38;

882 41 19
                                    


jihoon's

"So, bakit ka ba nandito?" Tanong ko habang inaabot niya sa akin ang isang bote ng kape.

Nandito kami sa isang park na hindi ko alam at nakaupo sa bench.

Tinext na namin sila Soonyoung hyung at pupuntahan na lang daw nila kami.

"Hinahanap ka namin Jihoon, alam mo bang alalalang-alala kami sayo?" Sagot niya habang binbuksan ang bote ng kanyang kape.

"Alam niyo din bang ang tagal ko kayo inaantay na mahanap ako?"

"Pero nahanap naman kita diba?" Ngiti niyang sinabi habang nakatingin sa akin.

"Baliw ka hyung! Pero salamat." Ngiti ko ding sinabi.

Sa totoo niyan, ang awkward. Ngayon na lang kasi ulit kami naging magkasama na kaming dalawa lang.

Simula nung nangyari dati.. Pero nakalimutan na namin yun.

"Ahh Jihoon kamusta naman kayo ni Jisoo?" Bigla niyang tanong.

"Okay lang kami hyung, masaya naman kami."

"Nag-aaway ba kayo?"

"Actually ni isang beses hindi kami nag-aaway. Lagi niya akong iniintindi. Lahat ng gusto ko susundin at ibibigay niya. Minsan nga nahihiya na ako sakanya, gusto ko siya naman ang intindihin ko. Pero ang bait niya masyado.."

Sa wakas may napag sabihan na ako ng nararamdaman ko about sa relasyon namin ni Jisoo.

"Ahh ganun ba.." Bigla naman napatahimik si hyung.

"Kayo?" Tumingin siya sa akin na nagtataka.

"I mean, kayo ni Jeonghan hyung, kamusta naman kayong dalawa?" Tumingin muna siya sa akin atsaka ngumiti.

Pero may napansin ako sa ngiti niya.

Para bang...

pilit??

"Okay naman kami..." Yun lang?

"Ahh ganun ba. Haha." Sagot ko na lang para hindi awkward.

Siguro nag-aaway sila ngayon kaya ganun yung sagot niya o baka naman may problema o hindi pagkakaintindihan.

"Sana pala hindi ko ginawa sayo yun dati..."

Biglang umulan ng malakas kaya naman tumakbo kami papunta sa isang shed para hindi kami mabasa.

"Ah hyung may sinasabi ka ba kanina?" Tanong ko. Atsaka nilapag ang bote ng kape kong ubos na.

Ngumiti nanaman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Masaya lang ako. Kasi masaya siya."

"Ang gulo mo hyung! Syempre masaya si Jeonghan hyung kasi kasama ka niya!" Pabiro kong sinabi.

"Makikita ba tayo nila Soonyoung dito? Itext mo hyung na baka hanapin tayo sa park."

"Natext ko na." Sagot niya habang binabalik ang phone sa bulsa niya.

"Hyung alam mo ba namiss kong kausapin ka. Alam kong awkward tayo pero gusto ko sana mabalik yung dati nating relasyon. Isang matalik na magkaibigan."

Pagkatingin ko kay hyung ang lungkot ng ekspresyon niya.

Hinawakan niya ang mukha ko. Para bang paiyak na siya.

"Hyung??"

"Jihoon I--"

"Jihoon!" Nagulat ako dahil biglang sumigaw si Jisoo.

"Alam mo bang kinabahan ako ng sobra! Okay ka lang ba!? May nangyari ba sayong masama?" Nag-aala at hysterical na tanong ni Jisoo.

"Ano ka ba! Okay lang ako!" Niyakap niya ako at nakita ko naman na kasunod niya ang Verkwan at si Soonyoung hyung.

Sumakay na kami sa sasakyan para makabalik ng villa nila Soonyoung hyung.

Napaka memorable naman ng araw na toh. Nawala ako sa mall at muntik na ako masaktan dahil sa hindi ko kilalang tao.

Pero ang isang hindi ko makakalimutan ay ang kanina.

Anong ibig sabihin niya na sana hindi niya ginawa sa akin yun?

Narinig ko naman talaga. Pero natatakot akong itanong kung bakit.

Kasi masaya na kami ngayon at ayoko na ng gulo.

-

love chase ⇝ jicheolWhere stories live. Discover now