Chapter 37

1.4K 50 1
                                    

Yuri's Pov

Napapikit nalang ako ng makita kong handa nag paputukin ni maam ang baril na kanyang hawak

BANG!

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa kwartong iyon

Naghintay ako na matumba ako kaso hindi nangyari iyon

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at duon ko nakita ang daddy ko na nakahandusay sa sahig na walang malay at may dugo sa kanyang ulo

No!!daddy !sigaw ko at walang pag alinlangang lumapit sa kanya

Gumising ka !! Pilit na sambit ko sa kanya

Im sor sorry  pilit na sambit ni dad saka bumulwak ang dugo sa kanyang bibig at nawalan na ng buhay

Napatingin ako kay maam na ngayon ay gulat din sa nangyari

No! No! I didn't kill him pagkumbinsi ni maam sa kanyang sarili

Hayop ka !!sigaw ko at saka ko kinuha ang mga natitirang gallon ng gasolina at ibinuhos ito lahat sa paligid namin

Habang si maam ay parang baliw na nagmamakaawang gumising si dad

Cindy kumapit ka lang makakalabas din tayung dalawa dito sambit ko sa kanya pero nakatulala lang siyang nakaupo

Inagaw ko kay kylie ang lighter na.bitbit niya ngayon

Ayaw niya itong ibigay kaya naman wala akong magawa kundi lumaban sa kanya hanggang sa nakuha ito mula sa kanyang mga kamay

Sige!subukan mo lang lumapit kylie 
Hindi ako magdadalawang isip na sunugin ang kwartong ito

No,yuri wag mong gagawin yan gusto ko pang mabuhay sambit niya sa akin

Hayaan mo kaming makalabas ni cindy sa kwartong ito sambit ko sa kanya

Napatingin siya sa akin at saka napatitig kay maam na ngayon ay umiiyak sa harapan ni dad

Okay sambit ni kylie sa akin kaya naman pinasan ko si cindy na hanggang ngayon ay tulala pa rin

Sa tingin mo hahayaan ko kayong makatakas na ngayon ay pinatay niyo ang pinakamamahal kong asawa na si fred !!

Wala nang saysay ang mga buhay niyo !!magsama sama tayong pumunta ng impyerno ngayon galit na sambit ni maam saka inilabas ang posporo sa kanyang kamay kumuha siya ng isa at sinindihan ito saka binitawan kaya naman nagdulot kaagad ito ng apoy

No!!!sigaw ni kylie

Pinilit ko ang sarili ko na makalabas sa kwartong ito habang pasan pasan si cindy kaso may humila ng paa ko dahilan para matumba kaming dalawa ni cindy

Napatingin ako sa paligid at duon ko lang napagtanto na napapalibutan na kami ng apoy

No!!!pagsisigaw ni kylie

Hahahahahaha magsama sama tayo sa impyerno mga hayop kayu!! Sigaw ni maam

Puro usok na ang nalalanghap ko at ang init na sa direksyon ko dahan dahan akong tumayo at pilit kong itinayo si cindy kaso bigla nalang nagliyab ng apoy si cindy kaya nabitawan ko siya

Pinilit kong makatakas sa nagliliyab na apoy kaso mukhang malabo nakita kong unti unti nang nasusunog si maam napatitig ako sa kanya

Hanggang sa muli yuri hernandez sambit niya saka ngumiti ng nakakaloka

Napatingin din ako kay kylie na ngayon ay walang humpay sa pagiyak hanggang sa unti unti na ding nasusunog ang kanyang katawan

Magkikita pa tayo yuri !tandaan mo yan !sambit ni kylie hanggang sa tuluyan na siyang kainin ng apoy

Halo halo na ang naamoy ko amoy usok at amoy dugo samahan mo na din ng nasusunog na katawan ng tao

Uho uho uho ! Pag ubo ko

Unti unti akong nahihilo at hindi na ako makahinga dahil sa usok na dulot nito pero pinilit ko pa ring makarating sa pintuan kaso unti unti na ding nagliliyab ang kabilang paa ko buti na lang at nakarating ako sa pintuan pero sa pagpihit ko nito hindi ko ito mabuksan buksan
Halo halo na ang pawis at luha ko unti unti na ding nasusunog ang kabilang parte ng katawan ko hanggang sa mapaupo na lang ako sa harap ng pintuan na umiiyak at nawawalan na ng pag asa

Hindi na ako makahinga ..unti unti na akong napapikit
Hindi ko na kaya sambit ko

TING TING TING isang tunog ng bell ng aming campus ang huli kong narinig and then everything went black..




********************************

A/N: medyo maikli ang chapter ngayon pasensya na bye the way isang chapter na lang po ang natitira ..i hope you like it enjoy reading.

1 Message ReceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon