*Saturday Morning*
Pumunta ako ng mall at dumiretso ng foodcourt.
8:30 am na.Sinadya kong magpalate dahil ayaw na ayaw ko ang maghintay.
Sumakay ako ng elevator papunta ng 3rd floor.Nang makarating na ako sa 3rd floor agad akong naglakad papunta ng foodcourt.Habang naglalakad ako tanaw ko na mula dito ang mga tao sa foodcourt.Amoy din dito ang mga pagkaing niluluto nila.
Bigla naman akong nagutom dahil di ako nag almusal sa bahay.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong court pero wala ni anino ni Louie.Naglakad pa ako ng unti at tinignan ang bawat lamesa kung may Louie bang naghihintay pero wala.Susuko na sana ako sa paghahanap ng may biglang magsalita sa likuran ko.
"You're 44 minutes and 26 seconds late"
Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Louie na nakapamulsa wearing Plain White V-Neck shirt at Black pants with his so poker face.
Ang hot niya tignan....What?Hot?Scratch that..Ang pangit niya tignan-_-.
"Okay?"nasabi ko na lang.Ano bang dapat kong sabihin?Hi?Hello?Kamusta?Goodmorning?Tsss!
"Tsk!Nevermind"sabi niya at tumalikod at naglakad.
Aba!So iiwan niya ako dito ganun?
Dahil sa para akong timang sa gitna ng foodcourt,naglakad na lang din ako at sumunod sa kanya.
Muntik ko ng mabunggo ang likod niya ng bigla siyang tumigil.Buti na lang aware ako ngayon.
"Kain muna tayo"sabi niya at pumasok sa isang kainan dito sa mall.
Dahil nga sa di ako nagbreakfast sa bahay,sumunod na lang ako sa kanya at nagorder ng pagkain ko.
"Ahm!Miss,isa dito..tapos ito...at ito pa then ito oh tapos sa drinks...okay na sakin ang tubig then isang ice cream na lang tapos may cupcake kayo?Kung meron,tatlo na lang"order ko.Anggaling dito ahh...parang restaurant ang dating...Abot ang papel turo sa server tapos deliver then booo.Nasa harap na ang pagkain.
"Miss,Pork Stake is enough"sabi ni Louie dun sa babae at iniabot yung Menu sabay ngiti sa babae.At yung babae naman kung makangiti kala mo kung ano na ee.
"Excuse me miss,matagal pa ba order ko?"singit ko dun sa dalawa.Napatingin naman ng masama saakin yung babae pero agad naman na siyang umalis.
Habang hinihintay ang order namin nilabas ko muna ang phone ko at sinaksak sa tainga ko ang earphone.Habang pumipili ako ng kanta biglang hinarang ni Louie ang phone niya sa phone ko.
"Oo alam ko,mas malaki yang phone mo.Tsss!"sabi ko at tuloy ulit sa pagpili ng song.
Habang nag-i-scroll ako,hinarang niya ulit ang phone niya sa phone ko.
"Ma--"
"Bago ka magsalita jan tignan mo muna"sabi niya kaya tinignan ko ang phone niya."And?Ano gagawin ko sa phone mo?"sabi ko at kinuha ang phone niya.
"Try mong kainin..tsk!Ang tanga kasi"sabi niya ulit.
Aba!Lokong to aa.
"Oh really?"sabi ko in sarcastic way at nilapag ang phone niya ng padabog sa tabi niya.
Pagkadating ng pagkain,kumain na ako agad at inisip na wala si Louie sa harap ko.
Habang sarap na sarap ako sa pagkain napatigil ako at napatingin kay Louie.Nakatitig lang siya sakin ng seryoso.Walang expression sa mukha niya.Blangko.
"Problema mo?"tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya at tinuloy na lang din ang pagkain niya.
After 30 minutes lumabas na kami sa kainan at napagdesisyunan naming maglakad lakad muna para mabilis madigest ang pagkain sa tiyan namin.
"Oh"napalingon naman ako sa kanya at tinignan ang inaabot niya saakin.
Phone?Nanaman?Aanhin ko ba ang phone niya?
"Gagawin ko jan?"Tanong ko sa kanya.
"Ilalapag mo siguro sa sahig-_-"sabi niya ulit in a sarcastic way.
Okay!Kinuha ko ang phone niya at nilapag ito sa sahig.Nilagpasan ko siya at naunang naglakad at pinabayaan ko ang phone niya sa sahig.
Ilapag daw ee.
Louie's POV.
Pagkatapos niyang nilapag ang phone ko sa sahig ay iniwan niya ako at nauna ng naglakad.Pinulot ko naman ang phone ko at sumunod na lang sa kanya.
Tsk!Zhiana..Zhiana.Tsk!Tsk!
Sinabayan ko siya sa paglalakad at nagsalita...
"So,let's talk about the feildtrip"pagsisimula ko.
"What about that?"tanong niya.
"5am ang arrival so dapat 4-4:30 nasa school na tayo"sabi ko.
"And ayaw na ayaw ko ang nalilate"dagdag ko pa.
"Ayaw na ayaw ko din ang naghihintay"sabi niya din at umirap.
Maldita talaga tong babaeng to.
"So rule number one is get his/her contact number"sabi ko sa kanya.
Pagkasabi ko nun ay iniabot ko ulit ang phone ko sa kanya sa tatlong pagkakataon.
"Kung sinabi mo na sana kanina pa diba,di tapos na sana"sarcastic niyang sabi at hinablot ang phone at sinave niya ang number niya.
"Pakilala ka na lang kung magtetext ka"dagdag pa niya.
Magmemenopause na ba ang babaeng to?Sobrang maldita ee.
Nagtuloy tuloy lang ako sa pageexplain sa kanya at nakikinig lang naman siya.
May mga ilan na sumasagot siya pero agad naman siyang tumitigil pagkatinitignan ko siya.
"Teka nga,ba't ba ikaw ang nasusunod?"sabi niya ulit.
Tinignan ko siya ng masama at agad naman siyang tumigil.At pinagpatuloy ang pageexplain at pagsasabi sa kanya ng mga dapat niyang gawin.Espicially sa oras.
Nang matapos na akong magsalita hinayaan ko naman na siya ang magsalita.
Hanggang sa nagpaalam na siya para umuwi.
"Uwi na ako"sabi niya at tumango lang ako.
"Monday.Be on time"sabi ko sa kanya at tumalikod na kami sa isa't isa.
****************
Read.Vote.Comment.
(iamBoyish_03).
YOU ARE READING
Ms.Man Hater meets Mr.Playboy
Teen FictionAno kaya ang mang-yayari kung ang ultimate man hater at ang campus Playboy ay nagkabangga? Maaapektuhan kaya ang buong school? O,magkakaroon ng World War lll? ********** hahahaha!kahit ako di ko alam mangyayari.