bulong ko sa hanginIsang malakas na hangin ang naramdaman ko kaya napayakap ako sa sarili ko medyo kinilabutan ako kaya nagdesisyun akong bumaba na
Bzztt bzztt bzztt
Ramdam ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa koHuminto ako sa paglalakad at kinuha ang phone sa bulsa ko
1 message received
Open. Back
Tiningnan ko ito at binasa ang nilalaman ng mensahe
Unti unting umusbong ang kaba at takot sa katawan ko
Lumaki na rin ang mga mata ko sa nabasa ko
Nanginginig ang mga kamay ko at takot na binasa ang mensaheng natanggap ko
R.I.P
sa iyo
From:09666666666
Pagkabasa ko nang mensahe na yun nakarinig ako ng may papalapit sa akin hanggang sa huminto ito sa harapan ko napansin Kong puti ang kanyang suot at puno ito ng dugo unti unti Kong inangat ang mukha ko
Mas lalo akong nanginig sa takot ng mapagtantong malapit ang mukha niya sa mukha ko tulad ko din sunog ang kanyang katawan at mukha yung buhok niya na iilan lang ang natitira dahil naagnas na ito
Naging doble ang takot na naramdaman ko ngayon unti unti akong umatras
Paatras lang ako ng paatras hanggang sa mag dead end na ito napalingon ako sa likuran ko isang hakbang ko paatras ay mahuhulog na ako
Mas lalong inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko
Nakakadiri man siya pero mas nangibabaw pa din ang takot na nararamdaman koNapatitig ako sa sunog niyang mukha at duon at dahan dahan siyang ngumiti sa akin.
Ngiting nangaasar mga ngiting ayaw Kong makita mga ngiting tatapos ng buhay ko
Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ako sa mukha ko sabay haplos nito na naka ngisi sa akin
Napaiyak nalang akong humakbang paatras dahil alam Kong mahuhulog ako
Nag slow motion ang pagkahulog ko at duon ko naalala ang mga kaklase ko at ang ate yurika ko
Hanggang sa
Crackkk!!!tunog ng nabasag Kong ulo at likod pagka landing ko sa semento
Oh my goshh !!!
Ahhhhhhhhhh
may nahulog !!
iilan lang yan sa mga narinig ko at dali daling nagkumpulan ang mga estudyante palibot sa akin
Hirap Kong minulat ang mga mata ko habang nakahandusay pa run ako at ramdam ko ang pag agos ng dugo ko
Paalam hirap Kong sambit saka dahan dahang ngumiti kasabay nun ang pagpakita sa akin ng babaeng sunog
Now it's fair saka siya ngumiti iyon na ang last words na narinig ko at unti unti nang tumigil ang pagtibok ng puso ko and then I died !
(The end)******************************
A/N: mga mensaheng kikitil ng buhay mo paalam Yuri Hernandez :(
I hope you like my story :)
Thank you sa nagbasa,nag votes at nag comments nito :) thank you so much :)
BINABASA MO ANG
1 Message Received
TerrorBzzzt...bzzt..bzzzt.. 1 message received Open Back May isang magandang mensahe para sayo Mensaheng magdudulot ng peligro ng buhay mo Isang mensaheng sanhi ng kamatayan mo. are you willing to open and read that message that...