"Sige na naman, Best friend. Ikaw na ang gumawa ng project ko, tutal nman ay ikaw namn 'tong matalino. Alam mo namang mahina ang utak ko riyan",pangungumbinsi ni Dawn Kay Lea habang nakikipagtext. "Babayaran kita kahit one thousand, basta't igawa molang ako ng project. Please?".
"Paano ka matuto kung palagi sa akin ka na lang aasa sa mga projects mo ?".tanong ni Lea rito habang patuloy sa pagsusulat. "Kung ako sayu, gagawa na ako ng project kesa mag-aksaya ng panahon sa kate-text. Kung hindi ko pa alam, puro mga kalokohan lang nman iyang itini-text mo ?"
Umirap ito. "Inggit ka lang", pabulong na sinabi nito, ngunit hindi ito nakaligtas sa kanyang pandinig. Sa halip na sitahin ito ay naiiling na ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang ginagawa.
Kaklase niya ito sa tatlong subjects. Madalas itong humihiram ng mga notes sa knya, hanggang sa naging close na sila. Pero lately ay pinagsasabihan niya itong huwag palaging aasa sa knya. Ginagawa niya ito dahil kaibigan na ang turing niya rito at para din naman iyon sa kapakanan nito. Limang taon na ito sa kursong fine Arts pero wala paring katiyakan kung kailan ito magtatapos. Maykaya ang pamilya ni Dawn at palibhasa ay nag iisang anak kaya lumaki itong spoiled. Iyon marahil ang dahilan kaya nasanay itong iniaasa sa iba ang lahat ng gawain na dpat sana ay sya ang gumagawa.
"Naging boyfriend mo lng c Aga, naging ganyan ka na". Bakas sa tinig nito ang pagtatampo.
"Walang kinalaman si Aga dito", naiinis na sabi niya rito. "Ginagawa ko ito dahil kaibigan ang trato ko sayu. Gusto kong matuto ka on your own".
"Hindi ko kailangang matuto. Ang gusto ko lang ay makatapos at magkaroon ng diploma. Besides, you're not my mother to talk to me like that". Padabog itong tumayo. "Kung ayaw mo akong tulungan, eh, di 'wag!". Tinalikuran siya nito at mabilis na naglakad palayo.
Napapailing na sinundan niya ito ng tingin. May tantrum na namn ito. Mas matanda ito sa kanya ngunit mas matured pa siyang mag-isip kaysa rito.Follow nyu po ako .;)
@MayBulasaShare and vote my story ..
Thank you sa readers na nagvote .

YOU ARE READING
Kung Makita Kang Muli
FanficThis is my first story .. This is my first time to write a story .. Plss. Support my story .like and comment kung magostogan nyu.. . And follow me