jihoon'sNandito kaming dalawa ni Jisoo sa usual dating place namin.
Sa park, malapit sa dorm. Pag dating ko nandoon na agad siya, nakaupo at halata ko sa mga mata niya na sumalubong sa akin na umiyak siya dahil namamaga ang mga ito.
Naramdaman ko ang sakit sa puso ko dahil nagawa ko to sa taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin lang naman ako.
"Jihoon...tell me please. Bakit ka nagsosorry last time? May ginawa ka bang hindi ko nagustuhan? Ill forgive you now, kaya wag ka na magsorry."
He held my hand at ramdam ko ang kaba niya dahil ang lamig nito.
"Jisoo, im really really sorry. Sobrang laking kasalanan ang nagawa ko sayo, kung hindi mo man ako mapapatawad naiintindihan ko. I wanted to say as soon as possible dahil ayoko na mas masaktan ka. Cheol, he..."
Hinigpitan sa akin ni Jisoo ang hawak niya sa kamay ko. "Naniniwala ako sayo Jihoon. Kung ano man ang sasabihin mo ngayon, alam kong may dahilan ka. Diba nga sabi mo, I should trust you?"
Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata niya.
"Jisoo im really sorry, I still love Cheol and he feels the same. Mahal namin at ang isa't-isa. Alam kong ang sama ko dahil nagawa ko sayo to. Jisoo-"
Sa hindi ko inaasahang mangyayari, sinampal ako ng malakas ni Jisoo.
His eyes turned bloody red. Hinila niya ang buhok ko, what happened to him???
Nakakatakot ang mukha niya, ganun ba siya kagalit????
"Jisoo im sorry pero wag sa ganitong paraan-- agh!!"
Hinila niya ako ng malakas at hinarap ang mukha ko sa mukha niya.
"MAKINIG KANG MABUTI LEE JIHOON. HINDI AKO NAGSAYANG NG ORAS PARA LANG BUMALIK KA KAY SEUNGCHEOL NA PARA BANG WALA LANG! LAHAT NA LANG BA AAGAWIN NIYA SA AKIN!? SI JEONGHAN TAPOS NGAYON IKAW!?? JIHOON, HINDI KA PWEDE BUMALIK SAKANYA, AKIN KA LANG!!" Naiiyak ako dahil nakakatakot siya. Ang bilis magbago ng mood niya.
Hindi ko alam pero ang layo ng Jisoo ngayon sa usual Jisoo, ang mabait, mapagmahal at gentle na Jisoo.
"AKIN KA LANG! KAYA HINDI KA PWEDE BUMALIK SA DORM NA PARA BANG WALA LANG NANGYARI! TANDAAN MO JIHOON, AKIN KA AT HINDI KA PWEDE KAY SEUNGCHEOL!! NAIINTINDIHAN MO BA!?"
Hinila niya ulit ako at ipinasok sa sasakyan niya.
Sinubukan ko tumakas pero natatakot ako dahil wala ng tao sa kalsada ng ganitong oras.
Sinimulan niya ang sasakyan at tumingin sa akin.
"Ji-jihoon?? Bakit ka umiiyak!? Teka, sino may gawa sayo nito?? Bakit may sugat ka sa mukha at ang pula ng kamay mo!!"
Nababaliw na ba siya!? Siya ang may gawa nito!?
"Ikaw!! Ikaw ang may gawa nito, baliw ka na!!"
Nagulat si Jisoo sa ginawa ko at pinatay muli ang sasakyan."Ji-jihoon im sorry. Im sorry, hindi ko alam ang ginagawa ko, look, uwi na tayo okay??"
"No! Ayoko! Si Seungcheol ang gusto kong kasama at hindi ikaw! Nababaliw ka na!!"
Hinila niya muli ang buhok ko at this time tinali niya ang kamay ko."Sinubukan kong pagbigyan ka pero sa tingin ko hindi mo na kailangan yon. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo."
Sinimulan muli niya ang sasakyan at hindi ko alam saan kami pupunta.
"Alam mo Jihoon, may hindi pa ako nasasabi sayo. Actually may sakit din ako, isa din to sa dahilan kung bakit kami nagbreak ni Han."
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Pagkabaliw, yun ang sakit ko."
-
hiii
YOU ARE READING
love chase ⇝ jicheol
Fanfiction❝what will change if the one you love gets tired of chasing you?❞ -bxb series #3. all rights reserved 2016.