Yuri's Pov
kakauwi ko lang galing sa school ngayon hinatid pa ako ni helen dito sa bahay ang bait bait talaga nung babaeng yun..
napaupo ako sa sofa nang mapansin kong sarado ang kwarto ng ate ko.. asan na naman yun parang lagi nalang siyang wala sa bahay sambit ng utak ko at pumasok na sa kwarto ko..
naalala ko na naman ang mga nangyari kanina yung pagkamatay ni maam georgia at ang mga sinabi sa akin ng mga kaklase ko ..pati na din sina rina parang nagbago ang pakikitungo nila sa akin simula nung banggitin ko ang pangalan ni yurika sa kanila..
bzztt..bzztt..pag vibrate ng phone ko
tiningnan ko ito
1 message received
open back
matagal kong tinitigan ang screen ng phone ko hindi ko alam kung bubuksan ko ba ito o hindi..
bzztt ..bzztt ..
pag vibrate ulit nito
2 messages received
open back
huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang open na nakalagay sa screen ng phone ko
3rd year class A-1
kumunot ang noo ko sa unang nabasa ko pinindot ko ang next nito at tumambad sa akin ang isang class picture nina yurika nung 3rd year pa sila..
nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumapo sa batok ko..
napatitig ako sa mukha ni yurika,.yung mga ngiti niya siya nga pero bakit siya pumapatay ..naghihiganti ba siya ? isang malaking katanungan na sumagi sa isip ko pero bakit feeling ko hindi naman niya magagawa yun..
Rina's Pov
hindi ko na mapigilan ang sarili ko kanina kaya nagalit ako kay yuri, at hindi ko namalayang nasabi ko ang lahat ng yun kay yuri ..parang nakonsensya ako bigla..
andito ako sa kwarto ko nakahiga sa kama ko habang nag iisip kung tama ba ang mga sinabi ko sa kanya.. at napatitig ako sa isang kahon na nakalagay sa ilalim ng study table ko..tumayo ako at kinuha ko ito ..
pagkabukas ko tumambad lahat ng pictures namin nina yurika at yung bracelet na simbolo ng pagkakaibigan namin ..iniisa isa kong tiningnan ang mga pictures nito ..
eto yung mga time na masaya pa kami ,wala pang problema at higit sa lahat wala pa si christine sa buhay ni yurika....
napatitig ako sa isang litarato na kaming lima ang nasa picture yung mga ngiti niya ,ang maamong mukha niya ,.
bakit? kung may kinalaman ka man dito sa nangyayaring patayan ngayun anung dahilan mo? bat mo to ginagawa? kilala kita yurika hindi mo magagawa ang bagay na yan..kung naghihiganti ka man sana ako na lang yurika tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit ka namatay eh..kung hindi ko lang yun ginawa dati edi sana buhay ka pa hanggang ngayon..
hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nakatitig sa picture na hawak hawak ko ngayon..
im so sorry..
![](https://img.wattpad.com/cover/88422825-288-k467353.jpg)
BINABASA MO ANG
1 Message Received
TerrorBzzzt...bzzt..bzzzt.. 1 message received Open Back May isang magandang mensahe para sayo Mensaheng magdudulot ng peligro ng buhay mo Isang mensaheng sanhi ng kamatayan mo. are you willing to open and read that message that...