Chapter Twenty-Four.

1.7K 67 0
                                    


"Ang mga nakuha niyo sa unang activity ay may kinalaman sa susunod na activity...ang lahat ng flag na nakuha niyo ay may secret words sa gitna nito...ang mechanics ng games natin ay,susubo ng apat na putoseko ang player at sasabihin ang secret words habang puno ang bibig at huhulaan naman ito ng kanyang mga kagrupo"

Napatango na lang ako sa sinabi nung MC at isa isa na kaming pumunta sa bawat puwesto namin.

"Ganito...Andrea and Jack,you will be the first player and as usual,pindutin niyo ang mini bell at susunod naman sila Shina at Alex ganun din ang gagawin deretso kay Vivian and Jhon and Ara and Steve,followed by Louie and I"

Tumango naman sila at pinagpapatungan namin ang mga kamay namin at sumigaw ng....

"GO RED TEAM"

"Let's do this!...Nguyain niyo muna bago kayo sumubo ng isapa"

*********

"READY!....GO!"

"Go go"cheer ko sa dalawa.

Agad naman silang sumubo ng tigaapat na putoseko sa bibig at sabay na nagsalita.

"Bhsosnekdndgw"

"Hah?"medyo natawa ako nung magsalita sila kasi wala talaga kaming naintindihan.

"Bosssot!"(bedsheet)

Ehh?Seriously?Akala ko madali lang tong larong to pero?Tsk!

"Biscuit?"

Umiling yung dalawa at nagsalitan ulit.Medyo nabawasan na din ang nasa bibig nila..

"Bes-set"

"Biscuit?/Basket?/Bedsheet?/Headset?" Sabay sabay naman naming hula at tinuro ni Andrea sina Shina..

"BEDSHEET!"Sabay sabay naming sigaw at tumango naman ang dalawa at agad na pinatunog ang maliit na bell.

Sumunod sila Shina at Alex na mabilis na nagsubo at bumunot sa mga flag at sabay na nagsalita.

"Shwhdkwbsmk!!!!"

"Huh?"sabay sabay kaming napakunot ng noo.

"Sheeeerrrrr!"sigaw ulit nila.

"Share?"umiling sila sa sinabi ni Steve.

"Fair?Care?"sunod namang sabi ni Jhon.

Umiling ulit sila.natunaw na ang putoseko sa bibig nila.

"Stair!"sabi nila.

Malinaw na naming narinig ang sinigaw nila dahil sa tunaw na ang nasa bibig nila.

Sunod sunod na kaming sumalang hanggang sa matapos na.

**********

"Hoooh!Kapagod!"napabuntong hininga na lang ako.

"It's already 9 am,di pa tayo nagbreakfast"naka busangot namang sabi ni Klang.

Kakatapos lang ng activity at nandito kami ngayon sa session hall.

"Basta pagkain noh?"sarcastic na pagkakasabi ni Julia.

"Eh sa gutom na ako ee"nakabusangot parin si Klang.

Tahimik lang kami nina Louie,Ian at yung partner ni Klang si Peter habang pinapanood namin tong dalawang nagtatalo.

Natahimik sila ng magsalita na ang MC sa harap at pinapunta kami sa dining area.

"Ito na yung hinihintay mo"bulong ko kay Klang.

"Yeah!Sa wakas!"masiglang sabi  niya.

Napansin naming bawat table ang iba iba ang kulay so umupo kami sa pulang upuan at sa pulang lamesa na may mga nakahain ng pagkain.

"Waaahhhhh!!!Foods^_^"naeexcite na sabi ni Julia.

"Yeahh mas lalo akong nagutom"sabi ko at hinaplos ang  tiyan ko.

"Tara na"aya ni Louie at nagpaalam na kami kila Julia,Klang,Ian at si Peter.

Umupo na kami kasama ang mga kagrupo ko.Pagkatapos ng pray nagumpisa na kaming kumain.

Egg,Chapsoy,Banana and fried rice.

Habang kumakain tinatabi ko sa gilid ng plato ko yung mga di ko kinakain.Yung puti ng itlog at carrots.

Magsusubo na sana ako nang makita ko sa peripheral vission ko si Louie.

Napansin niya aatang nakatigin ako sa plato niya kaya nagsalita siya.

"Bakit?"tanong niya at tumingin sa plato niya at tumingin ulit sakin.

Napatingin din siya sa plato ko at nagkatinginan kaming dalawa.

Tinabi niya sa plato ko ang plato niya at kinuha ang mga nasa gilid nito.Yung puti ng itlog at carrots.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kanya.

"Palit tayo"sabi niya.Nang matapos na niyang kunin yung mga tinabi ko sa plato ko ay nilagay naman niya sa plato ko ang mga nasa gilid ng plato niya.

"Ayaw mo ng carrots gusto ko ng carrots.Ayaw mo ng puti ng itlog,ayaw ko sa yellow"paliwanag niya.

"Ahhhhh"sabi ko na lang at kumain na lang ulit.

*burrrp*

"Opppss!Sorry"sabi ko at napatakip sa bibig ng bigla akong dumighay.

"Hahaha ang lakas a"tawa naman ni Louie.

Naglalakad lakad kami ngayon.Nililibot namin tong kabuuan ng lugar.

Nagkibit balikat na lang ako at pinigilang tumawa.

"Wait lang"sabi niya kaya napatigil ako.

"Parang gusto din ng puwet ko dumighay"natatawang sabi niya.

"Pffffffft!!!Hahahaha ilabas mo na yan!"tawa ko.

Zian's POV.

"Ahhhh Ijo!Ito na yung kape mo"sabi ni manang.

"Palagay na lang po jan Nay"sagot ko sa kanya.

Si manang,siya yung yaya ni Zhiana na nagalaga din sakin nung bata.

Napansin ko namang hindi pa umaalis si manang kaya sinara ko ang laptop ko at tumingin sa kanya.

"May problema po ba nay?"mahinahong tanong ko sa kanya.

"Ahh..gusto ko lang itanong..."

"Ano po yun nay"tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga papel na nakakalat sa table ko.

"Kamusta yung paghahanap mo kay Zhiana?"napatigil ako sa tanong niya at tila ba may tinik na nakabaon sa dibdib ko.

Zhiana~

"Ahh,di ko pa po siya nahanap ee"malamig kong sagot kay manang.

Rinig kong napabuntong hininga si manang at muling nagsalita.

"Ahh sige,maiwan na muna kita,sabihan mo lang ako sa baba pag may kailangan ka"malungkot na sabi niya.

Tumalikod na si manang at palabas na ng kwarto ko.

"Ibabalik ko po siya"sabi ko sa kanya.

Tango lang ang sagot ni manang at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko.

************

Read.Vote.Comment.

(iamBoyish_03).

Ms.Man Hater meets Mr.PlayboyWhere stories live. Discover now