Chapter Two

264 8 0
                                    

"HERE comes the social climber !... Hindi na nahiyang umangkas sa kasikatan ni Aga. Hindi naman sila bagay!".
Alam ni Lea na siya ang pinariringgan ng apat na babaeng nadaanan niya sa canteen. Hindi na iyon bago sa pandinig nya. Simula kasing maging boyfriend nya si Aga , madalas na siyang makarinig ng mga ganoong bagay lalo na mula sa mga kaibigan at kilala nito.
Pero bale-wala ang lahat ng iyon sa kanya. Ang mahalaga ay nagmamahalan sila ni Aga.
"Hoy! Anak ng janitor, mahiya ka nman sa balat mo!"
Napahinto siya sa paglalakad. Hindi bale nang hamakin ng mga tao ang pagkatao niya ngunit huwag na huwag ang pamilya niya.
Nilingon niya ang nagsasalita. Tumaas ang isang kilay niya nang makilala ay may ari ng tinig. Si Charlene. Maganda ito at mayaman. Malaki ang gusto nito kay Aga pero Hindi namn ito pinapansin ng binata.
Hindi siya nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang galit nito sa kanya, lalo na at alam nitong kasintahan niya si Aga. Naiinitindihan niya kung bakit ito nagagalit sa kanya, sa halip na magalit sya dito ay naaawa sya . dahil alam niyang ginagawa nito ang lahat para mapansin ni Aga pero walang nangyari.

Plss follow me
@maybulasa

Plsss. Like and comment
And support my story ..
Thanks sa time anyways..
Bare with me for more updates ..

Kung Makita Kang MuliWhere stories live. Discover now