NAPAKAPIT nang mahigpit si Lea sa braso ni Aga nang makita ang gayak ng mga dumalo sa pagtitipon. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang basahan kung ikokompara sa mga nagagandahang damit at kumikinang na mga alahas na suot ng mga panauhin ng mama nito.
Lalo siyang na-consious nang pagpasok nila sa bulwagan ay napatingin sa kanila ang mga panauhin. Inignore niya lamang ang mga iyon. Pilit niya inaalala ang bilin ng kanyang ama. Taas-noo at tuwid siyang lumakad, wla siyang tinatapakang tao kaya wala siyang dapat ipangamba.
Sinulyapan niya si Aga. Waring proud na proud ito habang kasama siya.
Na-flatter siya. Nawala ang insekyuridad na nadarama niya.
Nilapitan nila ang mama nito. Eleganteng-elagante ito sa suot nitong pulang gown. Ayon kay Aga ay ikalimampu't pito na nitong kaarawan pero bata itong tingnan ng mga sampung taon kaysa sa tunay nitong edad.
Makisig din ang ama ni Aga. Kastila ang features nito at nakakatunaw kung tumitig, marahil kasinlakas din ng appeal ni Aga ang appeal nito noong kabataan pa nito." 'Ma, 'Pa, siya ang sinasabi ko sa inyong ipakilala ko. Si Lea, my girlfriend and soon to be my wife," pagpapakilala ni Aga sa kanya sa mga magulang nito.
Nag-init ang buo niyang mukha, hindi niya inaasahan ang huli nitong sinabi.
"Glad to meet you, hija," nakangiting sabi ng mama nito sa kanya. Dumukwang ito at hinalikan siya sa pisngi.
Ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paghagod nito ng tingin sa kanya, waring kinikilatis siya nitong mabuti.
Binalingan niya ang ama ni Aga. May pakiramdam siyang walang halong kaplastikan ang ngiti nito. Sinabi pa nitong napakaganda niya.
"Enjoy the party, hija," anang ama ni Aga. "Hijo, ikaw na ang bahala sa kanya. Pupuntahan lang namin ang iba pa naming bisita." Iniwan sila ng mga ito para estimahin ang ibang bisita.
"O, ano, nawala na ba ang kaba mo?" Tanong ni Aga sa kanya nang mapag-isa sila. Nginitian lang niya ito.
Inakbayan siya nito. "Sabi ko naman sa iyo dba , mabait sina Mama At Papa," anito habang nakatingin sa gate. Kinawayan ito ng bagong dating. Kahit sa malayo ay kita niyang mestisa ito.
Gumanti din ito ng kaway. "Nandiyan na ang pinsan kong taga-iloilo. Ipakikilala kita sa kanya," bulong nito sa kanya.
Muli siyang inatake ng kaba. Napakapit siya ng mahigpit sa braso nito.
Ginagap nito ang kamay niya at pinisil, sa pamamagitan non ay waring nais nitong iparating sa kanyang wla siyang dapat ipangamba. Huminga siya ng malalim, pinilit niyang iignore ang kabang kanyang nadarama. Muli niyang inalala ang sabi ng kanyang ama.
"Hi, Almira, buti at nakarating ka," pagbati ni Aga sa pinsan niyang bagong dating.
"I miss you couz'" sabay beso nito Kay Aga.
"Couz, she is Lea My girlfriend" "Babes, si Almira cousin ko." Pagpapakilala ni Aga sa dalawa.
"Hi' Almira" pagbati niya kay Almira,. At makikipag kamay sana sya rito pero binalewala lng ito ni Almira.
Tiningnan siyang mabuti si Almira.
Nang-uuri ang tinging ipinukol ni Almira kay Lea, pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa, waring pinagkokompara nito ang kanilang mga hitsura.
Umismid ito. "Saan mo siya nakilala?" Tanong nito Kay Aga habang nakatuon parin ang mga nito sa kanya. Halata sa tono ng pananalita nito ang pagkadisgusto sa kanya.
"Schoolmate kami sa Dilima," nakangiting tugon ni Aga. Inakbayan siya nito. Naramdaman marahil nito ang tensiyong namumuno sa pagitan nila ni Almira.
"Maghanda ka na, Dear cousin. Baka magpakasal na kami after graduation.
Gulat na gulat si lea'ng napatingin kay Aga, wala namn silang ganoong plano.
Kinindatan siya nito.
Naplunok lamang siya ng laway. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagmamahal nito sa kanya.
Sa halip na ngumiti ay sumimangot si Almira. "Pag-isipan mo muna nang ilang beses ang bagay na 'yan dear cousin." Iyon lang at tinalikuran sila nito.
"Pagpasensiyahan mo na si Almira. Spoiled brat kasi 'yon. Pero mabait naman iyon kapag nagkausap na kayo," bulong ni Aga sa kanya.****
"TITA Anita, hindi n'yo ba pagsasabihan si Aga? Look at his girlfriend, saang basura ba niya napulot ang babaeng iyan?" Pabulong na tanong ni Almira sa Mama ni Aga. "Unang tingin ko pa lang sa babaeng iyan, I know she is a user. Gagamitin lang niya si Aga, sisirain lamang ng babaeng iyon ang pangalan ng aging angkan. You better get rid of her before its too late, Tita."
Ngumiti ito. "Hija, hayaan mong magsawa si Aga sa kanya. Kilala ko ang anak ko, hindi niya seseryosohin ang ganyang klaseng babae. Pasasaan ba at lilipas din ang fascination ng anak ko sa babaeng iyan. Kapag pinagbawalan ko siyang makipagkita sa babaeng 'yan , lalo 'yang magmamatigas."
"Pero, Tita-----"
"Hindi malalahian ng basura ang pamilya natin, Almira. Hindi ko iyon mapapayagan. Sa ngayon, hayaan mo na lang muna ang pinsan mo sa babaeng iyon. Darating din ang time na mare-realize niyang hindi sila bagay," kibit-balikat na sabi nito. "Alam mo bang bago pa man ipakilala sa akin ni Aga ang babaeng iyan ay napaimbestigahan ko na ang family background niyan? Anak yan ng janitor sa kanilang unibersidad. May kapatid yang may diperensya sa utak. Sa palagay mo ba ay makatatagal ang pinsan mo sa ganoong klase ng pamilya?"
"My God! Paanong nasisikmura ni Aga na ...... Aga must be insane!" Bakas sa mukha niya ang pandidiri.
Ngumiti ito. "Besides, we can use Lea para sa political career ng Tito Alvaro mo, Almira."
Umikot ang mga eyeballs nito. "I don't know. Basta ako, hindi ko gusto ang babaeng iyan para kay Aga."
*****Plss don't forget to vote !
And leave a comment kong nagustohan nyu.
Para maipagpatuloy ko pa yung story. Salamat ;)
@MayBulasa pls follow
YOU ARE READING
Kung Makita Kang Muli
FanfictionThis is my first story .. This is my first time to write a story .. Plss. Support my story .like and comment kung magostogan nyu.. . And follow me