jihoon'sI breathed in. Eto na ang time.
Time na sabihin ko na lahat ng gusto ko sabihin dati pa.
At ang time para tapusin na ang lahat.
"Ano ba gusto mo pag-usapan Jihoon? Bakit kailangan sa rooftop pa tayo." Tumingin ako sakanya habang naririnig ko ang simoy ng hangin. Its already night and ang ganda ng view dito.
"Simulan natin sa noong ikaw yung nagmamahal at ako yung hindi kayang maibalik ang pagmamahal mo." Nagulat siya sa sinabi ko at umupo sa tabi ko.
"Cheol, alam kong nasaktan kita ng sobra noon, at sobra akong nagsosorry sayo. Hindi ko maibalik ang pagmamahal mo noon dahil natatakot ako. Natatakot ako na kapag minahal din kita, magsasawa ka din sa akin. Maybe ang over ko, pero ganun lang talaga ako mag-isip Cheol." Nararamdaman ko na nakikinig lang siya sa akin.
"At sa time naman na ako lang yung nagmamahal at ikaw na yung hindi kayang maibalik ang pagmamahal ko. Cheol, naiintindihan ko naman bakit hindi mo magawang mahalin ako pabalik eh, kasi nga nasaktan kita. And for the second time, im really really sorry. Na realize ko kung gaano kahirap at kasakit ang napagdaan mo noon. Yung pinagtatabuyan kita dati, yung hindi kita pinapansin o sineseryoso, ngayon alam ko na gaano kasakit yun. Cheol, I know na masaya ka ngayon kasama si Jeonghan hyung." I took a deep breathe bago simulan ang susunod kong mga sasabihin.
"Ngayon, alam kong alam mo na masaya na ako kasama si Jisoo. Cheol, mahal kita oo. Pero ngayon, may mahal na akong iba. Sinasabi ko lahat sayo to dahil gusto kong bumalik na talaga tayo sa dati, yung dongsaeng mo lang ako. Yung hindi mo pa ako minamahal noon, diba ang close natin? Gusto ko ibalik yun. Kaya wag mo na guluhin buhay ko, ayoko na Cheol. Mahal ako ni Jisoo at mahal ko siya. You have Jeonghan hyung now, kaya wag mo sasabihin sa akin na sana hindi mo ginawa sa akin yun, akala mo ba hindi ko narinig nung nasa park tayo? Narinig ko siya, rinig na rinig ng tenga at puso ko. Kaya Cheol, tama na. Tapusin na natin to. Let's just--"
Hindi ko natuloy ang mga huling salita na sasabihin ko sakanya.
Naramdaman ko na lang ang labi niya na nasa labi ko.
Naramdaman ko din niya yung tulo ng luha niya na sumasabay sa tulo ng luha ko.
Bumitaw ako sa halik at nakita ko ang mukha niya na umiiyak na parang batang nawalan ng paborito niyang laruan.
"Jihoon..wag please. Ayokong mawala ka sakin, kumapit ka pa. Gusto ko man pero kailangan ako ni Han. Hindi naman talaga kami Jihoon, matagal na kaming break ni Han, kasi alam mo bakit??" Umiling ako habang nakatingin sakanya.
"Kasi hindi kita makalimutan. Ikaw padin ang laman ng puso ko hanggang ngayon, nasa tabi ako ni Han dahil kailangan niya ng tao sa tabi niya lalo na't may sakit siya ngayon. Kaya please Jihoon, wag mo ako iwanan...kumapit ka lang..kasi ako alam mo?? Matagal na akong kumakapit sa mga salitang.." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi sa mga sinasabi niya but I can see through his face na genuine ito.
"Si Jihoon lang ang mahal ko at wala ng iba..Jihoon, I love you.."
Pinunasan niya ang luha ko at tumingin ako sakanya.
Jisoo, Im sorry I can't keep up with my words.
Parang kahapon lang sinabi ko na mamahalin kita, na ikaw lang ang titignan ko at papahalagahan ko. Im sorry, Jisoo..
Cheol, ganun ba kita kamahal to the point na kaya kong magtaksil??
I mean, bakit ganito ang mga tao?? Sasabihin nilang naka move-on na sila at hahanap ng bago pero as soon as may nangyari sakanila between sa taong nakasakit kanila kahit maliit na bagay man ito, babalik at babalik sila sa taong yun.
As we looked at each other, nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin.
For the second time, we kissed.
And for the second time, I have sinned against Jisoo.
"I love you too Cheol. I still damn love you so much."
-
okay baket ka ganyan uji?
YOU ARE READING
love chase ⇝ jicheol
Fanfiction❝what will change if the one you love gets tired of chasing you?❞ -bxb series #3. all rights reserved 2016.