jihoon's"Ilagay niyo na lang mga gamit niyo jan. Sasabihin ko na sino magkaka-roomate hehe." Nakakalokong ngiti ni Soonyoung.
Nandito na kami sa villa nila, halos matagal din ang byahe namin at maraming nakatulog samin pero worth it naman kasi makakapag relax kami.
Ang laki nga ng villa ng bakla, mayaman nga. Ano kayang business nila?
"So ang magkakaroomate! Yung dalawa munang room sa first floor! Junhao at Verkwan!" Nakangiting pag announce ni Soonyoung. Sabi na nga ba nakabase toh sa couples."Yung dalawa naman sa second floor, Meanie at kaming tatlo! Seokmin, Dino at Ako! At Jeongcheol at 2Ji sa third floor kayo." Hayy, sabi na nga ba eh. Sino pa ba magkakasama? Edi kami din.
"May tanong ako!" Sigaw ni Mingyu.
"Ano yun Nognog?" Sagot ni Soonyoung.
"Soundproof ba ang mga kwarto?" Kung umiinom lang ako siguro nasamid na ako.
Pati ba naman yon itatanong niya?
Ngumiti naman si Soonyoung at nag thumbs-up kay Mingyu. ABA ang lalAndi niyo!1
Pumunta muna kami sa kanya-kanya naming kwarto para ilagay ang gamit namin.
Nakakahiya naman kay Soonyoung, villa lang to para sakanya? Hindi pa ba to mansion?
"Jihoon tabi tayo matulog hihi~ First time toh." Sabi sakin ni Jisoo habang inaayos ang gamit niya.
"Kung may binabalak ka wag mo na ituloy!" Humarap siya sa akin at niyakap ako.
"Pag hindi mo gusto, hindi ko gagawin." Humarap naman ako sakanya at ngumiti. Sabagay si Jisoo ang pinag-uusapan natin, hindi niya gagawin ang mga ayaw ko.
Bigla naman may kumatok sa kwarto namin at binuksan ko naman.
"Seungcheol?"
"Ah Jihoon, okay lang ba humiram ng unan. Kahit isa lang?" Tumingin ako sa kwarto, hindi naman ako mahilig sa unan pero baka si Jisoo oo.
"Sorry ah, tanong mo na lang kay Soonyoung. Baka kasi mahilig mag unan si Jisoo eh." Sagot ko.
"Ahh ganun ba, sige salamat Jihoon." Ngumiti naman ako bago isara ang pinto.
"Jihoon sino yon?" Pagkatingin ko si Jisoo naka towel lang at wala ng ibang suot.
"Jisoo! Ano ka ba, magbihis ka nga!" Napa ngiti naman si Jisoo at lumapit sakin.
Juskoo ayoko ng mga ganito. Tinulak ko siya at sa hindi inaasahang pangyayari.
⊙▂⊙
NALAGLAG ANG TOWEL.
"AHHHHH!"
-
okay ang yaman ni soonyoung. -3-
YOU ARE READING
love chase ⇝ jicheol
Fanfiction❝what will change if the one you love gets tired of chasing you?❞ -bxb series #3. all rights reserved 2016.