Chapter Five

224 8 0
                                    


WARING sintagal ng eternidad na magkalapat ang mga labi nina Aga At Lea. Ramdam na ramdam ni Lea ang init ng pagmamahal nito. Niyakap siya rito nang mahigpit. Parang siyang mababaliw na hindi niya maintindihan ang  nararamdaman nya. Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong lumulukob sa kanya tuwing hahalikan siya nito. Kung maari nga lamang na huwag na silang maghiwalay nito. Kung pwede nga lamang na palagi na lamang silang ganoon.
"Ate..."
Awtomatiko silang naghiwalay ni Aga sa paghahalikan. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Alam niyang muntikan na silang makalimot. Kung Hindi pa niya narinig ang pagtawag ng kanyang kapatid, baka tuluyan na silang nawala sa kanilang mga sarili.
Nag-iinit ang mga magkabilang pisnging bumaba si Lea sa kotse ni Aga. "Halika, pasok ka muna", yaya niya ritong kagaya niya ay namumula rin ang mukha. Sabay silang tumawa. Binitbit nito ang cake na binili nito sa Goldilocks. Palagi itong may dalang pasalubong para sa mga kapatid niya kya Naman excited ang mga ito tuwing dumadalaw ito sa knya.
"Masarap ba, ha?" Nakatawang tanong ni Aga kay gegard  habang pinanonood itong kumakain ng cake.
"Masarap ba, ha?" Ulit ni gerard sa tanong nito. Bunsong kapatid ito ni Lea. Ang sabi ng doktor sa kanila ay may early infantile autism daw ito. Bagaman nakakapagsalita Ito, para namn itong robot kung magsalita. Sa halip na mag-responce sa tanong ay inuulit lamang nito ang tanong bilang pagsasabi ng "Oo' o "hindi". Wala itong paboritong gawin kundi ang paulit-ulit na humiging ng "Bakit Labis kitang Mahal" ni Lea Salonga na Broadway Diva. Ang sabi ng doktor, talga raw na may musical talent ang mga taong may ganoong karamdaman. Bukod sa autistic ay asthmatic din ito kaya madalas itong naoospital.
Nang malaman ng kanyang ama ang tungkol sa sakit ni Gerard, halos gabi-gabi itong naglalasing. Hindi nito matanggap na nagkaroon ito ng isang anak na kagaya ni Gerard. Ngunit nang lumaon ay natanggap din nito ang kalagayan ng kanilang bunso. Si Gerard ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsisikap si Lea sa pag-aaral. Gusto niya itong ipasok sa isang special school.
Ngumiti siya. "Baka nman hindi na kayo makakain ng hapunan dahil sa dami ng kinain ninyong cake, ha?"
"Ate, titirhan namin si Inay, ha? Wala tayong cake noong birthday ni Nanay kaya ngayon na lang siya magki-cake". Singit ni Boo. Nasa grade six ito at marami ang nagsasabing male version niya ito. Para daw silang pinagbiyak na bunga.
"Birthday ni Nanay? Bakit hindi mo sinabi sakin na----"
"Hindi pa kita boyfriend nun", nakangiting sabi ni Lea kay Aga.
"Ganoon ba. Akala ko'y ini-snub ninyo ako sa birthday ni Nanay, eh."
Napangiti siya. Isa sa mga dahilan kung bakit lalo itong napapamahal sa kanya ay dahil mahal na mahal nito ang mga taong mahal niya. Nararamdaman niyang wala iyong halong kaplastikan.
"Kuya Aga, Bukas, Ice Cream namn ang dalhin mo, ha?" Naglalambing na sinabi ni Boo rito.
"Aba, Boo, sobra na iyan ha", pinandilatan niya ito ng mga mata.
"Ice cream? Ikaw Gerard, gusto mo rin ba ng Ice Cream? Tanong nito ngunit parang walang narinig ang kapatid niya. Nakatitig ito sa radyo ng kanilang ama. Noon pa niya napapansing fascinated ito sa mga mechanical na bagay.
"Hayaan, mo't bukas ay bibili ako ng Ice Cream," sabi ni Aga.
Pumalakpak si Boo.
"Aga, huwag mong pamihasain ang mga kapatid ko," mahinang saway niya rito.
"Mga kapatid ko na rin sila, Lei," malabing na sabi nito sa kanya. "Gaya nga ng sinabi Ko, nang mahalin kita, minahal ko na rin ang mga taong nakapaligid sa iyo."
"Baka ma-spoil masyado ang mga iyan." Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong At natatawa. Napakasuwerte talaga niya rito.
Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay tumayo siya at niligpit ang kanilang mga pinagkainan. "Diyan muna kayo at magluluto ako ng hapunan natin. Babes, kumakain kaba ng pinakbet?" Tanong ni Lea.
"Siyempre namn!" Masiglang sabi nito. "Bakit marunong ka bang magluto n'on?"
"Medyo."
"Medyo? Alam mo bang expert ako sa pagluluto ng Pinakbet? Kung gusto mo'y ako na lang ang magluluto para naman matikman ninyo ang luto ko. I guarantee you, kapag natikaman mo iyon, sasabihin mo sa sarili mong, 'aba, itong boyfriend kong ubod ng guwapo ay hindi lang pala guwapo, napaka-talented pa. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa!"' Pabirong sabi nito.
"Hus, yabang mo!" Kinurot niya ito sa tagiliran.
..

@MayBulasa
Thank you sa nag vote..
.plss vote and share my story po .. Pra nman makarami ng readers ..
I promise na pag Hindi ako bz I will update agad ..
Thank you

Follow me @MayBulasa

Kung Makita Kang MuliWhere stories live. Discover now