Yuri's Pov
Asan na ba yun, ,.saan ba nilagay ni maam georgea ang class picture nila..para malaman niyo maaga akong pumasok ngayon at andito ako sa library namin ngayon at may hinahanap lang.. medyo creepy nga kasi alam niyo na dito namatay si maam georgea pero may kailangan lang akong makumpirma..
habang naghahanap ako ng class picture nila yurika dati, may napansin akong isang kahon na nakakuha ng atensyon ko kaya kinuha ko ito
property of yurika hernandez
nakasulat sa ibabaw nito..
dahil curious ako binuksan ko ito at maraming envelop na maliliit ang nakalagay dito sa loob..kinuha ko ang isang envelop para buksan ito at malaman ang nasa loob nito..
yuri?
napalingon ako bigla sa babaeng nagsalita..dali dali kong tinago sa likuran ko ang isang envelop na kinuha ko mula sa kahon..
ma..maam libeth .,pautal utal kong sabi sa kanya
anung ginagawa mo dito? tanong niya sa akin habang nakatitig siya sa akin..
ahh..wala po may naiwan lang po akong gamit dito kahapon..pagsisinungaling ko sa kanya..
bat po kayu nandito maam? balik kong tanong sa kanya
medyo hindi siya mapakali sa tanong ko na iyon..
hmm wala naiwan ko ang libro ko dito kahapon kukunin ko lang sambit niya at may kinuhang libro malapit sa kanya..
ahh ganun po ba ..sambit ko sa kanya..
pumasok ka na sa room niyo magsisimula na ang klase..sambit niya sa akin..
ahh sige ..po sagot ko sa kanya at dali dali kong nilisan ang library ..
habang naglalakad ako sa hallway papuntang room naisip kong pumunta muna ng cr para buksan ang envelop na nakuha ko sa kahon kanina ..
siya yun diba?
mamamatay tao ba talaga siya?
oo nga isa nga siya sa suspect sa pagpatay kay maam georgea eh ,.
nakakatakot naman..may studyanteng criminal ang seika high
parang dati lang isang bitch/slut at sipsip na estudyante ang nandito ngayon criminal na
sinu nga yun? si yurika hernandez diba ?yung namatay sa sunog sa lumang library natin
oo magkamukha sila noh?
ninu?
siya,ang bagong transferee ng 4th year class a-1..
napalingon ako sa mga studyanteng nadadaanan ko ,duhh naririnig ko kaya kayu sambit ng utak ko..
sshhh anu ba wag kang maingay narinig yata tayu ..
oo dinig na dinig ko kayu sambit ko sa utak ko kahit gustong gusto ko nang sigawan sila pinigilan ko na lang ang sarili ko ..
tuloy tuloy na akong nagpunta sa cr at hindi ko na pinansin ang mga naririnig ko ..
BINABASA MO ANG
1 Message Received
HorrorBzzzt...bzzt..bzzzt.. 1 message received Open Back May isang magandang mensahe para sayo Mensaheng magdudulot ng peligro ng buhay mo Isang mensaheng sanhi ng kamatayan mo. are you willing to open and read that message that...