Chapter 2: Tadhana

13.5K 566 59
                                    

Myka

Hindi lahat ng Gwapo famous ang iba Gangster na napagkakamalan na Poser

Post 

Hihihi 

Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip ko ang mukha ng lalaki na 'yon? Taga saan kaya siya? May possibility ba na magkita ulit kami?

Tumingin ako sa list na pinapabili sa akin ni mama nandito ako sa grocery store kumukuha ng mga dapat bilhin.

"Pineapple" Pumunta ako sa area ng mga prutas at tiningnan ang mga pinya.

May napansin akong matangkad na lalaki hindi ko siya mamukhaan dahil nakaharap siya sa mga apple pero sa tingin ko ang gwapo niya. Pero kahit gwapo siya wala na akong pakialam dahil loyal na ako kay poser. Kahit hindi naman kami. Ngayon naniniwala na ako sa love at first sight.

Pero wala naman masama kung magpacute ako sa gwapong yun haha.

Pumunta ako sa area ng mga apple at tumabi sa kanya at kunwari titingin lang ng Apple pero ang totoo siya ang titingnan ko.

Nagkadikit ang kamay namin.

"Ey serry " at napatingin kami sa isat isa.

Nagulat kaming dalawa nang makita namin ang isat isa, hindi kasi namin inaasahan na magkikita kaming dalawa. Kanina iniisip ko lang siya ngayon nakikita ko na.

"Ikaw pala poser akalain mo nga naman tinadhana talaga na magkita tayo hihihi " 

"Tigilan mo nga ako hindi poser ang pangalan ko " sabi niya sa akin at iniwasan ako ng tingin.

"Ah kasi ang name mo ay forever at ang surname mo ay Ko Ikaw si Forever ko, oo ikaw nga " sabi ko sa kanya na may halong pagpapacute.

Kumuha siya ng tatlong apple at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Ang seryoso mo naman may nakalimutan kang kunin"

"Huh?" Napalingon siya sa akin at kinunotan ako ng noo.
Kinuha ko ang sampalok sa tabi niya at pinakita sa kanya.

"Sampalok para kiligin ka naman ayyiiee ngingiti na'yan " sabi ko sa kanya habang pinakita sa kanya ang sampalok na hawak ko. Mukhang naiirita siya sa mga pinaggagagawa ko sa kanya pero ako ay nag eenjoy lang dahil ang cute niya habang naiirita.

"Tumigil ka nga baliw na babae! Wag mo akong idamay sa kabaliwan mo baka masuntok lang kita!" Galit na sabi niya sa akin pero hindi siya nakakatakot ang gwapo niya kasi.

"Baliw? Oo nga naging baliw ako simula nang makilala kita at 'wag mo na akong suntukin dahil simula nang makita kita tinamaan na agad ako sa'yo." Sabay kindat ko sa kanya 

Nagulat naman siya sa sinabi ko at napatulala, pero bigla niya akong iniwasan ng tingin.

"Ayyeei kinikilig na 'yan" pang aasar ko sa kanya.

"Tigilan mo ako "iritable niyang sabi sa akin at dali dali  siyang naglakad paalis, sinundan ko siya pero bawat daanan niya ay tinutumba niya para maharangan ako at hindi na makasunod sa kanya. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo sa akin.

Nakakainis naman ang gangster na 'yon. Feeling sikat, gusto pang magpahabol.

Andrei

Nagbayad na ako sa cashier at dali daling pumunta sa cr ng mall buti ako lang mag isa.

Napatingin ako sa sampalok.

'Sampalok para kiligin ka naman ayyiiee ngingiti na yan '

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon