Chapter Fifteen

131 2 0
                                    


Naka uwi si Lea sa bahay nila na punong puno ng kasihayahan sa kanyang puso.
Galak ang puso niyang pumasok sa bahay nila, naka ngiting binati niya ang kanyang Inay.

"Magandang Gabi Inay' "napaka laking ngiting bati niya rito.

" Hmmp, anak Anong meron? Ha, bakit ganyan mga ngiti mo at parang masayng masaya ka." Tanong ng kanyang inay.

"Wala Nay',. Maganda lng talaga ang buong araw ko ngayon, dahil nakalabas na ng hospital si Bunso." Pinisil niya ang pisngi ni Gerard, na kakalabas lng sa hospital, dahil ky Aga kaya Mabilis syang nagamot.

Binalingan niya ang kapatid niya. "Oh ano, Gerard, Ok naba pakiramdam mo ha?" Malambing na tanong nito sa kapatid nya.

Tumango lng si Gerard bilang tugon.

"Ikaw anak ha' parang may tinatago ka sakin" sabi ni Aling Ligaya.

"Nay' namn, wla ho' , kung meron man ikaw ang unang unang makaka alam nito." Paglalambing nito sa kanyang inay. "Maganda lng ho' talaga ang araw ko." Nakangiting sabi niya rito at isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Aling Ligaya.

"Sige, Nay' magbibihis muna ako"

Pumasok siya ng kwarto at nag ayos ng kanyang sarili.

Nakahiga siya sa kanyang kama ng paulit-ulit niyang binabasa ang love letter na binigay sa kanya ni Aga. Biglang pumasok si Maria at dumapa sa kama at tumabi sa kanya.
Naka ngiti itong tumingin sa kanya.

"Ano to? Ate ha ?" Bigla nyang inagaw ang ang love letter.
"Love letter? Talaga lang ha?, ang sweet naman." Natatawang sabi ni Maria nang mabasa niya ito.

"Akin na nga yan' " kinuha ulit ito ni Lea. Sobra syang kinikilig at binasa niya ulit ito.

"Hindi ka na ba matatapos diyan ha, ate? Paulit-ulit mo nang binabasa iyan ah. Kanina pa nga lang kayu mag kasama ni kuya Aga, Hindi ka ba nag sasawa? Ganyan ba talaga ang mga taong in love?."

"Siguro!" naka ngiting sabi niya rito at agad tumayo sa pagkakahiga.

"Parehas na kayu nang best friend kong si Kim, 'ayun Baliw na Baliw ky jay ar, wala ng bukambibig kundi jay ar, jay ar, mukha na siyang lukaret sa kaka jay ar niya. Kung minsan nga parang gusto ko na siyang iuntog sa pader dahil naririndi na ako sa kababanggit niya sa pangalan ng lalaking iyon. Simula nang makilala niya si jay ar ay parang ito na nlng ang kilala niyang tao sa mundo. Nakakabaliw ba talaga ang pag-ibig, ha ate?"

"Kunwari ka pa!" Pinandilatan niya ito. "Para namang Hindi ko alam na nagka-boyfriend ka na!" Sabi ni Lea.

"Hindi namn seryoso iyong sa amin ni Jerome ate' subok lang". Tumihaya ito. "Kahit naman kailan, Hindi ako na-inlove sa lalaking iyon. Masaya siyang kasama pero nakakasawa rin."

"Kapag natagpuan mo na ang lalaking mamahalin mo, maiintindihan mo na rin ako."

"Siguro." Nagkibit balikat ito. Pagkuwan ay nagpikit ng mga mata.

"Matulog na nga tayo." Sabi nito.

Tumayo siya at isiningit sa libro ang love letter na bigay ni Aga. Pinatay niya ang ilaw at humiga. Maaga pa siyang papasok sa skwelahan bukas.

:) :) to be continue.......

Kung Makita Kang MuliWhere stories live. Discover now