37;

890 41 14
                                    


jihoon's

Great. Sobrang swerte ko ngayon.

Bakit ba nahiwalay pa ako sakanila -_-

Hindi ko pa naman kabisado ang Daegu. Yung phone ko naman lowbat na.

May charging station kaya dito? Ang laki-laki pa naman ng mall at ang daming tao.

Makapag ikot na nga lang baka sakaling bigla ko sila makita. Im sure nagpapanic na si Jisoo.

Nakakita ako ng ice cream stall kaya bumili ako, kaysa mag-ikot ako ng walang pinaka-aabalahan, kakain na lang ako.

Nag ikot-ikot ako pero hindi ko padin sila makita.

Gaano na ba katagal na mag-isa lang ako? Wala pa naman ako masyadong dalang pera.

Pagabi na kaya ive decided na lumabas na lang ng mall. Baka makita nila ako dito sa labas, kaya umupo ako sa isang bench.

Sa hindi ko inaasahang mangyari, nakatulog pala ako. Pagka gising ko, gabi na at wala ng masyadong tao.

Kinakabahan na ako, wala pa din ba sila? Like, seriously hindi pa ba nila ako mahanap?

"Hoy bata, akin na yang damit mo. Mukhang bagay yan sakin." Sabi ng isang lalaking matanda na ang creepy tignan.

Natatakot na ako, ninanakawan ba niya ako?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka nantritrip lang toh pero hinawakan niya bigla kamay ko.

"Bingi ka ba? Sabi na't akin na yang damit mo! Mag hubad ka!" Sa takot ko tatakbo sana ako pero hindi ako makawala sa hawak niya.

Ang sakit at ang higpit. "Aba makulit ka ha!"

Umiiyak na ako dahil hindi ko na talaga alam gagawin ko, takot na takot na ako.

Hahampasin na niya ako kaya pumikit ako pero bigla kong naramdaman na nawala na ang hawak niya sakin.

Binukas ko ang mata ko at nakita kong nasa sahig na siya.

May humila naman sakin at tumakbo kami.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil malabo ang paningin ko sa mga iyak ko at gabi na.

Sa matagal na pagtakbo namin tumigil din siya.

Humarap siya sakin at niyakap niya ako. Teka? Sino ba to?

"Okay ka lang ba? Wag ka na umiyak! Alam mo bang alalang-alala kami sayo!" Nagulat ako sa nagsalita.

Pinunasan niya ang luha ko.

Bakit siya nandito??

"Seungcheol??"

-
bakit hindi si Jisoo!? haha JOKE. ♡

love chase ⇝ jicheolWhere stories live. Discover now