KinaumagahanKriiiingg.. Kriingg.. Kriiing...
Nagising si Lea ng mag ring ang phone niya. Dinampot niya ito at tiningnan kung sino ang tumatatawag.
Si Aga,. Bakit naman ang aga nitong napatawag?...
[ "Good Morning Babes,."] Bati ni Aga sa kabilang Linya.
"Good morning din Babes, ang aga mo ata napatawag ha' "
["Nagising ba kita ha' ?"]
"Hmmp oo, pero OK lng, napasarap yung tulog ko kagabi"
["Good' , dadaan ako mamaya dyan , I'll pick up you"]
"Susunduin mo ako?"
["Oo, para sabay na tayo pumasok"]
"Ok , I'll wait for you"
["Sige babes, see you later, I love you"]
"I love you too babes"
["See you later' "]
" See you"
Binaba niya ang phone at nag ayos nang sarili.
After 30 minutes , dumating si Aga sa bahay ni Lea upang sunduin sya.
"Ate,. Bilisan mo na diyan andito na si kuya Aga" tawag ni Maria kay Lea.
"O' andyan na ,.bababa na" kinuha ni Lea ang kanyang mga gamit at Bumaba galing sa kwarto.
"Tara'" sabi ni Aga
Umalis na sila papuntang skwelahan.
Pagdating nila sa paaralan ay sabay silang bumaba sa kotse at pinagtitinginan sila ng ibang studyante.
Nakita sila ni Dayarana na magkahawak kamay habang papasok ng gate. Naka taas lamang ang mga kilay nito.
Nang mag kahiwalay na ng daan sina Lea at Aga ay natanaw na ni Lea si Dayanara at ang mga kaibigan nito sa di kalayuan, iiwasan sana niya ang mga ito at sa iba na lamang dumaan ngunit naisip niyang wala siyang ginagawang masama para katakutan ang mga ito.
Inayos niya ang pagkakabitbit sa libro bago nagpatuloy sa paglalakad.
Inirapan siya ni Dayanara ng magkasalubong sila, ngunit inignora niya lamang ito. Wala namang mawawala sa kanya kung pagsusupladahan man siya ng mga ito.Kunot ang noong dinampot ni Dayanara ang sulat na nakita niyang nalaglag mula sa libro ni Lea.
"Ano ba iyan?" Tanong ni Vice ky Dayanara.
Nagkibit siya ng balikat. Curious na binuklat niya ang sulat.
Napatiim-bagang siya ng malamang sulat iyon ni Aga para kay Lea."How sweet naman," kinikilig na sabi ni Vice na nakibasa rin sa sulat. "Ba't noong kayo pa ni Aga, ni minsan man ay di ka niya binigyan ng love letter?"
"Dahil alam niyang hindi ako cheap," pagdadahilan niya kahit ang totoo ay nagmamaktol ang kalooban niya. Natanong nya sa kanyang isip. Ganoon na ba kahibang si Aga sa babaeng iyon para gumawa ng kung anu-anong kabaduyan?
Nagngingitngit ang kalooban niyang pinunit ang sulat at itinapon sa basurahan.
Umupo siya sa bench at nagsunud-sunuran lamang ang mga kaibigan niya rito.
Napakita niyang dumaan si Dawn, kilala niya ito dahil anak ito sa Kaibigan ng kanyang papa.
Alam niyang madalas itong kasama ni Lea.
Biglang may nabuong isang magandang ideya sa kanyang isip at tinawag niya si Dawn."Dawn!" Tawag niya rito.
Lumingon ito at ngumiti ng Makita siya. "Hi, Dayanara. Sorry, Hindi kita agad na pansin." Anito nang makalapit sa kanila.
"May klase ka ba ngayon?" Tanong ni Dayanara.
"Wala namn. Wla nga akong magawa eh, Bakit ba?"
"Tamang-tama. Wala rin kaming klase ngayon. Gusto mo ba maglaro ng billiards? 'Tulad ng dati, may pustahan."
"Baka matalo na naman kita," nakangiting sabi ni Dawn.
Minsan na silang naglaro noon at natalo niya si Dayanara."Try me," nakangiting sagot ni Dayanara.
"Ano ang pustahan?"
"Mamaya na, ano Game?"
"Sige Game"
Umilap ang kanyang mga mata at naka ngisi lang ito.
Pag dating nila sa billiaran ay napag usapan nila ang pustahan
"Ganito, pag natalo kita sa game , gagawin mo ang ipapagawa ko sayu, at pag natalo mo ko.. Diba matagal ka nang may crush sa pinsan Kong si Richard?, how about a date with him? I'll arrange it for you". Sabi ni Dayanara ky Dawn.
"Sige, sige Deal,. Pero ano naman
Ang ipapagawa mo sakin?" Nagtatakang tanong nito."Mamaya ko na sasabihin sayu, ano game na ?' "
"Sige game," excited na sabi niya rito. Hindi sya makapaniwala na kapag ma talo niya ito ay makakadate niya si Richard ,. Ultimate crush talga niya si Richard. Kaya gagalingan niya ang paglalaro.
Kampante si Dayanara sa mga naisip niyang ipagawa kay Dawn kung Sakaling matalo niya ito, at mas kampante rin siya na matatalo na niya ito sa paglalaro dahil gumagaling na namn sya sa paglalaro ng billiards.
At sinimulan na nila ang laro.
Tumira si Dayanara at Pumasok ang bola nito sa pocket.
Nakangising sinulyapan niya si Dawn. "Pano ba iyan, Dawn? Out of four games, nakatatlong panalo na ako." Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo.
Hindi kumibo si Dawn at nalulungkot sa pagka talo.
"So, gagawin mona ang ipapagawa ko sayu"
"Ano naman yun?"
"Huwag kang mag aalala, madali lng namn ang ipapagawa ko sayu,. Gusto ko lng isama mo si Lea sa Party na gagawin namin. Ang gagawin mo lng ay ipasuot sa kanya ang ibibigay namin sayu na damit"
Napalunok ito ng laway, nasa isip nito na baka may masama silang gagawin kay Lea.
"Huwag mong sabihing wala Lang word of honor, ha Dawn?"
"Yun lng ba gagawin ko?" Tanong nito.
"Bakit naduduwag ka ba ha?"
"O-of course not. Pumayag ako sa napagkasunduan natin kaya handa Kong gawin iyon,"
"Very Good. Well, kapag magawa mo iyon, asahan mong maka date muna si Richard,. Kahit natalo kita. . gagawin ko yang premyo mo pag nagawa mona ang ipinapagawa ko sayu." Namilog ang mga mata nito.
"OK" yan lng nasagot ni Dawn.
"Aasahan ka namin, at huwag mo akong biguin,. I'll text you when and where" tinapik niya ang balikat ni Dawn.
Yun lang at iniwan siya nito.
Hindi niya maisip na gagawin niya ang sinasabi ni Dayanara.
Pro sa pag iisip niya ay yun lang naman ang gagawin niya at Hindi nman siguro sya sasakyan ng mga ito. At pagkakataon na nya iyon na maka date ang Ultimate Crush niya.***"""*ipagpapatuloy*""""
Abangan ang susunod na kaganapan...A/N: tinamad nako . haha. Plss vote naman .

YOU ARE READING
Kung Makita Kang Muli
FanfictionThis is my first story .. This is my first time to write a story .. Plss. Support my story .like and comment kung magostogan nyu.. . And follow me