jihoon's"Shabi ko shayo wag mo ko dadalin sha bhars." Ano ba tong si Seungcheol kung ano-ano pinagsasabi.
Atsaka hindi ako nagdala sakanya sa bar, siya ang may choice non, sumama lang ako.
Buhat-buhat ko siya ngayon at kasalukuyang nag aabang ng taxi dahil hindi pinapa carwash pa ni Seungcheol ang kotse niya.
Hay jusko makapag pasundo na nga lang kela Mingyu.
Kukunin ko na sana ang phone ko at sakto namang tumatawag si Minghao.
"Hello Ming-"
"Hello hyung! Wag ka muna uuwi please. Nag-aaway kasi si Baboy at si Wonu. Advise ko sainyo wag muna kayo umuwi ngayon kasi nahihirapan kaming patigilin ang dalawang to."
Ha?? Si Seungkwan at Wonwoo? Ano namang pinag-awayan ng dalawang to.
"Hindi pwede lasing si Ch-"
"Basta hyung seryoso ako wag muna kayo umuwi kundi maiinis ka lang sa ingay sa bahay! Sige ibababa ko na to dahil nagbabatuhan na ng kaldero ang dalawa dito. Bye!"
Bago pa ako makasagot ay binababa na ni Minghao ang tawag. Bastos to ah.
Pero kahit na, uuwi padin kami dahil mahihirapan akong bitbitin tong si Seungcheol.
Inupo ko muna siya sa upuan para kunin ang wallet niya pero.
DA HECK!? 250 PESOS LANG ANG LAMAN!?
Kinapa ko ang bulsa ko at sakto na may 50 pesos.
Kung mag tataxi kami baka abutin kami ng dalawang oras kakaantay. Gabi na din kasi at may curfew ang mga taxi dito.
Talk about being maarte na mga taxi. Psh.
Tumingin ako sa paligid ko at hindi ko masyado nagustuhan ang nakita nito.
"MOTEL 300 PESOS FOR ONE NIGHT!"
Tinignan ko si Seungcheol na mahimbing na natutulog at naramdaman ko ang sakit ng ulo ko dahil sa inunom kong alak kanina.
I guess wala akong choice.
Magmomotel na lang kami.
-
YOU ARE READING
love chase ⇝ jicheol
Fanfiction❝what will change if the one you love gets tired of chasing you?❞ -bxb series #3. all rights reserved 2016.