Chapter 28

196 5 0
                                    


Kinabukasan

Pumasok si Lea ng Paaralan na siya lng mag isa.

At nasalubong niya sila Dayanara.

"Mukhang mag isa lng ata Ms. Trying hard ngayon ah, " -Ruby

"Siguro Hiwalay na sila ni Aga, Haha "bulong ni vice ky Ruby.

Nakangiti lamang si Dayanara na pinagmasdan siya.

Hindi na pinansin ni Lea ang mga ito dahil ayaw niya ng gulo.

Dumeritso siya sa building nila ng makasalubong si Lilet.

" Oh' Friend, Himala Hindi kayu magkasama ni Aga ngayon, anong nangyare ?"-Lilet.

Hindi niya ito pinansin.

"Ay' snob lng,."-Lilet

Nagpatuloy sya sa paglalakad at sinundan lng siya ni Lilet.

" Hoy! May problema ba? "-Lilet.

" Wala,."-Lea.

"Anong wala? Eh, bakit ka malungkot? Nag away ba kayu ni Aga" -Lilet

"Huwag na muna nating pag usap si Aga." -Lea.

"So, nag away nga kayu?" -Lilet
Hindi siya sumagot.

"OK, kung ayaw mo pag usapan , naiintindihan kita,. Pro tandaan mo na nandito lng ako kung kailangan mo ng kausap ha" -Lilet

Tumango lng siya.

"Sige , mauna nako. "-Lilet

At umalis na ito . at pumasok narin si Lea.

Pagkatapos ng unang klase ni Lea ay naisipan niyang pumunta sa tambayan nila sa botanical garden.
Papunta na sana siya don, ngunit na alala niya ang tagpo doon kahapon.
Kaya bumalik siya sa dinaraanan niya at nakasalubong niya si Aga.

"Babes,. Pwede ba tayong mag usap?"-Aga.

" Nagmamadali ako, may klase pako"-Lea

"Wala ka nmang klase ngayong oras nato, ah"-Aga.

" May irereview pa ako finals na bukas "-Lea

" Sandali, iniiwasan mo ba ako?"- Aga.

"Aalis na ako, marami pa akong kailangan gawin"- Lea.

Lumakad siya ngunit hinawakan ni Aga ang kamay niya.

" Sandali, kailangan nating mag usap, may Sa sabihin ako sayu"- Aga.

"Wala tayong pag-uusapan, kung ano man ang Sa sabihin mo, Ewan ko lng kung paniniwalaan ko pa yan"-Lea

Nag iba ang mood ni Aga, sasabihin sana niya rito ang nangyari sa kanila ni Dayanara kahapon,. Pero napansin siyang naiba ang kinikilos ni Lea.

" Nililigawan ka ba ni Lee?"- Aga.

"Ano namn ngayon sayu kung ligawan ako ni Lee?"-Matigas na sabi ni Lea

" Boy Friend mo ako Lea!, so ibig sabihin nagpapaligaw ka nga sa kanya kahit may boyfriend ka? Lumalandi ka na ba Lea ? "Galit na sabi nito.

Nag init ang mukha ni Lea at Sinampal niya si Aga.

" Ahh,  so Ako pa ang Lumalandi ngayon, ha!, pagkatapos Kong makita kayong naghahalikan ni Dayanara kahapon susumbatan mo ko nyan? Ha, Aga niloko mo ko,  nangako ka sakin na ako lng ang mahal mo! Pero nagawa mo Kong saktan ng ganito.
Sana nakinig nlng ako ky Dawn,  paulit ulit mo na pala akong niloloko pero nagbubulagbulagan lng ako." Niiyak sa galit si Lea, dahil sa sakit parin na dulot nito sa kanya.

Kung Makita Kang MuliWhere stories live. Discover now