Happy Ending

4.9K 189 52
                                    

Myka

Ngayon ay totoong officially on na talaga kami ni Andrei. February 14 pa ang sweet naman niya. Hindi talaga makakalimutan ang date na 'yon dahil valentines day pa at araw ng mga pusong nagmamahal, nasasaktan at nagmahal ulit. Akala ko chocolates talaga ang binigay niya sa akin pero hindi dahil nakabalot lang sa chocolate box ang sweet sampalok na binigay niya. Sabi niya kasi "masyadong common ang chocolate gusto kong iba naman para hindi mo ako makalimutan dahil ako lang ang isang lalaki na nagbigay sa'yo ng sampalok sa araw ng mga puso" kaya ayun hindi ko nga nakalimutan. Yung mga bulaklak naman ay nakatamabak sa garden namin. Tuwang tuwa si Mom nang makita niya yon. Dahil parang hindi lang bouquet ang binigay sa akin parang pwede na raw maging isang garden sa sobrang dami. Ngayon ay nakahiga kami sa damuhan habang nakatingin sa mga bitwin na nagniningning.

"Alam mo Myka hindi pala ito ang pinaka masayang araw ko" napatingin ako sa kanya hindi siya nakatingin sa akin at nakatitig lang siya sa mga bitwin.

"Ang pinaka masayang araw ng buhay ko ay ang araw na nakilala ko ang isang baliw na ngayon ay katabi ko na. Siguro isa ito sa mga pinakamasaya at pinakamagandang araw ko pero hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa araw na nakita at nakilala kita kaya ang the best day of my life ay ang araw na nakilala ko ang isang babae na nagngangalang Myka Santiago isang baliw na mahal na mahal ko" napangiti ako sa sinabi niya sa akin. Sobrang sweet niya dati ako lang ang nagsasabi sa kanya ng sweet words pero ngayon ay siya na.

"Ang pinaka masayang araw ng buhay ko.. Ang araw na kasama si Andrei Rodriguez kahit madalas akong masaktan basta kasama kita palagi akong masaya, tanga na ba ako? O nababaliw na ako sa'yo? Ang alam ko lang kasi mahal kita ng totoo"

"Ang drama mo" ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Aray naman napansin ko kapag kinikilig siya sa akin ginugulo niya ang buhok ko. Dumikit siya sa akin at ginawa ko namang unan ang braso niya. Nakahiga lang kami rito sa damuhan habang nag sasalita ng mga kacornyhan. Ang lamig. Yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang pandesal. Hehe yummy haha Myka bad 'yan. Nanatili lang kami sa ganitong posisyon buong gabi. Sinosolo ang bawat isa, kami lang dalawa at walang humahadlang na iba. Sigurado ako na bukas o sa ikalawa o ikatlo ay may mga panibagong pagsubok ang kailangan na lang naming gawin ay lagpasan ito ng magkasama, walang mang iiwan at walang bibitaw.

Si Andrei ang Mr.Poser ng buhay ko. Bukod sa dakilang paasa siya at manloloko. Dahil naging poser siya ni Mr.Poser kaya siya si Mr.Poser. Medyo magulo basta ang tanging poser na nakilala at minahal ko hanggang dulo ay isang Gangster.

Rae

"Boss Happy valentines day" nakangiting sabi sa akin ni Luke at lumapit sa akin, sumunod naman si Gio at ang iba pa. Kanina pa ako nag iisip sa nangyari kanina. Mas mabuti na'yon kaysa naman magsinungaling mas lalo ko pa siyang masasaktan. Ngumiti na lang ako sa kanila ng pilit.

"Boss 'wag kanang malungkot kung wala kang kadate Edi kami nalang ang idate mo" Gio

"Haha loko ka talaga"

"Boss wag mo nang isipin si Ysa mas ok na 'yon kaysa mas lalo mo pa siyang masaktan at ang sarili mo" Nagtaka ako sa sinabi niya sa akin.

"Boss matagal na naming alam ang sikreto mo kahit tinatago mo ito alam naman namin kung bakit mo itinatago pero ok lang naman sa amin na ilabas mo ang tunay mong pagkatao"
Alam nila matagal na? Speechless ako sa sinabi nila sa akin.

Alam nila?Hindi sila galit? Hindi nagbago ang trato nila sa akin kahit malaman nila.

"Hindi na importante boss kung bakit namin nalaman o paano ang mahalaga tanggap ka namin kahit ano ka pa dahil ikaw ang boss namin"

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon