HANGGANG nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Lea Carmen Imutan na kasintahan niya si Aga Mulach. Isa itong campus figure sa University na pinapasukan niya. Gwapo, matalino, matipuno , Hot, at maraming magagandang babae ang nagkakandarapa rito at Mayaman ang pamilya nito. Sa katunayan nga Governor Ang ama nito sa Probinsya ng Quezon.
Tinitigan niya ang sarili niyang reflection sa salamin. Marami ang nagsabing maganda siya. Tila raw sya ay manika. Sanay na siyang napupuri ng mga tao dahil sa angkin niyang kagandahan.
Ngunit alam niyang kung ganda rin lang ang pag uusapan ay maraming magagandang babaeng kilala at makikilala ang isang paris ni Aga. Mga babaeng katulad din nito na mayayaman ang estado ng kabuhayan. Pero sa kabila non ay siya ang napili nitong mahalin.
Napangiti siya nang maalala ang una nilang pagtatagpo. She was a President of an organization na nakikipaglaban sa pagtaas ng tuition fee. And also she became a President of Student Council Sa Universiting pinapasukan nila.
Nagkasagutan sila, nagbangayan at nagpalitan ng maaanghang na mga salita. Hindi niya alam kung paano iyon nauwi sa pagiging magkaibigan nila.
Hanggang sa masumpungan na lamang nila ang kanilang mga sariling umiibig sa isa't isa. Doon nagsimula ang pinakamaligayang araw ng buhay niya.
Bumuntong-hininga siya. Ipinagpatuloy niya ang pagsusuklay sa mahaba niyang buhok."Hoy, Lei, hindi ka pa ba tapos dyan? Baka mahirapan na nman tayong makipag-agawan sa jeep. Bilisan mo na riyan!" Narinig niyang sigaw ng kanyang amang si Mang Feliciano. Isa itong janitor sa University sa pinapasukan niya. Ito ang dahilan kaya lahat silang magkakapatid ay scholar sa university na iyon.
"Nandiyan na po!" Nagmamadaling dinampot ang kanyang bag at lumabas sa silid. Nagmano siya sa kanyang inang si Aling Ligaya. "Nay, aalis na po kami. Maglalaba po ba kayo ngayon?".
"Hindi na muna, Anak' may sinat kasi si Gerard", mahinang tugon ng knayng ina habng nagtitimpla ng gatas Para sa kapatid niya.
"'Eto nga po pala'ng pamelengke". Inabutan niya ito nang tatlong daan. "Nakuha ko na po yong allowance ko ".
"Pati perang bigay ng university sa iyo ay nagagastos natin. Hayaan mo't nakapag-advance ako kay Mrs. Agoncillo ay babayaran ko ito sa iyo".
"Sus, para yon lang po. Sige po. Aalis na po kami', muling paalam niya rito at saka nagmamadaling lumabas ng bahay..@maybulasa
Plsss. Follow thank you .
Thank you din sa time sa pagbasa ng story ko . hehe ..
YOU ARE READING
Kung Makita Kang Muli
FanficThis is my first story .. This is my first time to write a story .. Plss. Support my story .like and comment kung magostogan nyu.. . And follow me