Hinanap ni Lea si Dawn , para ibigay nito ang project ni Dawn na pinagawa nito sa kanya.
Nakita niya ito sa tambayan nila sa botanical garden.
"Oh' nandito ka pala, kanina pa kita hinanap, ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Lea Kay Dawn.
"Ito' Tumatambay dito, bakit bah?" Sabi nito habang nagtetxt sa kanyang cellphone.
"Oh' ito na project mo," inabot nito sa kanya.
"Wow' Thank you best friend. Thank you talaga ng marami," tuwang-tuwang sabi ni Dawn Kay Lea nang ibigay sa kanya ang kanyang project. Niyakap niya si Lea ng mahigpit . "You're a real friend talaga. Maaasahan ka sa lahat ng bagay."
Itinirik ni Lea ang kanyang mga mata. "Hay, naku, tigilan na nga ang pambobola. Basta, next time, matuto ka nang gumawa ng mga project mo, ha?"
"I promise!" Itinaas pa nito ang kanyang kanang kamay. Nood tayo ng sine. Treat kita, tutal naman ay I ginawa mo ako ng project, 'tapos, pili ka ng damit na gusto mo. Ako ang magbabayad."
"Hay, naku, ano ba'ng palagay mo sa akin ha?" Tanong nito. "Wala naman akong hinihinging kapalit, 'no! Ang gusto ko lang, next time, sana ay matuto ka nang mag-aral, tutal ay para din naman sa iyo yan." Sabi niya rito.
Nagkibit ito ng mga balikat at muling hinarap ang pagte-text.
"Sino ba yang ka text mo ha?" Tanong ni Lea.
"Si Crush , haha" napakalaking ngiting sabi nito.
Naka ngiti Lang si Lea at Sinimulan ang pag rereview.Abala si Lea sa pag re-review ng may tumakip na kamay sa kanyang mga mata. Agad niyang nahulaan kung sino ang nagmamay-ari ng mga iyon. Pabango pa lamang ni Aga ay Hindi na niya maipagkakamali sa iba.
"Aga," natatawang sabi ni Lea "Naamoy na kita. Hindi mo na kailangan magpahula pa!"
Tinanggal nito ang pagkakapiring sa mga mata niya saka umupo sa tabi niya.
Sumimangot si Dawn. Tumayo ito at binitbit ang kanyang mga gamit. "Makaalis na nga rito bago pa ako mamatay sa inggit."
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lea dito.
"Doon sa walang mga lovers para hindi ko maisip na nag-iisa ako!" Madramang sabi nito at umalis.
Natatawang sinundan niya ito ng tingin. Binalingan niya si Aga. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga, eh, kaya hinanap kita. Sabi ko na nga ba't dito sa botanical garden kita matatagpuan."
"Nag-lunch na kami ni tatay," sabi niya rito habang inililigpit ang kanyang mga gamit. "Pero kung gusto mo, sasamahan kita sa canteen. " Lima na!"
Hindi ito tuminag sa kinauupan.
Nagtatakang tumingin si Lea rito.
May dinukot si Aga sa bulsa niya, isang sobre at Inabot niya ito kay Lea.
"Ano naman ito?"tanong ni Lea.
"Love letter. Na-miss kasi kita kagabi kaya Iginawa kita ng love letter," malambing na sabi nito.
Kinilig si Lea sa sinabi nito. Sa panahon ngayon, madalang nang gumawa ng mga love letters ang mga lalaki. Pero iba si Aga, conservative pa rin ito pagdating sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya. At naa-apreciate niya iyon ang husto.
Excited na binuksan ni Lea ang sobre at binasa ang love letter na ginawa ni Aga.To my Beloved Lea,
Time and again, I've turned to you and found just what I need. Time and again, I've realized how lucky I am to have you and your love. Time and again, I won't let the moment slip by without telling you how much I love you.
I love you more as time goes by.... For all you mean each day. I love you and I always will... More than words can say!.Naka ngiting sinulyapan si Aga. "Totoo ba namang lahat ng mga nakasulat dito?" Naglalambing na tanong niya rito.
"Hindi ka naniniwala?" May dinukot ulit ito sa kanyang bulsa. Inilabas nito ang isang singsing na napapalibutan ng malilit na kumikinang na bato. "I love you at hannga't Hindi kumukupas ang kulay ng gintong ito, pakamamahalin kita," sabi nito sa kanya.
At hinawakan ni Aga ang kamay ni Lea at isinuot nito ang singsing sa daliri nito.
Wala siyang pagsidlan ng kaligayahan. Hindi kukupas ang kulay ng singsing na iyon dahil alam niyang tunay na ginto iyon.
Nakangiti lamang siyang naka tingin kay Aga sa sobrang tuwa at Ligaya na nadarama niya.
"Ano nga pala'ng okasyon? Bakit mo ako binigyan nito?" Tanong ni Lea.
"Hindi kailangan ng okasyon para maiparamdam ko sa iyo kung gaano kita ka mahal."
Hinaplos niya ang mukha nito. "Baka naman maubos na iyang sinasabi mo sa akin na pagmamahal at wala nang matira para bukas, ha?" Pabirong sabi niya.
"Punung-puno ito. Hindi ito mauubos!" Hinalikan nito ang kanyang kamay. "Corny mang pakinggan,pero Ewan ko ba, sa iyo lang naman ako nagkaganito."
Nakatawa lamang si Lea At niyakap sya ni Aga ng Mahigpit.***"""end.......
.......
.......
.........
...of the chapter..**""""XD ,. Bring it on babes ,. Hahaha ,. So sweet namn,.
Plss vote
YOU ARE READING
Kung Makita Kang Muli
FanficThis is my first story .. This is my first time to write a story .. Plss. Support my story .like and comment kung magostogan nyu.. . And follow me