Chapter 66: Andrei O Derek?

3.9K 160 9
                                    

Myka

"Myka may tanong ako sa'yo" Napalingon ako kay Ysa nang magsalita siya. Nanonood kami ng movie sa kwarto ko dahil naging bonding na namin ito tuwing gabi.

"Ano 'yun?" tanong ko sa kanya. Mukhang seryoso yata siya sa itatanong niya sa akin.

"Andrei o Derek?" tanong niya sa akin. Nagulat naman ako sa tanong niya sa akin. Anong isasagot ko sa kanya? Si Andrei.

"Kung si Andrei ang mas gusto mo 'wag mo nang paasahin si Derek dahil lalo mo lang siyang masasaktan" seryoso niyang sabi sa akin.

"Si Andrei ang gusto ko pero masasaktan si Derek"

"Pero dapat may piliin ka mas lalo pang masasaktan ang isa kung papatagalin mo pa kung hindi mo mahal o gusto si Derek sabihin mo na hanggat maaga" sabi niya.

Akala niya ganon lang kadali 'yon. Hindi niya kasi alam ang nararamdaman ko. Akala ko maganda ang ganitong feeling mahirap pala.

"Myka payong kaibigan pumili ka na hanggat maaga" sabi sa akin ni Ysa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung paano sasabihin kay Derek. Dahil nang masaktan ako kay Andrei nandoon siya para tulungan akong makarecover sa sakit na nararamdaman ko. Naging mabuti siya para sa akin naging mabait siya.

Pero si Andrei ang gusto ko at mahal ko. Simula palang siya na talaga.

Tama si Ysa dapat pumili na ako dahil mas lalo pa akong mahihirapan pag pinatagal ko pa ito at mas masasaktan pa sila.

***

Pumunta ako sa room ni Derek pero wala siya. Nasaan kaya siya? Lagi naman siyang nauuna sa akin na pumasok. Umikot ako sa buong room niya pero wala pa rin siya. Napansin ko ang isang wall punong puno ito ng pictures ko at sa gitna ay may isang malaking picture namin habang sumasayaw noong Christmas party. Nag effort siyang ilagay ang lahat ng ito para lang sa akin.

"Maganda ba?" Napalingon ako sa may gilid kung saan nanggaling ang boses. Nasa likod ko ngayon si Derek at nakatingin siya sa wall.

"Napansin mo ang ganda ng mga pictures lalo na ang nasa gitna" Ang tinutukoy niya ay ang pictures namin na magkasama habang sumasayaw.

"Sana kahit effort ko na lang ma appreciate mo" sabi niya pa at ngumiti sa akin.

"Sige ang drama ko 'wag kang mag alala sa'yo lang ako nagkaganito" Nagulat ako sa sinabi niya at napansin ko ang luha na pumatak mula sa mata niya. Umiiyak siya?

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.

"Nararamdaman ko kasi ang pagmamahal ko sa'yo. Lungkot pag hindi kita nakikita, saya pag nakikita ka, sakit pag nakikita kang mag kasama kang iba at galit kapag masaya ka kapag kasama mo siya"

Nakita niya kami ni Andrei kahapon?

"Nakita mo ang kahapon?"

"Palagi kahit naman kasi hindi kayo magkasama nasa isip mo naman siya" At ngayon ay tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha niya.

"Maraming meron sa akin na wala kay Andrei pero meron si Andrei na wala ako, ang pagmamahal mo "

"Derek sorry" Hindi ko alam kung paano siya ikocomfort dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

"Ok lang hindi naman ako galit sa'yo nasasaktan lang ako kahit naman kasi hindi mo sabihin na si Andrei ang mahal mo nararamdaman ko naman kaya ako nasasaktan pero salamat pala Myka dahil sa'yo natuto akong magmahal" sabi niya sa akin at ngumiti.

"Pero gusto kong malaman na ang isasagot mo para matigil na ang sakit na nararamdaman ko mamayang 5:30 pumunta ka sa gym" sabi niya sa akin. Ngumiti siya sa akin at naglakad na palabas ng room.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon