Chapter 14: Chat Conversation with Mr.Poser na Gangster

7.3K 367 7
                                    

Myka

Natapos ang isang buong araw na magkasama. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. Dahil ito ang pinakamasaya at pinaka-nakakakilig kahit sobrang cold niya sa akin. Nandito na ako sa bahay at nakatingin sa laptop ko habang iniistalk siya. Ang gwapo niya talaga kahit hindi siya marunong ngumiti pero mas gugwapo siya pag nakangiti.

Tiningnan ko ang chat box kung sino ang active at nakita ko agad ang pangalan niya.

Andrei Rodriguez
⚪Active now

 Hi Andrei the poser 😘

Naghintay ako ng reply niya pero wala naman.

Magchachat sana ako pero nagreply siya.

 ?

Wow ang tagal kong naghintay ng reply niya tapos '?' lang ang reply pero ok lang yon kaysa naman wala siyang reply sa akin.

 ok na ba ang sugat mo? Nag aalala kasi ako at namimiss na kita .

 buhay pa ako

Ay ganon?

pero ako patay na ....

 Patay na patay sayo.

Waaahhh! Bakit kinikilig ako sa mga banat ko sa kanya? Tiningnan ko ang message sineen lang niya ito.

 Ay kinikilig ka siguro kaya hindi ka makapag reply noh? Hindi mo alam ang Sasabihin mo.

 baliw ka

 oo baliw na baliw ako sa'yo

 gutom lang yan kumain ka na

hindi na ako kakain busog na ako pagnakikita kita

seen

 ay sige seen pa

ok lang na seen at snob lang ako sa'yo.

Andrei Rodriguez

Active 1 minute ago

sige goodnight na lang

Ay nag log out. Ano ba yan gusto ko pa siyang makachat.

Tinanggal ko na ang messenger at nilipat nalang sa Facebook. Nagscroll na lang ako ng nagscroll sa news feed ko.

Napansin ko na may nagchat sa akin dahil tumunog ang messenger ko.

Andrei Rodriguez sent you a message

Andrei Rodriguez
⚪Active 1 minute ago

goodnight :)

Andrei

goodnight :)

Tiningnan ko ang Facebook niya at mga pictures niya. Baliw talaga siya pero masaya siya kasama. Inaamin ko kahit baliw siya nakakabaliw din ang kabaliwan niya nagiging masaya ako sa kabaliwan niya. Ngayon lang nangyari ulit sa buhay ko ang ngumiti sa mga chats niya at pag kasama siya. Nakakahawa ang kabaliwan niya.

Hindi ko namalayan na habang tinitingnan ko ang mga pictures niya napapangiti nanaman pala ulit ako. Iba na ang dating niya sa akin ngayon.

Napansin ko na may nag message sa akin tiningnan ko ang message dahil baka nagreply na si baliw.

O.O Hindi ko inaasahan na magchachat siya sa akin, matapos ang ilang taon.

Andrea Santos sent you a message

 Andrei kamusta? Pwede ba tayong magkita? Bukas ng 8:00 alam mo na kung saan. Hihintayin kita. Aasahan ko na makakarating ka

Biglang nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na magchachat siya sa akin. Hindi ko namamalayan ang luha na pumatak mula sa aking mata.

Myka Santiago sent you a message

Myka Santiago
⚪Active now

 sweet dream see you tomorrow Mr. Poser 😘 wag kang aabsent mamimiss kasi kita. Sige kita kits na lang sa panaginip

Sineen ko na lang ito.

Binuksan ko ulit ang message ni Andrea. Napansin ko ang luha na pumatak mula sa mga mata ko at ngayon ay tuloy tuloy na ang pagpatak nito.

Andrea Santos

Myka

Maaga akong gumising dahil maganda ang tulog ko napanaginipan ko kasi si Andrei. At excited ako na makita siya. Naligo na ako nagbihis, nag ayos at nagpunta kila Ysa.

"Aba himala yata Myka ang aga mo" sabi ni Ysa sa akin. Once in a blue moon lang kasi ako nauuna sa kanya. Kaya ganon laging bago para sa kanya na maging maaga ako.

"Haha wala lang gusto ko lang " sabi ko sa kanya. Umalis na kami ng bahay at magcommute na.

"Kyaahh nagreply siya sa akin " napatingin ako kay Ysa bigla na lang kasi siya na ngumiti tapos biglang titili. Baliw lang ?

Tumingin ako sa phone niya at tiningnan kung sino ang kachat niya.

"Sino ba 'yan ?"

"Si Alexander Dela Torre famous siya sa facebook waahh nireplyan niya ako " at pinalo ako ng pinalo.

Si Alexander Dela Torre Famous siya sa facebook gwapo na, model pa, athlete siya sa Phoenix Academy at nakakaturn on dahil sa looks at dahil athlete. Pero hindi ako nagkaroon ng gusto sa kanya dahil loyal ako sa isa.

"Aray naman anong reply niya?"

"Hello kyyaaah ang sweet niya noh?"

"Hello? Hindi naman sweet word yon ah" sabi ko sa kanya at na may halong pagtataka.

"Sweet kaya dahil nagreply siya sa akin famous kaya siya sa fb tapos rereplyan niya ako diba ang sweet nag effort siyang replyan ako naglaan siya ng oras para sa akin diba diba?"

"Ok? Baka naman poser niya lang yan?"

"I'm sure na hindi dahil tingnan mo ang mga likes niya at real account niya talaga to promise"

"Ok sige. Ayiiee may love life ka na haha pero mas sweet naman sa akin si Andrei"

"Yung gangster tsk! Basta Myka payo lang wag mo siyang mamahalin dahil baka masaktan ka lang " sabi niya sa akin.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Biglang sumikip ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Haha ok tatandaan ko 'yan " sabi ko sa kanya.

Nakarating na kami sa school at napansin ko ang Black Knights sa harap ng gate. Ano kayang nangyayari?

Napansin ko rin ang grupo ni Rae. Nag uusap silang lahat pero sa tingin ko hindi usap ang ginagawa nila. Mukhang may gulong mangyayari. Pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila.

"Akala ko good boy si Rae, pero ok lang 'yon ang astig niya ngang tingnan" sabi ni Ysa.

Teka? Dapat ba akong mag alala?

Diba sinabi ko kay Rae na sinaksak ng isang sa grupo ng Black Knights si Andrei? Baka reresback sila Rae para kay Andrei? Naku lagot. Dapat pala hindi ko sinabi 'yon sa kanya, sana may pumigil para hindi na sila magkagulo pa.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon