Chapter Six

196 6 0
                                    

KINABUKASAN sa loob ng paraalan nila , nakita ng mag best friend na si Dayanara at Vice na magkasama si Lea At Aga na mukhang sweet na sweet sa isat isa at itoy napag usapan ng mag bestfriend .
"WALA na ba talagang taste ang ex-boyfriend mo, ha, Dayana? Look who's with him now? Isang pipitsuging anak ng janitor sa campus na ito? Nakakahiya. Ano'ng feeling ng babaeng iyon, magka-level kayo?" Puno ng kayabangan at pagka-elitista ang tono ng pagsasalita ni Vice, ang baklang best friend ni Dayanara.
Nagsindi ng isang stick ng sugarilyo si Dayanara. "Hindi naman seryoso si Aga sa babaeng iyan. Gusto lang niya akong pasikatan kaya niya ako ipinagpalit sa babaeng 'yan. I know deep inside him he still loves me," puno ng kumpiyansang sabi niya rito.
"Ows! Kaya ba mukhang in love na in love siya kay Miss Trying Hard? Come to think of it, hindi namn siya dating ganoon sa iyo, 'diba?"
"And what do you mean by that?" Matalim ang mga matang tanong niya rito. Nagkibit ito ng mga balikat.
"Aga still loves me. I know he is just trying to make me jealous. But I won't be jealous. Kahit na kailan ay hindi ako mai-insecure sa babaeng iyon. Why should I ? Mukha siyang basahan kapag itabi sa akin. And look at her shoes..." Napangiwi siya. "Hiniram lng yata niya sa nanay niya ang sapatos niya, haha'." Bumungisngis siya. "Pupusta akong wala pang five hundred pesos ang halaga ng sapatos na suot niya, haha'."
Tumawa si Vice nang sulyapan ang sapatos ni Lea. "Mukha nga, haha. Kunsabagay, uso naman sa campus ang pulubi look." Napismid siya. Hindi lang niya inaamin dito sa iba pa nilang kaibigan na mahal pa rin niya si Aga.
Aminado siyang siya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Nakipag-two-time siya. Pero trip lng niya yon. Hindi naman niya totoong minahal si Mark Anthony Delgado. Na-curious lang siya sa pagiging palikero nito. She was challenged dahil parang napakahirap nitong i-please. Ngunit nang magkabistuhan na dalawa ang boyfriends niya, nakipag-split siya kay Mark Anthony. Si Aga ang pinili niya dahil ito nman talaga ang mahal niya. Ngunit ayaw na siyang paniwalaan ni Aga.
Ginawa na niya ang lahat para mapatawad ni Aga pero walang nangyari. Sa halip, nalaman na lamang niyang ipinagpalit na pala siya nito sa isang hamak na anak ng janitor nila. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang inis niya kay Lea. Nangingitngit ang kaloobang idinuldol niya, ang sigarilyo sa mesa at itinapon sa sahig at tinapakan ito. Pakiramdam niya ay si Lea ang tinatapakan niya nang mga oras na iyon. Hindi siya makapapayag na tuluyan na nitong maagaw sa kanya si Aga. Huminga siya ng malalim. Gagawa siya ng paraan para makaganti rito at mabawi niya si Aga.
****

At library, pinuntahan ni Dawn si Lea pra humingi ng sorry sa mga na sabi nya noong unang araw at pra narin humingi ulit ng pabor.

"I'M SORRY", sabi ni Dawn Kay Lea. Iniabot nito sa kanya ang chocolate nilang peace offering.
"Kahit na walang chocolate, okay na," nakngiting sabi niya rito. "Pero tatanggapin ko narin ito." Tumawa siya.
"Friend, my problema ako sa laboratory ko. Pwede bang pakitulungan mo ako ? Please lang, babagsak ako kapag hindi ko naipasa ang project ko," pakiusap nito.
Tinitigan niya ito. Sabi ko na nge eh, hihingi ulit to ng pabor, may chocolate png nalalaman
"Cge na friend, please". Pakiusap nito.
Mukha itong isang pagkaamung-among tupa habang nagmamakaawa sa kanya. Napabuntong-hininga siya. "Sige na nga!"
Ngumiti ito. "You're heaven-sent talga, Thank you. Mwuah!"
"Ang sabihin mo, inuuto mo na ako niyan."
"Grave ka , di nman eh! Thank you , thank you talaga, your the best friend ever!." Muli sila ay nagyakapan.
*****

Thanks for Reading...
Plss vote and follow
@MayBulasa
Plss leave a comment kung nagustohan nyu yung story .
Thanks

Kung Makita Kang MuliWhere stories live. Discover now