LUMIPAS ang masasayang mga Araw nilang dalawa ni Aga At Lea na puno ng Pagmamahalan.
Naisipan ni Aga na imbitahin si Lea sa Birthday ng Mama Niya at para na rin ipakilala niya ito sa mga magulang niya.
Mahal na mahal niya si Lea kaya gusto na niyang ipakilala ito sa buong pamilya niya.Dumating ang araw ng birthday ng Mama ni Aga.
"BABES, hindi na lang kaya ako sasama? Baka ma-out of place lang ako roon. Hindi naman---" Pinutol agad ni Aga ang pagsasalita ni Lea.
"Bakit ka maa-out of place, eh, kasama mo naman ako," nakatawang sabi nito. Hinaplos nito ang pisngi ni Lea. "Birthday ni Mama at gusto kong ipagmalaki ka sa kanila. Masayang- masaya ako nang ipakilala mo ako sa pamilya mo. Sanay ganoon din ang maramdaman mo ngayong ipapakilala kita sa pamilya ko."
"Natatakot ako," pag-amin niya rito.
"Sshh.... Mahal kita. Mahal na mahal. At hanggang naririto ako sa tabi mo, wala kang dapat ikakatakot," pagbibigay assurance nito sa kanya.
Kahit na paano ay nabawasan ang kabang nadarama niya. Inayos niya ang kanyang damit. Iyon na ang pinakamaganda niyang damit. Alam niyang hindi iyon bagay sa party na pupuntahan nila ngunit wala naman siyang mamahaling damit para ipamporma. Saka ang sabi naman sa kanya ni Aga ay presentable naman daw ang suot niya. Wala naman daw magtatanong sa kanya kung saan niya iyon nabili .
"Sandali lang." Muli siyang pumasok sa kanyang silid. Pinagmasdan in yang mabuti ang kanyang sarili sa salamin. Naglagay siya ng manipis na lipstick at kaunting pulbo. Sinuklay niyang mabuti ang kanyang buhok.
Kinakabahan siya. Ipakikilala na sa kanya ni Aga ang buong pamilya nito. Paano kung hindi siya matanggap ng mga ito?
Inaayos niya ang kuwelyo ng kanyang bestida nang pumasok sa silid ang kanyang Ama.
"Napakaganda talga ng dalaga ko.," nakangiting sabi nito. Hinawakan siya nito sa balikat at pinihit paharap dito. "Ninenerbiyos ka ba, Anak?"
Tumango siya. "Baka po ka...." Hindi niya itinuloy ang sasabihin.
Itinaas nito ang kanyang baba. "Marangal ang trabaho ko. Marangal kang tao. Wala tayong tinatapakang kapwa. Nagtatrabaho tayo nang patas. Wala kang dapat na ikatakot, Anak."
Niyakap niya ito. "Maligaya ako dahil kayo ang ama ko, 'tay," matapat na sabi niya rito. "Pagbali-baliktarin man ang mundo, kahit na mabigyan pa ako ng pagkakataong makapamili ng mga magulang, kayo parin ang pipiliin ko. Mahal na mahal ko po kayo."
Tinapik siya nito sa kamay. "Ang sarap namang pakinggan niyan. Pero bago pa tayo magkaiyakan dito, anak, labasin mo na si Aga at baka ma-late na kayo sa party. Basta palagi mong iisipin na maganda ka at pantay-pantay ang lahat ng tao."
Tumango siya bilang tugon. Nakangiti siyang lumabas ng silid.
Paglabas niya ng silid nakasalubong niya ang malaking ngiti ni Aga sa mga labi. "You look so Beautiful, Babes." Nakangiti din siya.
"Are you ready?" Nakangiting tanong ni Aga.
Tumango lamang sya bilang tugod.
Pero sa kaloob-looban niya ay sobra siyang kinakabahan dahil hindi niya alam anong mangyayari, kung tatanggapin ba sya ng mga magulang ni Aga o Hindi .At muli sila ay nagpaalam sa mga magulang ni Lea. "Aga, ikaw na bahala sa Anak ko ha'." Tugon ng kanyang Ama.
"Opo, makakaasa po kayo." Sambit ni Aga. "Sige po mauna na po kami,".
"Sige-sige mag ingat kayu."
At Umalis na sila.
****"Pls,pls vote vote .
Thanks for reading,
Leave a comment kung may mali o dapat i-improve ,.
Follow Me @MayBulasa
YOU ARE READING
Kung Makita Kang Muli
FanfictionThis is my first story .. This is my first time to write a story .. Plss. Support my story .like and comment kung magostogan nyu.. . And follow me