Chapter Sixteen.

2.1K 104 6
                                    

Zhiana's POV.

*next morning*

Pagkapasok ko ng gate.Walang bumati sakin ng 'goodmorning babe' .Walang lalaking sumalubong saakin.Wala ni anino ni Louie.

*sigh* Napasobra nga ata ako.

Naglakad na ako sa hallway at deritso ng room.

Pagkapasok ko ng room ay agad ko siyang nakita.Napatigil siya sa usapan nilang magbabarkada at napatingin saakin pero nawala ang ngiti sa labi niya.

May kung anong sinabi sa mga barkada niya at tumayo.Naglakad siya...palapit saakin?Lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Sasalubungin ko na din sana siya para kausapin pero...nilampasan niya ako at diretso siyang lumabas.

Nakasimangot akong naglakad papunta sa upuan ko.Dumating si Julia at umupo sa tabi ko.

"Goodmorning,di mo nanaman ako hinintay"sabi niya at nagpout.

"Ang daya mo,iniwanan mo lang ako ng pagkain pero di mo ako ginising"-Julia.

Paano ba ako magsosorry kay Louie?Dapat ba talaga akong magsorry?Napasobra ba talaga ang sinabi ko?Arghhh!!

Sinabunutan ko ang sarili ko at binagsak ang ulo ko sa armchair.

"Hoy!Zhiana,kanina pa ho ako nagsasalita dito.Nakikinig ka ho ba?"sabi ni Julia habang nakaupo sa tabi ko.

Tinaas ko naman ang kanang kamay ko at nagthumbs-up ng di inaangat ang ulo ko.

***********

"Zhi,baka matunaw yan"bulong ni Julia.

Napalingon naman ako sa kanya at nangunot ang noo.

"Duh!Kanina pa kita napapansing nakatitig kay Louie"sarcastic niya pagkasabi.

Nagkibit balikat na lang ako at binaling ang atensyon ko sa harap.

Pinilit kong makinig kahit na ang totoo eh,wala akong naiintindihan.

Arghhh!!Di ko kayang makinig.Sumasakit lang ulo ko.Tinignan ko ulit si Louie na ngayon ay tahimik na nakikinig sa prof namin.

Louie.Louie.Louie.Puro na lang Louie.Tsk!

"Ms.Buenavista!"

"Ai Kalbo ka!"nasabi ko ng biglang sumigaw ang Prof namin.Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa nasabi ko.

Ehhh.Kasi,kalbo naman kasi yung prof namin>_<

"Quiet!You!Out!"sigaw ng prof namin.

"S-sir pero..."

"I said OUT!!"nanggagalaiti niyang sigaw ulit.

Pshh!Palibhasa matandang binata.

Padabog kong kinuha ang bag ko at lumabas sa room.

Louie's POV.

"Dude,tignan mo si Zhiana,kanina pa nakatitig sayo"bulong ni Harry.

"I know"pagmamayabang na sang-ayon ko sa kanya.

Kanina ko pa napapansin.Sa tuwing napapatingin ako sa likod agad siyang umiiwas.

"Ehem!"silang tatlo yan.Kunwari naubo tapos biglang binaling ang atensyon sa harap.

Umiling na lang ako at kunwaring nakikinig.

"Ms.Buenavista!"-prof

"Ai Kalbo ka!"-Zhiana.

Natawa ako pati na rin ang mga kaklase namin dahil sa sinabi niya.

"Quiet!You!Out!"sabi ni prof habang dinuduro si Zhiana.

"S-sir pero..."

"I said OUT!!"sigaw ni sir na umalingaw-ngaw sa room.

Natahimik ang lahat at padabog na tumayo si Zhiana at lumabas.

Tsk!Tinaas ko ang kamay ko para magpaalam lumabas.

"Sir,may I go out?"tanong ko sa kanya.

Tinignan naman niya ako ng masakit at sumagot.

"No!Stay here!"sabi niya at nagdiscuss na lang ulit.

Zhiana's POV.

Pagkatapos akong palabasin ni prof kanina dumiretso ako dito sa rooftop.

*inhale* Fresh air.Ang sarap sa pakiramdam.

Nagheadset ako at pinikit ang mata ko habang nakaupo sa may harang(kapa-kapa) nitong rooftop.

Ramdam ko ang mga hangin na dumadampi sa mukha ko.

Di ko alam kung gaano na ako katagal dito.Nakapikit parin ako at dinadamdam ang kanta mula sa phone ko hanggang sa matapos ito.

"Di kapa ba papasok sa next subject?"

Nabigla ako ng may biglang magsalita malapit saakin dahilan kaya muntik na akong mahulog pero buti na lang may humawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa kababagsakan ko at nakitang ang taas kaya agad akong umalis sa kinauupuan ko kanina nang biglang matumba ako at bumagsak sa sahig.

O.O!Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

Si Louie na napahiga sa sahig habang nakaibabaw ako sa kanya.

Sobrang lapit namin sa isa't isa.Yung tibok ng puso niya,nararamdaman ko.

*gulp*Napalunok ako at natauhan sa posisyon namin kaya agad akong umalis sa pagkakaibabaw sa kanya.

"S-sorry"sabi ko at yumuko.

Kita ko naman ang pagtango nya at tumalikod,bago niya buksan ang pinto ay nagsalita siya.

"Bumaba kana ,next subject na"cold na pagkakasabi niya at tuluyan ng umalis.

***************

Free to Vote and Comment.

(iamBoyish_03).

Ms.Man Hater meets Mr.PlayboyWhere stories live. Discover now